Chapter Two
MATAPOS niyang sabihin iyon ay umalis na siya. Iwan ang salitang,
"I'll give you one week to decide whether you'll pay me cash or the marriage. Just one week."
Nang makaalis nang tuluyan ang Hinayupak na lalaking yun, kami nalang ng pamilya ko ang narito sa sala.
"Sino po ba talaga yun.?" Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Inay at Itay. Sa huli si Itay rin ang sumagot. "Si Sir. Dark Monteclaro yun unico-hijo ni Don Diego." So Dark pala pangalan niya kasing-dilim ng ugali niya ang pangalan niya.
"Eh bakit siya ho ang naniningil ng utang niyo kay Don Diego.?" Tanong ko ulit.
"Kasi anak nung kamakailan nagkasakit raw si Don Diego at hanggang ngayon mahina pa ito. Kaya lumuwas pa ang anak niyang iyon galing ibang bansa para imanage muna ang mga negosyo ng Ama niya kasama na dun ang sakahan." Pagkukwento niya. Kaya pala Englisero galing ibang bansa.
"Nung nakaraang buwan ay nabigla ako nang kausapin ako nito. May nakapagsabi daw rito na humiram ako sa ama niya ng ganun kalaking halaga. Hindi ko naman yun itinanggi bagkus ay humingi ako ng paumanhin at nangakong babayaran din yun ng paunti-unti. Ngunit masyadong mabilis ang palugit na binigay niya sa akin hindi ko iyon kayang tapusin nang ganun-ganun lang." Malungkot na saad pa niya.
Hindi naman ako makaimik. Alam kong nagkamali si Itay ngunit hindi ko naman siya maaaring pabayaan.
"Anong gagawin natin?" Nababalisang tanong ni Itay. Umupo naman ako malapit sa kanya saka hinimas ang likuran niya. "Tay, may awa ang Diyos. May maiisip din tayong solusyon" pinapalubag ko ang loob niya kahit ako, alam ko sa sarilikong wala na kaming ibang paraan.
It's either tanggihan ko ang alok niyang kasal at makulong naman si Itay o tanggapin ko iyon kapalit nun ay magdudulot naman sa akin ng miserableng buhay.
Kahit saan ko tignan ang huling paraan ang tamang solusyon. Pero paano naman ang kinabukasan ko.? Hindi isang birong usapan 'yon, panghabang-buhay na pagsasama 'yon.
At ni minsan sa buhay ko hindi ko naisip na maikakasal ako sa taong hindi ko naman mahal. Oo, may paghangga ako sa kanya dahil gwapo siya at makisig ngunit hindi naman sapat iyon para pakasalan ko siya.
"Anak. Patawarin mo ako. Patawad.." Naluluhang sabi ni Itay na nagpaluha rin sa akin. "Tay, tama na po. Tapos na iyon, sa ngayon ay sama-sama natin itong lulutasin." Agad namang yumakap si Inay sa amin at gayun din ang kapatid ko.
Habang kayakap ko ang pamilya ko napapaisip akong sila ang pinakamahalagang tao sa buhay ko, nagpapakahirap ako para sa kanila.
Kaya ano ba naman na isakripisyo ko ang sarili ko para sa kanila. Mahal ko sila higit pa sa buhay ko. Nakapagdesisyon na ako. Bahala na bukas at sa susunod pa. Ngunit hindi ko hahayaang masayang ang buhay ni Itay sa loob ng rehas habang si Inay ay nagdurusa na hindi kasama si Itay.
Ang makitang masaya ang pamilya ko ang kaligayahan at kayamanan ko. Kaya sigurado na ako.
Huminga muna ako ng malalim. "Itay, Inay, nakapagdesisyon na po ako. Tatanggapin ko na po ang inaalok niyang kasal." Laglag ang panga at mulat na mulat ang matang tumingin sila sa akin. "Anak wag.. Hindi ako makakapayag! Magiging miserable ang buhay mo! Hindi natin alam ang totoong ugali ng binatang iyon." Pasigaw na sabi ni Itay.
"Pero tay wala ng ibang paraan kung hindi ay -"
"Makukulong Ako.! Mas nanaisin ko pa iyon. Anak kaysa maging miserable ang kinabukasan mo.! Tutal kasalanan ko naman ito kaya't ako dapat ang magdusa." Putol niya sa aking sasabihin. Napakunot naman ang noo ko.
"Hindi rin ako makakapayag nang ganoon, Tay. Matanda na kayo at hindi ko hahayaan na masayang lang iyon sa loob ng rehas at kayo lang mag-isa." Madiin na sabi ko naman.
![](https://img.wattpad.com/cover/91068467-288-k719302.jpg)
BINABASA MO ANG
My Hunk Husband Became My Terror Professor (COMPLETED)
Ficción General"YOU ARE MY GORGEOUS HUSBAND YET YOU ARE ALSO MY TERROR PROFESSOR" "I love you Dark, I love you Sir" Status: Completed Sorry for some errors read at your own risk. Copyrights © all right reserved 2016 Photo on the book cover is not mine...CTTO