Pagsapit ng alas tres ay tinawag siya ni Kenneth sa opisina nito, may gusto raw itong sabihing importante sa kanya. Wala siyang maisip na mahalagang sasabihin nito sa kanya maliban na lamang kung na-realize na nitong mali ang ginagawa nilang dalawa. If he will tell her to cut thier unknow affair, then so be it.
"Sir?" saad niya pagkakatok niya sa pinto.
"Come in." Narinig niyang turan nito.Nang pumasok siya sa loob ng opisina nito ay mas lalong lumakas ang hinala niya dahil sa nabungaran niyang kaseryosohan sa mukha nito. Mukhang desisido na talaga ang lalaki na tigilan na nila ang kalokohan nilang dalawa.
'Well, in that case, sino ba naman ako para tumutol. Ayoko namang magmukhang desperada at pilitin pa ito sa bagay na ayaw na nitong gawin.'
"Lenneth, are you listening to me?" salubong ang kilay na tanong nito sa kanya.'Bakit ba kasi pino-problema ko ang bagay na iyon?'
Napakurap naman siya at tila napapahiyang yumuko "S-Sorry Sir, may naalala lang ako. Ano nga ba 'yung sinasabi mo?"
Marahas na nagbuntong-hininga si Kenneth at seryosong tumingin sa kanya. "Look at me, I want you to listen carefully and focus on me while I'm talking."
"Okay Sir," sagot niya na at matamang tumingin sa lalaki.
"I'm going to London, my father called me and he wants me to handle our business there. May aasikasuhin lang naman ako doon and after that babalik ako rito," aniya.
Hindi siya agad nakahuma sa sinabi ng binata. Kung aalis ito ibig bang sasabihin mawawalan siya ng trabaho? O sasabihin nitong isasama siya nito mangibang-bansa? Kung tama ang pangalawa ay ora-mismo niyang tatanggihan ito, hindi niya kayang lumayo kay Hance nang ganoon katagal! Kapag ang unang option naman ay hindi niya rin kakayanin dahil tiyak na sa oras na malaman ni Hance na wala na siyang trabaho ay pipilitin siya nitong magtrabaho sa kompanya nito which is she don't want to happen.
"Someone will be in charge here at tatayong bagong CEO ng kompanya pansamantala. You will be working for him and he will be your new Boss while I'm not here," pagpapatuloy nito sa pagsasalita.
Nagliwanag ang mukha niya nang marinig ang sinabi ng lalaki, ibig lang sabihin ay hindi siya matatanggal sa trabaho. Lihim siyang nakahinga ng maluwag, ang akala niya at wala na siyang ibang choice kun'di ang sumama rito sa London. Ipapaliwanang na lang niya kay Hance ng maayos ang pag-alis niya, kung sakali.Ngunit iba pala ang gustong iparating ni Kenneth at mas lalong okay sa kanya iyon, ibig sabihin mananatili siyang sekretarya sa kompanyang ito ngunit iba lang ang magiging amo niya. Sana lang mabait din ang papalit kay Kenneth.
"I want you to behave yourself, Lenneth, huwag ka nang magsusuot ng mga damit na masyadong maikli at mapang-akit. Sana hindi mangyari ang nangyari sa atin sa inyo ng bago mong--"
"Teka nga," maagap na putol niya sa sinasabi nito. Itinaas niya ang isa niyang kamay para patigilin ito sa pagsasalita."Anong karapatan mong pagsabihan ako sa mga bagay na gusto kong suotin at gawin? Hindi kita boyfriend para pagsabihan ako at pagbawalan.""Lenneth, I'm just concern about you. Gusto mo bang pag-usapan ka ng mga empleyado rito?" mariing wika ni Kenneth.
"So what if they talk about me? May bago ba doon? Sa tingin mo hindi nila ako pinag-uusapan ngayon sa tuwing ipapatawag mo ako at papasok ako dito sa opisina mo?" nakahalukipkip na turan niya.
"Mr. Villa--" tumigil siya sa pagsasalita at huminga muna ng malalim bago nagpatuloy. "Sir, sa tingin ko naman wala ka nang pakialam kung anuman ang mamagitan sa amin ng magiging Boss ko. As long as I do my job, everything will be okay, besisdes, you already knew me when it comes to business and pleasure," Lenneth said as she smile seduvtively.
BINABASA MO ANG
Her Only Desire: LOVE |R-18|
Ficção GeralLenneth Morales, a happy-go-lucky secretary who can do everything that she wanted. She had a boyfriend and an affair with his Boss, but the thing is, they are just more like playing with each other. Hanggang foreplay lamang sila at hindi niya ito pi...