(5.2) THINKING OF HER

13.9K 214 3
                                    

SIKAT ng araw ang pumukaw sa natutulog pa ring si Ace galing sa nakabukas na bintana sa kanyang kwarto. Naitakip niya ang sariling braso at kukurap-kurap na inaalala ang nangyari nung nakaraang gabi sa bar.



Nagtagis ang mga bagang niya ng maalala ang napakainit na pagsayaw ni Lenneth sa gitna ng maraming kalalakihan. Hindi pa rin ma-absorb ng utak niya ang ginawang iyon ng dalaga. Talagang nagbago na ang dalaga at hindi 'yun gusto ng binata.



Isinandal niya ang hubad na katawan sa headboard ng kanyang kama at iniunat ang maskuladong mga braso.



'Lenneth, what did your boyfriend do to you?' tanong niya sa isip.



Naglakad siya papuntang banyo at naligo. Hanggang sa matapos siyang maligo ay laman pa rin ng kanyang utak si Lenneth. Ang mapang-akit nitong mga titig at ngiti na mas lalong nagpabaliw sa mga lalaking pinanonood ang kanyang maharot na pagsayaw.



Nasuntok niya ang dingding ng banyo at tiningnan ang sariling kahubaran sa salamin. Sa loob ng tatlong taong nagdaan ay malaki rin ang pinagbago niya. Mas lalong naging matikas at matipuno ang pangangatawan niya, ang kulay niyang tan ay mas lalong nakadagdag sa karisma niya. At dahil sa alaga ang katawan niya sa ehersisyo ay sumisigaw ang anim na matitigas na hugis bato sa kanyang tiyan.



Naisandal niya ang ulo sa dingding at mariing napapikit. Tila mapaglaro naman ang kanyang utak at ang pag-indayog ni Lenneth ang lumarawan.



Napasigaw siya sa sobrang frustration, paano niya ba maibabalik sa dati si Lenneth?



Ilang sandali lang ay nakagayak na siya at bumaba upang kumain ng agahan. Nadatnan niya ang kanyang ina sa sala at may kausap sa telepono.



"Good morning mom," bati niya dito sabay halik sa pisngi.



Ngiti at tango lang ang isinagot nito at itinaboy na siya papuntang kusina. Natawa naman siya at nagtungong kusina upang magpabalot ng pagkain. Sa opisina siya kakain at yayain si Lenneth na kumain kasama siya.



Napangiti si Ace sa naisip, alam niyang hindi magiging madali ang pakikipaglapit ulit niya sa dalaga ngunit wala siyang balak sumuko. Hindi niya na hahayaan pang lumipas ang isang taong hindi ito makasama at makapiling muli.



"Maganda yata ang gising mo, hijo. Ang ganda ng ngiti na nakapaskil sa labi mo," nakangiting puna ni Nanay Iseng, ang kanilang mayordoma.



Isa si Nanay Iseng sa mga taong hindi boto sa ginawa niyang panloloko dati kay Lenneth, kung hindi niya naipaliwanag ng maayos dito ang lahat ay baka isinumpa na siya nito. Mahal na mahal ng Ginang si Lenneth, palibhasa sobrang lapit ng dalawa sa isa't-isa.



"Manang, ipagbalot mo 'ko ng pagkain. Sa opisina ako kakain, yayayain ko si Lenneth na samahan ako. I'm sure kapag sinabi kong luto mo iyan ay matutuwa 'yun." Masiglang usal ni Ace na hinalikan sa noo ang Ginang.



Nawala ang ngiti ng Ginang at takang napatingin sa binata. Okay na ba kayo ni Lenneth? Sinabi mo na ba ang totoo sa kanya?"



Natigilan din si Ace sa tanong na 'yun ng Ginang, napasuklay siya ng buhok gamit ang kanyang kamay saka bumuntong hininga. "Hindi niya ako binibigyan ng pagkakataong magsalita, galit na galit pa rin siya hanggang ngayon," mababa ang boses na saad ni Ace. Napatungo ang binata at bigla ay binalot siya ng lungkot at pag-aalala.



Paano pala kapag hindi na talaga siya pinakinggan ng dalaga? Paano kung tuluyan na ngang mawala ito sa kanya without telling her the real reason behind the story of their past?



Naramdaman niya ang pagtapik ng matandang babae sa kanyang likod. "Huwag kang panghinaan ng loob, alam kong mahal ka pa rin ni Lenneth kailangan mo lang ipaalam sa kanya ang totoo."



"May mahal na siyang iba," parang may bikig sa lalamunan niya ng sabihin niya iyon. Nag-iwas siya ng tingin sa Ginang at huminga ng malalim.



"I will never give up! Kaya manang ang pagkain ko po," nakangiting saad niya dito.



Ngumiti lang din ang Ginang at ipinaghanda na siya ng pagkain. Alam ni Manang Iseng na nahihirapan ang kanyang alaga, hindi naging madali ang mga nagdaang taon para kay Ace at ang tanging naging lakas lang nito ay ang umasang makikita at makakasama niyang muli si Lenneth.









TANGHALI nang makarating si Ace sa kompanya. Hindi niya inaasahan ang mahabang traffic, nakalimutan niya rin na alas diyes ay darating si Mr. Enriles para pag-usapan ang project nito. Ang nakakainis pa, hindi man lang siya tinawagan ni Lenneth para iparemind 'yun sa kanya.



Dederetso na sana siya sa Conference Room nang mapansin ang bitbit niyang bag ng pagkain. Dumaan siya sa table nito para ibigay iyon sa dalaga ngunit wala ito sa pwesto niya.



Kunot ang noong inilapag niya ang pagkain at dagling idinayal ang numero nito.



'Damn it!' sigaw ni Ace sa isip dahil nakapatay ang telepono ng dalaga.



Mabilis niyang tinungo ang Conference Room dahil may kutob siyang doon nagpunta ang dalaga. Nasa labas pa lang siya ay rinig niya na ang tawanan ng nasa loob. Nagtagis ang mga bagang niya at kuyom ang mga kamaong binuksan ang pinto.



Nakita niya ang magandang ngiti ni Lenneth na kaharap ang matandang lalaki. Sa suot nitong V-Neck na puting blouse at kulay itim na pencil skirt na sobrang hapit. Kitang kita ang makinis nitong mga binti na lalong nagpadagdag sa alindog nito.



"You're such a funny woman, Ms. Morales. Kung bata-bata pa ako ay talagang aayain na kitang pakasalan ako," saad ni Mr. Enriles na tiningnan pa ng malagkit si Lenneth.



Ngumiti lang si Lenneth at napansin ang mabilis niyang paglapit.



"Mr. Enriles, I'm sorry for being late. Sobrang traffic papunta rito." Seryosong saad ni Ace, tinapunan naman niya ng tingin si Lenneth ngunit hindi ito nakatingin sa kanya.



"It's fine, hindi naman naging boring ang paghihintay ko sa 'yo. Ms. Morales is quit entertaining," sagot ng matanda na ikinumpas pa ang dalawang kamay sa ere.



Hindi nakaligtas kay Ace ang paghagod ng tingin ni Mr. Enriles sa katawan ni Lenneth. Pinigilan ni Ace ang sariling makapanapak ng ka-meeting, nagpakawala siya ng buntong-hininga at tinapunan ng tingin ang dalagang prenteng nakaupo sa harap ni Mr. Enriles.



"You can go, Ms. Morales. I don't need you here," malamig na tugon ni Ace sa dalaga.



Bagaman natigilan si Lenneth sa sinabi ni Ace ay hindi siya nagpahalata. Taas-noo siyang tumayo at bago umalis ay malambing siyang nagpaalam sa matanda.



Nakasimangot na bumalik sa kanyang mesa si Lenneth. Nagpupuyos sa galit ang kanyang dibdib dahil sa pagpapahiyang ginawa ni Ace sa kanya sa harap ni Mr. Enriles.



"That bastard! Arghhhh!" Nagtitimping sigaw ni Lenneth na naipadyak pa ang isang paa sa sahig.



Pagkarating niya sa mesa ay napansin niya ang isang paper bag na nakapatong sa kanyang mesa. Takang nilapitan niya ito at binuklat para lang matigilan nang makitang ang laman ay dalawang tupperware ng pagkain.



"Nanay Iseng?" natanong niya ang sarili nang pagkabukas sa tupperware ay tumambad ang pamilyar na pagkain na laging niluluto nito sa kanya at kay Ace noon.









PAGKATAPOS ng meeting nila nung manyak na matandang iyon ay agad na nagpunta siya sa kanyang opisina. Umaasang hinihintay na siya ni Lenneth at masaya sa dinala niyang pagkain.



Hindi mawala-wala ang ngiti sa kanyang mga labi sa naiisip na senaryo na madadatnan niya sa kanyang opisina. Mas lalo pang lumuwag ang ngiti niya nang mapansing wala si Lenneth sa table nito.



'I knew it!' masiglang saad niya sa isip niya.



Halos takbuhin niya ang pinto ng kanyang opisina sa sobrang excitement ngunit lahat ng iyon ay napawi nang makita niya ang seryosong mukha ni Lenneth na nakakibit ang balikat at nakatingin sa kanya.



Kinilabutan si Ace sa sobrang lamig ng tingin nito sa kanya, parang napako sa kinatatayuan niya ang binata at nilabanan ang malamig na tinging ipinupukol nito sa kanya. Ilang sandali ang lumipas na ganoon lang ang ginagawa nila, ang magtinginan sa isa't-isa.



May butil ng pawis na namumuo sa gilid ng noo ni Ace, kabado siya sa kung ano ang sasabihin na naman ni Lenneth. Sa klase ng tingin ng dalaga ay nahihinuha niya na ang sasabihin nito.



"Nakalimutan mo yata ang pagkaing dala mo sa mesa ko, Sir," malamig ang boses na saad ni Lenneth.



Halos mapalundag si Ace sa kinatatayuan nang bigla na lang tumayo si Lenneth sa kinauupuan nito. Lihim siyang napalunok sa sobrang kabang nararamdaman.



"Ace," tawag ni Lenneth sa kanya.



Napatayo siya ng deretso at hindi makapagsalita sa sobrang lamig ng boses ng dalaga.



Napahinga ng marahas si Lenneth at tinignan si Ace sa mata. "Tigilan mo na 'ko please, wala ka ng mapapala sa 'kin. Naka-move on na ako, I meet an amazing guy too. Hayaan mo ng maging masaya ako sa piling ng taong mahal ko."



Parang sinaksak ng ilang ulit ang puso ni Ace sa sinabi nito. Lumamlam ang kanyang mga mata at bumahid sa mukha nito ang matinding sakit sa sinabi ng dalaga.



"Lenneth, all I want is to clear myself to you, hindi ko sinasadyang saktan ka. I don't have any other choice at that time, I'm sorry." Malumanay na saad ni Ace.



"Okay, you're forgiven. Can you stop now?" walang emosyong usal ni Lenneth.



Natigilan si Ace sa sinabi nito, dapat na ba siyang matuwa? Napatawad na nga ba siya nito? O sinasabi lang nito iyon para tigilan niya na ito?



Ramdam ni Ace ang malamig na pakikitungo nito sa kanya ngunit wala siyang magawa para mabago iyon. Sa paraan ng pagsasalita nito sa kanya at ang pakikitungo nito ay nagpapatunay na wala talaga siyang kapag-a- pag-asang makuha ulit ang loob nito.

Her Only Desire: LOVE |R-18|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon