Chapter Twenty Four

17.5K 345 5
                                    

Chapter Twenty Four

ISANG linggo na mula nang makabalik kami sa Pilipinas. Kasabay na rin naming umuwi sila Inay, Itay at si Grey. Nagpaiwan naman si Chelsea at Daddy sa Japan. May mga bibisitahin lang daw sila.

Simula nang makabalik kami sinimulan ko na ring asikasuhin ang preparation ng kasal namin ulit ni Dark. And it will be a Church wedding this time.

Nakausap ko na rin ang wedding planner at wedding coordinator na nirekomenda ni Chelsea. Kaya hindi masyadong nakaka-haggard ang pag-aasikaso ko. Saka tumutulong din si Dark.

Talagang sinusuportahan niya ang mga gusto ko pero ayaw ko namang puro idea ko lang lahat. Dahil kasal naman namin iyon pareho. Kaya pilit ko siyang hinihingian ng suhestyon.

At tulad ng una naming kasal siya ang namili ng gown ko. With his same reason again. Hindi na ako nakipagtalo pa dahil alam ko namang hindi rin ako mananalo. At alam ko namang hindi pipili si Dark ng simpleng gown.. He doesn't know the word 'simple'.

Tatlong buwan mula ngayon ay ikakasal na kami. Oo medyo matagal pa. Sinadya ko dahil yung iba naming bisita mga kamag-anak ni Dark na hindi nakadalo sa una naming kasal. Saka nakiusap din si Itay dahil manganganak daw yung isa naming kalabaw. Kung luluwas sila sa maynila walang mag-aalaga.

Wala rin namang kaso sa amin ni Dark. Hindi naman kami nagmamadali.

"Dark, okay lang ba naimbitahin ko si Thunder?" Tanong ko sa kanya habang sinusulat ang mga pangalan ng padadalhan ng imbitasyon. Iniisip ko kasi baka ayaw niya. Siguro naman maiintindihan naman ni Thunder kapag hindi ko siya inimbita...

Pero parang ang sama sa pakiramdam ko dahil kahit papaano naging kaibigan ko pa rin naman siya. Kaso ayaw ko namang mag-isip na naman ng iba si Dark.

Tumingin siya sa akin at huminto sa pagtutok sa laptop niya. "The problem is not mine, wife. The fact that you're my bride on that day, and kiss you there in front of them. Kaya ba niyang tiisin?" Ang haba naman ng sinagot. So okay lang sa kanya.?

"Ganun ba? Alam ko tanggap na naman ni Thunder e. Mas nakakahiya naman yata kung siya lang sa mga kaklase ko ang hindi ko iimbitahin?"

"Better asked him." He said. tama..!!

Agad kong kinuha ang cellphone ko at akmang tatawag na ako kay Thunder ng may maalala ako.

"Dark, paano ko siya iimbitahin? Ano sasabihin ko?" Yun na nga paano ko ba sasabihin sa kanya..

'Hey Thunder punta ka ba sa kasal namin ni Dark.. Magpapakasal kasi kami ulit.' Hayyss!! Ang awkward naman nun. Hindi naman ako insensitive at alam kong nasa moving on stage pa siya sa akin.

"Just asked him not forced him to come. It's his choice, though. At least you asked." He said. Sige na nga bahala na si Batman!

I dialed Thunder's number while Dark, beside me, is doing his work. After two rings he answered.

"Hello. Thundz." I greeted with glee.

"Hey. Gwen." He said in his plain voice.

"Ahmm.. ano kasi may..." sheet!! Ang hirap talagang sabihin kung anong okasyon eh. "Ah.. event kaming gaganapin.. inimbita ko lahat ng kaklase natin. Gusto mo din bang pumunta padalhan kita ng invitation." Hala.. baka kung anong event isipin niya. Hindi ko kasi masabi na kasal eh.

"Is that you're upcoming wedding?" He asked and I was shocked.. wow! Ang galing ni Thunder nalaman niya.

"Hala?! Paano mo nalaman hindi pa naman ki--"

"Ellize did. Tinawagan niya ako kanina at sinabing ikakasal ka daw ulit sa 'asawa mo'. Tinanong niya ako kung pupunta daw ba ako dahil magpapasama daw siyang bumili ng regalo para sa inyo ng 'asawa mo'." Grabe talaga ang babaeng yun. At note the sarcasm everytime he mention the word asawa ko..

My Hunk Husband Became My Terror Professor (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon