CHAPTER THREE
NANDITO pa rin kami ng demonyong si Dark sa loob ng office niya sa mansyon. Pinag-uusapan na namin ang tungkol sa kasal 'kuno' namin.
"As my bride, I will let you choose the date of our marriage." Sabi niya habang nakatitig sa akin. Gosh! Nakabestida lang ako. Panty ko! Kumapit ka lang... Bakit kasi ang lagkit makatingin eh. Yung puso ko nagwawala. Good heavens!
"Pwede next year?" Biglang umasim naman ang mukha niya. Akala ko ba ako mamimili? E gusto ko next year tapos itatapat ko sa birthday ko. Kakatapos lang kasi ngayong taon e.
"No. Not that long." Maotoridad na sagot naman niya. "Akala ko ba ako masusunod tapos hindi pwede. Ang gulo mo!" Napapout tuloy ako.
"Yes, I said you will be the one to choose but one month within this day is the longer possible." Napanganga naman ako sa kanya. "Ano!? one month preparation lang ang kasal?" Gulat na tanong ko.
"Precisely!" Nakangiting sagot niya. "So.. When do you want?" Tanong niya ulit.
"May sira ka na talaga sa ulo!. Hindi ganun kabilis mag-ayos ng kasal tsaka ....." Yumuko ako nahihiya kasi ako sa susunod kong sasabihin. "Gusto ko sana garden wedding eh, 'yon ang pangarap ko kapag kinasal ako.." May movie kasi akong napanood na kinasal 'yong bidang babae sa partner niya in a romantic garden wedding. Simula noon nangarap na ako na ganun din magiging kasal ko.
"Then be it." Sagot naman niya. Napaangat ako ng tingin sa kanya. "Talaga?! Gagawin mo 'yon?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Pero deep inside sobrang tuwang-tuwa ko na.
Tumayo siya at lumapit sa akin. "I cannot, but my money can." Sagot niya sa akin. Halos mapugto ko naman ang hininga ko nang halos isang sentimetro nalang ang layo ng mukha niya sa mukha ko.
OH MY .. Mas guwapo pala siya 'pag ganito kalapit.. God! Puso ko nagwawala na. Haist! Kung crimen lang talaga ang pagiging gwapo sigurado ako nakasuhan na siya ng Death penalty.
"Hoy! Wag kang excited hindi pa tayo kasal." Tinulak ko siya sabay talikod ko. Goodness! Ang init ng mukha ko..
Narinig ko naman ang bahagya niyang pagtawa. "I'm just teasing you. And you're prettier when blushing, Gwen" sinabayan niya ulit ng tawa.
OH MY Gulay! Nakita niya akong namumula dahil sa kanya.. God!! Nakakahiya 'to.
"Hindi ah. Kapal mo." Naiinis na sabi ko pa.
BUONG araw na yun pinlano na namin yung kasal. Natutuwa naman ako kasi ako ang sinusunod niya tungkol sa kasal. Simula sa thema, sa motiff at kung anu-ano pa. Pero sa isang bagay lang kami natagalan, sa wedding gown.
Paano ba naman hindi ko alam na may pagka-conservative type pala ang damuhong 'to.?! Yung gown kasi na pinipili ko medyo sexy. Tube-top at hanggang tuhod lang ang haba sa harap tapos yung trahe lang ang mahaba. Akalain mo ba namang ireject. Wag daw yun dahil mukha na daw akong nakahubad.
Hala siya? Kelan pa hubad ang tube?
"Ayaw ko niyan, ang baduy!" Tanggi ko sa tinuturo niyang gown. Grabe! daig ko pa si Maria Clara sa style na gusto niya. Oo probinsyana ako pero dahil ilang taon na ako sa maynila medyo classy na ako. Alam ko na kung ano ang uso at baduy.
"Then don't wear anything if you're insisting on that freaking gown!" Turo niya sa picture ng gusto kong gown.
"Bakit ba kasi ayaw mo niyan. Maganda naman ah." Hindi ako nagpatalo sa kanya. Hello?! Nasa modern world na po kaya kami.. tapos siya parang nasa panahon pa ng kastila.
Nakita kong nafufrustate na rin siya sa akin.. Para na siyang uusok. "I DON'T WANT OUR VISITORS EYE-RAPING YOU WHILE WALKING DOWN THAT AISLE." Naiinis na sabi niya. Hindi ako makaimik tulala lang ako habang pinapakalma niya ang sarili.
BINABASA MO ANG
My Hunk Husband Became My Terror Professor (COMPLETED)
Fiksi Umum"YOU ARE MY GORGEOUS HUSBAND YET YOU ARE ALSO MY TERROR PROFESSOR" "I love you Dark, I love you Sir" Status: Completed Sorry for some errors read at your own risk. Copyrights © all right reserved 2016 Photo on the book cover is not mine...CTTO