LUMIPAS ang isang buwan ngunit hindi pa rin siya tinitigilan ni Ace, kahit anong pagtataboy ang ginagawa niya ay talagang mapilit ito kaya naman nagpatuloy ang malamig niyang pakikitungo rito. Araw-araw ay may bungkos ng bulaklak sa mesa niya at kapag kinokompronta niya ito ay hindi siya nito binibigyan ng pansin, hanggang siya na ang sumuko at hayaan ito sa kung ano ang gusto nitong gawin. Ang importante sa kanya ay nasabi niya na ditong wala siyang mapapala sa kanya.
Ngayong araw pagkapasok niya sa kompanya ay iba ang nadatnan niya, isang supot ang nakita niya at isang matandang babae na nakaupo mismo sa kanyang upuan.Kaagat ang labi niya ng maalala niya ang mga magagandang nangyari sa kanya kasama ang matanda. Hindi niya napigilan ang maluha ngunit dagli niya iyong pinunasan at inayos ang sarili para harapin ang bisita.
"Magandang umaga ho, may kailangan ba kayo?" magalang at nakangiting bungad niya nang lumapit siya sa kinaroroonan nito.
Tinignan siya ng Ginang mula ulo hanggang paa at napanganga ng makilala siya. "Lenneth! Ang laki na ng pinagbago mong bata ka! Kumusta ka na?" masiglang saad nito at tumayo upang yakapin siya.
Lihim na napakagat ng labi si Lenneth at pinigilan ang pag-alpas ng totoong emosyon. "Mabuti naman ho ako Nanay Iseng, kayo po? Anong meron at napasugod kayo dito?"
"Naglambing lang si Ace, alam mo naman ang batang iyon. Pinabibigay niya sa 'yo ito. Hindi kasi siya makakapasok ngayon dahil may biglaang meeting daw siya," nakangiting saad nito.Wala sa sariling marahas siyang bumuga ng hangin, nawala naman ang ngiti sa labi ng Ginang nang makita ang reaksyon ng dalaga.
"Hija."
"Nanay Iseng, hindi naman po sa minamasama ko ang pagpunta niyo dito pero nakakairita lang ang katigasan ng ulo ni Ace. Sinabihan ko na siyang tigilan na ako dahil masaya na ako sa boyfriend ko ngayon. Kita mo at pati ikaw ay dinadamay sa kalokohan ng lalaking 'yun, nagpakapagod ka pa para lang masunod ang luho niya,"inis na saad ni Lenneth.
Nalungkot ang Ginang sa sinabi ng dalaga, ang akala niya ay matutuwa na ito dahil siya mismo ang naghatid ng pagkain para dito. Ngunit hindi pa rin pala uubra ang plano niya. "Sa totoo lang hindi naman talaga ako inutusang magpunta rito ni Ace."
Kumunot ang noo ni Lenneth at nagtatakang tumingin sa matanda.
"Ako lang ang may gustong bigyan ka ng pagkain at ginamit ko lang siya, baka sakaling lumambot ka at pagbigyan siyang magsalita." Hinawakan ni Nanay Iseng ang dalawang kamay niya at masuyong ginagap iyon. "Lenneth, hija, may mga bagay na kahit hindi natin gustong gawin ay nagagawa pa rin natin para lang 'wag masyadong mahirapan ang kaisa-isang nilalang na importante sa buhay mo."
Natahimik si Lenneth sa sinabi nito at parang nahiwagaan sa lalim ng ibig nitong iparating. Natigilan siya ng bigla nitong itapat sa kaliwang dibdib niya ang kamay nito. "Sundin mo ang bulong ng puso mo, 'wag mong hayaang lamunin ka ng galit dahil lang sa ginawa niyang pagtataksil sa 'yo noon. Lahat ng bagay ay may dahilan, nahuli man siyang dumating ulit pero pursigudo naman siyang itama ang lahat ng iyon. Mahal ka ni Ace at isa ako sa magpapatunay niyon."
Hinaplos nito ang kanyang pisngi at walang salitang umalis na sa harapan niya. Naiwan siyang nakatayo lang doon at nahulog sa malalim na pag-iisip
'Kailangan ko ba talagang pakinggan muna ang paliwanag niya?' tanong niya sa isip niya.
'Hindi niya nagawa dati nung tanungin mo, sa tingin mo magsasabi siya ng totoo? Gagamitin ka lang ulit niya at paglalaruan kaya hayaan mo siya!' sigaw ng konsensya niya.Nasapo niya ang sentido sa sobrang gulo ng isip ng niya. Listen to what my heart says? Wag pairalin ang galit? Then what?'
BINABASA MO ANG
Her Only Desire: LOVE |R-18|
General FictionLenneth Morales, a happy-go-lucky secretary who can do everything that she wanted. She had a boyfriend and an affair with his Boss, but the thing is, they are just more like playing with each other. Hanggang foreplay lamang sila at hindi niya ito pi...