(3.1) WILL YOU BE MY GIRL AGAIN?

18.6K 249 1
                                    

"LONG TIME NO SEE, LENNETH." Iyon ang namutawi sa mga labi ni Ace nang masilayan niya ang dalaga.

Gusto man niyang sugurin ito ng yakap ay alam niyang hindi puwede. Malaki ang atraso niya sa dalaga kaya kailangan niya munang ayusin ang lahat sa pagitan nila bago nuya magawang yakapin ito ng mahigpit.

Bumalatay sa mukha ni Lenneth ang poot at galit na ilang taon niyang itinago sa dibdib niya. Kahit ang mga magulang niya ay hindi alam ang totoo niyang nararamdaman. Ang alam ng lahat nang nakakakilala sa kanya at sa nangyari noon ay matagal na niyang kinalimutan si Ace at wala na siyang ni katiting na galit para sa binata. Sa ganoong paraan niya lang maipapakitang naka-move on na siya at wala ng kahit anong nararamdaman pa sa gagong nang-iwan sa kanya, tatlong taon na ang nakararaan.

"Hindi mo ba 'ko patutuluyin?" tanong ni Ace sa dalaga na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin sa harapan niya.

"Oh! My mistake, please come in and have a seat," maluwang ang ngiting saad ni Lenneth kay Ace at tumabi upang makapasok ito ng tuluyan.

"Dude, welcome back!" masiglang pagbati ni Kenneth na agad lumapit sa binata nang makapasok ito ng opisina.

"Thanks Bro, how are you?" ani Ace na yumakap sa binata at nakipagkamay.

"Still alive and handsome as always. Anyway, ipapakilala ko sa 'yo ang secretary ko," sabi ni Kenneth at lumingon sa kanya.

"I think there's no need for that," sabi ni Lenneth na hindi nawala ang nakakapang-akit na ngiti sa mga labi nito. "Now I know that it's not a coincidence na magkapareho kayo ng apelyido. Welcome to the company Mr. Ace MartinVillanueva," hindi niya naitago ang sarkasmo sa kanyang boses habang nagsasalita.

Natigilan ang dalawang binata at kapwa napatingin sa kanya.

"Lenneth, it is not what you think, I--"

"No need to explain, Sir. I am just your employee here and I don't have the right to ask you 'personal question'. Aalis na ako mukhang marami kayong pag-uusapan," mariin niyang wika kay Kenneth.

Walang lingon-likod na nilisan niya ang opisina nito. Kailangan niyang umalis bago pa maging huli ang lahat at bigla siyang manapak ng bago niyang 'Boss'.

Napalakas ang pagsara ni Lenneth ng pinto at kapwa nagkatinginan ang magpinsan, nanghihinang napaupo si Ace habang si Kenneth ay napahawak sa sentido nito.

"You think she will be fine working with me?" malungkot na tanong niya kay Kenneth.

"Hey, chin up, Bro! Hindi puwede ang ganyang attitude mo sa harap ni Lenneth. You need to be confident and tell her the truth, be a man!" Nakangiting saad ni Kenneth at tinapik siya sa braso.

Buntong-hininga lang ang iginanti niya sa sinabi nito. Alam niyang pinapalakas lang nito ang loob niya. Sa totoo lang hindi niya alam kung paano niya uumpisahan ang panunuyo sa dalaga. Sa laki ng ginawa niyang kasalanan dito ay parang wala ng tsansa na makikinig pa ito sa kanya. Nakita rin niya ang sobrang galit at poot sa mga mata nito kanina pagkakita sa kanya.

"I guess I need to try," aniya na nagbuga ng malalim na buntong hininga.

"Yeah, that's the spirit. But don't forget also our deal," nakangiti nitong paalala sa kanya.

Natigilan siya sa sinabi nito, ang akala niya'y nagbibiro lang ito nung huli nilang pag-uusap. "Did you already fall for her?"

'Did I?' Napaisip si Kenneth sa tanong na iyon ni Ace sa kanya ngunit naipilig lang niya ang ulo dahil wala siyang alam sa ganyang mga bagay.

Falling in love to someone is not his style. He loves to play with girls in the bed, flirt with them, but he didn't think of falling to anyone. Wala iyon sa bokabularyo niya.

"No. I just want you to move on, isa pa may boyfriend na si Lenneth. She loves him so much and nakikita ko namang mahal din siya ng lalaki niya," sabi niya rito.

"Paano mo nasabing mahal nga ni Lenneth ang lalaking 'yun? Hindi basehan ang mga nakikita mo para sabihing nagmamahalan silang dalawa. I know Lenneth better than anyone, kung mahal niya ang isang tao she will be willing to support him in anything," litanya ni Ace.

'She didn't allow me to f*ck her! That's one of the reasons why I told you she loves her botyfriend!' Sigaw ng utak niya.

Napapikit ng mariin si Kenneth at saka nakapameywang na tumingin kay Ace. "Everything's changing Ace, kahit sino o ano pa man 'yan, lahat nagbabago. Specially, when that someone is deeply hurt and broken."

Natahimik si Ace sa sinabi nito, tama ito. Everything's changing pero hindi pa rin siya susuko. Alam niyang mahal pa rin siya ng dalaga, ang kailangan niya lang gawin ay suyuin ito at ipaliwanang ang lahat.

"By the way, I need to go baka mahuli pa ako sa flight ko. Hinintay lang talaga kitang dumating, it's all up to you Bro, goodluck."

Pagkasabi ni Kenneth niyon ay niligpit niya na ang mga gamit niya. Nakatingin lang sa kanya si Ace at parang nag-iisip ng malalim. Lihim na napailing siya sa itsura ng kanyang pinsan. Ace is one of his closest cousin kaya pumayag siya sa gusto nitong mangyari.

He knows everything about Ace and Lenneth, and their relationship in the past. Nang bumalik ito galing Amerika ay humingi ito ng tulong sa kanya para mapalapit ulit sa dalaga na hindi niya naman tinanggihan.

Isa sa mga rason kung bakit tinanggap niya si Lenneth ay dahil na rin sa pinsan niya. Hindi niya lang talaga napigilan ang tawag ng 'kalikasan' kaya nagawa niyang pakialaman ito. Well, it's just some kind of killing their boredom.



PAGKABALIK ni Lenneth galing sa CR ay naabutan niya sa kanyang desk si Kenneth na nakatayo at parang hinihintay siya. Bigla ang pagkulo ng dugo niya at kulang na lang ay sugurin ito ng sampal.

Walang emosyong lumapit siya rito at umupo sa kanyang desk.

"Lenneth I'm going," sabi nito.

Parang walang narinig si Lenneth at inabala ang sarili sa pagre-revise ng isang report na ginawa niya kaninang umaga.

"Wala ka man lang bang sasabihin?" dagdag pang saad ni Kenneth.

"Bye. Enjoy your trip, Sir," pormal na paalam niya rito.

"Will you cut the formality, Lenneth?" pakiusap ng lalaki sa kanya.

"We don't have anything to talk about, Sir, naipasa ko na lahat ng kailangan mong documents kanina bago mag-lunch break. As for the stockholders--"

"Lenneth, I'm sorry," putol ng binata sa sinasabi niya. "I'm sorry for not telling you about him working here as your new Boss."

"So alam mo pala," aniyang nasa pananalita ang galit.

Nakapikit na tumango si Kenneth. Ayaw niyang makita ang ganitong itsura ni Lenneth. Nakaka-intimidate at parang biglang nanlambot ang mga tuhod niya. Sa unang pagkakataon, sa buong buhay niya ay ngayon lang siya nakaramdam ng panlalambot ng tuhod.

"Okay. You can go now I don't have anything to tell you," malamig na turan ni Lenneth at muling nagpatuloy sa pagbabasa.

"I will come back so--"

"Sir, even if you come back, I really don't give a damn care. Tapos na ang trabaho ko sa 'yo and I have a new Boss so, if you'll excuse me marami pa akong gagawin," mataray niyang sabi sa kaharap.

Napabuntong hininga na lang si Kenneth at kahit may gusto pa siyang sabihin ay sinarili niya na lang iyon. Mukhang hindi niya makakausap ng maayos ang dalaga ngayon at hindi niya ito masisisi.

Ang akala ni Lenneth na aalis na ito ay hindi nangyari. Nagulat siya nang bigla nitong tinawid ang pagitan nila, hindi naging sagabal ang mesang nasa pagitan nilang dalawa. Napatigil siya sa ginagawa at napatingala dito kaya naman tumama ang labi nito sa sentido niya habang sakop ng dalawang kamay nito ang kanyang mukha.

"Take care of yourself Lenneth, goodbye for now." Pagkasabi ni Kenneth niyon ay agad nitong nilisan ang office booth niya.

Naiwan siyang nakatulala at pilit ina-absorb ang mga nangyari. It was the first time she saw Kenneth being tender and sweet. What in the hell was that mean?

Tunog ng intercom ang pumukaw sa pagkatulala niya.

"Come at my office I want my schedule for today."

Her Only Desire: LOVE |R-18|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon