ENJOY READING..
Chapter Eighteen
HINDI pa ako pinalabas ng doktor sa ospital dahil inobserbahan pa ang pag-normalize ng dugo ko. Sabi niya baka bukas pa. So dito pa kami mag-iistay ni Dark sa ospital ng isang araw.
KINAHAPUNAN...
Gabi na nang dumalaw si Ellize at Thunder kasama rin nila si Miss Gonzaga. Pinatapos pa raw kasi nila ang klase bago nila napagpasyahan na bisitahin at kamustahin ako.
"Gwen kamusta ka na?" Nag-aalalang tanong ni Ellize. Ngumiti naman ako para maalis ang pag-aalala niya. "Okay lang ako. Nahilo lang daw ako dahil masyadong mababa ang dugo ko pero magiging maayos naman daw rin agad after taking iron supplements." Dagdag ko pa.
"Nakakainis ka! Nag-alala talaga ako sa'yo ng sobra. Akala ko napano ka na. Hindi tuloy kami makapag-focus ni Thunder sa klase kanina." Naiinis niyang sabi saka yumakap sa akin.
Lahat naman kami ay napabaling ang tingin kay Thunder na taimtim namang nakatitig sa akin simula ng pumasok sila sa loob. Bakit naman ganito 'to makatingin.? Hindi naman niya siguro iniisip na patay na ako no?
"Pati si Thunder??" Naguguluhang tanong ko. Weh? Syempre nawala yung paborito niyang asarin kapag may klase. Kaya ganyan yan.
"Oo, kaya. Habang nagka-kaklase nga mura ng mura yan sa tabi ko kasi gusto na daw niyang matapos ang k-#**$**-sh." Agad tinakpan ni Thunder ang bibig ni Ellize habang nagsasalita pa ito. Pumipiglas naman si Ellize pero hindi niya talaga binitawan.. kawawang Ellize di makahinga yan for sure.
Napangiti naman akong malaman na kahit sira-ulo si Thunder may puso rin pala. Nakakatuwa lang na nag-aalala ang mga kaibigan mo sa simpleng pagkakasakit mo.
Makailang segundo din bago nakawala si Ellize, "Hayop ka! Thunder papatayin mo ba ako! Hindi ako nakahinga ah!" Nanggagalaiting sigaw nito ng pakawalan ni Thunder ang bibig at ilong niya.
Haha mga baliw.!
"Huwag ka kasing madaldal." Sagot naman nito. Tinitigan naman sya ng masama ni Ellize. Natakot yata kaya di na lumapit kay Thunder.
Agad namang lumapit ng bahagya sa akin si Thunder. "Ayos ka na ba talaga?" Tanong nito na may labis na pag-aalala. Tumango naman ako at ngumiti sa kanya.
Pero nagulat ako sa bigla nitong ginawa....Shocks!
Maagap niya akong niyakap. OH God!!. Hindi niya ba alam na nakatingin si Dark at ang iba pa naming kasama?. Diyosme! Hindi lang nagsasalita si Dark pero sigurado akong hindi siya bulag.
Naestatwa lang ako habang yakap niya ako. " Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala para sa'yo. Ako na nga sana magdadala sa'yo rito hindi lang pumayag si Sir Dwayne dahil may klase pa daw. But believe me if I say, I'm really d*mn worried, Gwen. I really am." Buong sinseridad na sabi niya matapos niya akong pakawalan sa mahigpit na yakap niya.
WTH??!! Ano ba ang nangyari sa kanya?
Nakaawang lang ang labi ko habang nakatingin sa kanya. Ganun din si Ellize at Miss Gonzaga. Tulad ko nagulat din siguro sila bakit ako niyakap ni Thunder. Huwag naman sana nilang isiping may affair ako kay Thunder.. Shet!! Pinahamak na naman niya ako.!
Nang mag-sink-in na sa utak ko ang nangyari agad na hinanap ng mata ko si Dark.
And My Goodness! He's in his very Dark state now. Dark is getting darker and darker.. but I know.. He's controlling his black aura.
His eyes were fired-up and his jaw tightened in so much rage. Halos pinapatay na niya ng masasamang tingin si Thunder. Kitang-kita ko rin ang pagkimkim ng kamao niya. Kung posibleng dumugo ang kamay niya baka nagawa na niya. Pinipiga na niya yata ang kamao niya.
BINABASA MO ANG
My Hunk Husband Became My Terror Professor (COMPLETED)
General Fiction"YOU ARE MY GORGEOUS HUSBAND YET YOU ARE ALSO MY TERROR PROFESSOR" "I love you Dark, I love you Sir" Status: Completed Sorry for some errors read at your own risk. Copyrights © all right reserved 2016 Photo on the book cover is not mine...CTTO