SPECIAL CHAPTER

14.5K 262 83
                                    

SPECIAL CHAPTER

🌲A CHRISTMAS STORY 🌲

***ONE MONTH BEFORE CHRISTMAS**

DAHIL magpapasko ngayon, excited akong magdecorate ng bahay namin. Oo ako lang mag-isa ang magdedecorate.

Dark was busy at his office. While the kids are busy on their studies before Christmas. So no choice ako lang talaga.

I was about to open the box where I kept our christmas tree parts. When I saw something that brought me out to remember... A cute past... That I am gladly to reminisce every year because that's really the start of our future.

----FLASHBACK---

Gwen was eight years old that day..

Masaya akong naglalaro sa pilapil ng bukid. Habang si Itay ay nagsasaka. Madalas kasi akong sumasama sa kanya buhat ng hindi na makasama si Inay dahil naging abala ito sa pag-aalaga sa bunso kong kapatid.

Habang tumatawid ako sa pilapil ay may nakaagaw ng atensyon ko dahilan para mapabagsak ako sa putikan.

Eww! Ang dumi ko na.!

Agad namang may lumapit sa akin at nag-alok ng tulong para makatayo ako.

"You need help? Come and hold my hand." Napatanga ako sa binatilyong nag-aalok ng kamay niya sa akin.

Wala akong masyadong naintindihan sa sinabi niya. Ibang wika kasi eh.

Pero dahil may kamay na nasa harap ko kinuha ko iyon. At inalalayan niya akong tumayo.

Hindi ako pamilyar sa mukha ng binatilyong nasa harap ko. Ngayon ko lang siya nakita rito sa bukid. At ngayon lang ako nakakita ng ganito kagwapong mukha dito. Sa asta nito nasisiguro kong anak mayaman ito.

"Salamat po, kuya." Sabi ko nang makatayo na ako ng maayos.

"You looked dirty. Can you go home with that..?" Turo niya sa maduming damit ko. "I mean, having mud in your clothes."

Napakunot naman ako ng noo. Grabe naman hindi ko maintindihan.. Si kuya..

Nakita kong kumunot din ang noo nito sa akin. "Ah.. Eh hindi kasi kita maintindihan.. Kuya?" Nahihiyang sabi ko.

"What?!, aren't you going to school? That's why can't you understand english?" Sunod-sunod na tanong niya na lalong nagpalukot ng mukha ko.

Hindi ba talaga marunong magtagalog ang lalaking 'to? Hindi kami magkakaintindihan nito eh.!

"Kuya parang awa mo na magtagalog ka naman. Mukhang naiinitindihan mo naman ako eh." Pagmamakaawa ko. Ang hirap kaya makipag-usap ng walang maintindihan.

"Sige. Sabi ko hindi ka ba nag-aaral? Hindi ka kasi nakakaintindi ng english." Ah yun pala yung tanong niya.

Teka? Hindi nag-aaral? May english na subject pero elementary pa lang ako.. Hindi pa ako ganun katalino.

"Ah nag-aaral ako kuya pero.. Elementary pa lang ako. At hindi pa ako masyadong nakakaintindi ng ganun kahabang english." Paliwanag ko. Naupo naman ito sa tabi ko at nangingiti.

Tinitigan ko naman ang mukha nito habang nakatingin pa ito sa malayo.

Hmm? Ang gwapo ni kuya mukhang artista..

"Ahm. Ano pong ginagawa niyo sa bukid? Mukha po kasi kayong hindi taga-bukid." Bumaling ito sa akin at ngumiti.

"Oo hindi ako taga dito. Nagbakasyon lang ako dito para makalimot sa lungkot." Biglang nawala ang ngiti sa mukha nito at napalitan ng lungkot.

My Hunk Husband Became My Terror Professor (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon