MAAGANG pumasok si Ace kinabukasan gusto niyang i-surpresa si Lenneth kahit alam niyang walang saysay ang gagawin niya para rito. Pagkatapos ng ginawa nilang pag-uusap ni Kenneth kagabi ay mas naging pursigido siyang suyuin ang dalaga.
Bumili siya ng isang bungkos ng kulay puting rosas bago dumiretso ng opisina. Binati niya ang mga nakakasalubong na empleyado at isa-isang nginigitian ang mga babaeng hindi magkandarapang pagtuunan niya ng pansin.
Pagdating sa mismong table ni Lenneth ay nagulat pa siya nang makitang nakaupo na ang dalaga doon at may binabasa sa notepad nito.Huminga muna siya ng malalim bago nagsimulang humakbang papalapit dito. Nag-angat naman ng tingin si Lenneth at unang napansin ang bungkos ng bulaklak na hawak-hawak nito.
"Good morning Lenneth, ang aga mo naman yatang pumasok ngayon?" pilit ang ngiti at kinakabahang bungad na sabi ni Ace.
"Maaga akong sinundo ni Hance upang ihatid dito," simpleng tugon nito at ibinalik ang tingin sa ginagawa.
Inilapag ni Ace ang mga bulaklak sa harap niya kaya napatigil sa pagbabasa si Lenneth.
"Lenneth pwede ba kitang makausap mamaya pagkatapos ng trabaho mo? Kahit pakinggan mo lang ako okay na 'yun sa akin," ani Ace na biglang lumuhod sa harap niya.
Nagulat naman si Lenneth sa ginawa nito at hindi makapaniwala sa ginawa ng binata.
"Pwede bang tumayo ka riyan? Mamaya may makakita pa sa 'yo at kung ano ang isipin sa 'tin!" matigas na sabi ni Lenneth na pinandilatan pa ito.
"Not until you say yes, ilang araw na akong nakikiusap sa 'yo pero hindi mo ako pinakikinggan. I want you to listen to what I want to tell you, please, Lenneth, just this once," puno ng pagsusumamong saad ni Ace.
Nagtitimpi namang napahawak sa noo niya ang dalaga. Sa loob ng ilang linggo nilang pagsasama sa trabaho ay hindi talaga ito sumusuko sa panunuyo at pagpipilit na pakinggan niya ang eksplinasyon nito. Nakakapagod na rin ang paulit-ulit na pambabalewala at pagtanggi niya rito. Ano ba ang mawawala kapag pinakinggan niya 'to? Besides engaged na siya at wala na itong magagawa dahil ikakasal na siya.
Bago pa man makapagsalita si Lenneth ay napansin na ni Ace ang munting metal na nakasuot sa kamay nito. Bigla ang malakas na pagtambol sa dibdib niya at hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon sa nakita.
"Ace, hindi ka ba nagsasawa sa paulit-ulit kong pagtanggi sa 'yo? Napatawad na kita di ba? Ano pa ba ang inaasahan mong mangyayari?" nawawalan ng pasensyang saad ni Lenneth.
"Who gave you that thing?" tanong ni Ace kay Lenneth na nakatuon ang paningin sa kamay niya.
Natigilan si Lenneth at napansin na ang tinitingnan nito ay ang daliri niyang may suot na singsing. Ipinakita niya dito ang kamay niya at nagsalita. "Hance gave this to me yesterday, I'm finally engaged, Ace. May isang lalaki ng tumupad sa pangarap na inasam ko dati pa," may bahid ng pait ang boses ni Lenneth ng sagutin ang binata.
Pakiramdam ni Ace ay gumuho ang mundo niya sa narinig na sabi ni Lenneth. Ikakasal na ito at nasa harap niya na ang patunay na tinanggap nito ang alok ng nobyo nito.
Naggalawan ang magkabilang bagang ni Ace at naitikom ang dalawang kamao. Biglang nagdilim ang kanyang paningin at nanatiling nakaluhod sa harap ni Lenneth.
'Ang tanga mo Ace! Ang bagal mong kumilos!' sigaw ng kanyang konsensya.
"M-mahal mo ba talaga ang lalaking yun?" madilim ang mukhang tanong ni Ace sa dalaga.
"Yes! I love him," walang kagatul-gatol na sagot ni Lenneth.
Namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa at parang walang gustong magsalita. Hindi magawang tumayo ni Ace sa pag-aalalang matumba siya sa oras na gawin niya 'yun. Bigla siyang nawalan ng lakas nang sabihin nitong ikakasal na ito.
"Lenneth I-" itinikom ulit ni Ace ang bibig at marahang ipinikit ang mga mata.
"Ace please, tumayo ka na riyan. Ayokong maabutan ka ng ibang empleyado sa ganyang itsura," utos ni Lenneth sa binata.
"I'm sorry," garalgal ang boses na saad ni Ace at nagmamadaling tumayo upang pumasok sa opisina niya.
Natigilan si Lenneth nang mapagmasdan niya ang mukha ni Ace bago pa man ito pumihit upang pumasok sa sarili nitong opisina. May awang humaplos sa kanyang puso at may maliit na parte ang nalungkot dahil sa nakita niyang reaksyon nito.
Nakagat niya ang kanyang ibabang labi at nagdalawang- isip kung susundan niya sa opisina si Ace at ipaliwanag dito ang lahat. Siguro nga tama ito at si Nanay Iseng, kailangan niyang pakinggan ang anumang sasabihin nito para sa ikakapanatag ng lahat. Isang paraan na rin iyon para maka-move on ang mga taong naging sanhi ng malaking peklat sa puso ni Lenneth.
PAGKATAPOS ng lunch break at nang bumalik si Lenneth sa kanyang table ay hindi pa rin lumalabas sa opisina niya si Ace. Hindi naman sa nag-aalala siya sa kung ano na ang nangyayari dito sa loob ngunit kinakain siya ng kanyang konsensya dahil sa nakitang mga luha sa mukha nito kanina.
Nag-ipon siya ng lakas ng loob upang pasukin ito at kausapin once and for all. Para sa ikakatahimik ng loob niya at loob nito, they needed to talk personally.
Pagkapasok sa opisina ni Lenneth ay nadatnan niya itong nakatanaw sa glass window ng opisina nito.
Tumikhim siya para mapukaw ang atensyon nito at hindi naman siya nabigo. Tumingin ito sa kanya at ayun na naman ang mga mata nitong naglalarawan ng sakit at pagdurusa. Iniiwas niya ang tingin dito at nagkibit ng kanyang balikat.
"I'm here to tell you that I'm ready to hear what you want to explain," sabi niya.
Biglang nagliwanag ang mukha ni Ace at tila ba nabuhayan sa sinabi ng dalaga.
"I'm doing this just to free you from your guilt. You need to move on, Ace at kung ang pagpapaliwanag mo ang makakapagpalaya sa konsensya mo sige makikinig ako. Nakamove-on na ako, Ace, tatlong taon na simula ng mangyari iyon kaya 'wag mo namang asahan na sa pagdating mo at pagsasabing gusto mo ulit akong bumalik sa 'yo eh, magkakandarapa na akong bumalik sa 'yo. Minahal kita at alam kong alam mo 'yun, but now, isa ka na lang sa nakaraan ko, just accept it alresdy, please."
Natahimik si Ace sa sinabing 'yun ni Lenneth. Talagang hindi na mababago pa ang desisyon ng dalaga. Hindi niya rin ito masisisi dahil nga sa ginawa niyang kagaguhan dati pero hindi rin siya papayag na maikasal ito sa gagong lalaking 'yun.
He's not deserving for her!
Inilang hakbang ni Ace ang pagitan nilang dalawa ni Lenneth at saka hinawakan ito dahilan para mapatingala ang dalaga sa kanya.
"Whatever the reason is, masaya ako at binigyan mo 'ko ng pag-asang magpaliwanag. Iyon lang naman ang hiling ko simula sa umpisa, 'di ba? Sana lang mali ako sa kutob ko," saad ni Ace na hindi nag-atubiling halikan siya sa noo.
Naguluhan si Lenneth sa sinabing iyon ni Ace. 'Kutob saan?'
"I will tell you when, but not now my boyfriend will pick me up after work," pagkasabi niyang 'yun ay lumayo na siya rito at walang lingon-likod na umalis ng opisina nito.
Nagdidilim ang mukha at nagtatagis ang bagang na naisuntok ni Ace ang kamao sa katabing mesa. Hindi niya pwedeng pabayaan si Lenneth na mapunta sa gagong lalaking 'yun. Sa kahit anong paraan ay kailangan niyang maipaalam kay Lenneth ang lahat.
Ngunit paano niya gagawin 'yun kung gayong mismo sa bibig ni Lenneth galing na mahal niya ang nobyo nito? Makakaya niya kayang makita ulit itong masaktan at umiiyak sa pangalawang beses na pagkabigo?
BINABASA MO ANG
Her Only Desire: LOVE |R-18|
General FictionLenneth Morales, a happy-go-lucky secretary who can do everything that she wanted. She had a boyfriend and an affair with his Boss, but the thing is, they are just more like playing with each other. Hanggang foreplay lamang sila at hindi niya ito pi...