(19.1) A BLESSING

8.6K 136 16
                                    


"Mrs. Morales, you will be the next!" sigaw ng receptionist. Dahan-dahan akong tumayo at nakangiting humarap dito.

"Miss pa lang ako," simpleng tugon niya.

Natahimik naman ang receptionist at alanganin siyang nginitian, iginiya siya nito papasok sa loob ng clinic ngunit hindi nakaligtas sa kanya ang ilang bulungan ng ma babaeng kanyang nadaanan.

"Kay ganda niyang babae ngunit nadisgrasya lang, tsk! Tsk! Tsk!" mahinang saad ng buntis na nasa unang upuan.

"Dala siguro ng kalandian iyan, tiyak ako may asawa ang nakabuntis sa kanya. Ipapaputol ko pa ang mga daliri ko sa paa kapag mali ako," bulong pa ng isa.

"Tumigil nga kayo, mamaya niyan marinig kayo, nakakahiya!" saway nung pangatlong babae na inirapan pa ang dalawa.

Huminto siya sa harap ng mga ito at tinignan ang pangalawang babae saka nagsalita. "Ihanda mo na iyang mga daliri mo sa paa dahil mali ka," nakakaloko niyang wika saka binigyan ito ng nakamamatay na irap.

Nakita niyang namutla ito at naitikom ng mariin ang bibig, maging ang dalawang katabi nito ay napatungo dahil sa kahihiyan.

"What's happening here, babe?" tanong ng isang baritonong boses at naramdaman niya ang isang kamay nito na pumulupot sa baywang niya.

"Oh, nothing. Narinig ko lang naman na tinawag akong kabit ng babaeng ito. Ang sabi niya may asawa na daw ang nakabuntis sa akin, may dala ka bang kutsilyo? Puputulin ko lang ang nga daliri niya sa paa," walang emosyong saad niya.

Natawa lang ang katabi niya at inalalayan na siya papasok sa kwarto. "Pretend you don't here anything, gusto mo bang ma-stress si pards dahil sa'yo?

Tinapunan niya ulit ng masamang tingin ang mga ito bago pumasok sa loob pero bago tuluyang makapasok ay itinulak na niya palabas ang lalaki na agad namang naintindihan ang gusto niyang ipahiwatig.

"How are you, Lenneth?" bungad sa kanya ng OB-Gyne pagkapasok niya pa lang sa kwartong iyon.

"Feeling better Doc," sagot niya na nagpaakay dito para pahigain sa hospital bed na naroroon.

Isinarado nito ang kurtinang nagsisilbing partition at nilihis ang suot niyang maternity dress. Tumambad sa kanya ang namimilog niyang mga binti at ang tiyan niyang pagkalaki-laki na.

"Feeling better huh?" nakataas ang kilay na wika nito na napatingin sa mga binti niyang namamaga.

"I'm fine," simpleng sagot niya dito.

"Lenneth, makinig ka sa mga sinasabi ko. Kung gusto mong magkaroon ng normal delivery you need to stay healthy and strong, para sa'yo din naman ang sinasabi ko," usal nito na sinimulan na ang pagdama sa batang nasa sinapupunan niya.

Hindi siya sumagot sa sinabi nito dahil hindi din naman niya ito masisisi. Sa apat na buwang nagdaan ay hindi naging madali sa kanya ang lahat at apektado maging ang kalusugan niya. Laging paalala ng Doktor na kumain ng masusustansya at ugaliing laging maayos ang pakiramdam niya at higit sa lahat ang pag-eehersisyo sa katawan niya.

Nang tumapat ang stethoscope sa ibabaw ng umuumbok niyang tiyan ay nakaramdam siya di maipaliwanag na kaba. Sa bawat balik niya dito para magpacheck up ay ni hindi nagbago ang nararamdaman niyang iyon. Kinakabahan at kinikilabutan, laging nagtataasan ang mga balahaibi niya sa katawan sa tuwing ipinaparinig ng doktor ang tibok ng puso ng sanggol na nasa loob niya.

"Your little angel is not moving yet, tulog yata." Wika nito na hinimas-himas ang tiyan niya at parang hinahanap ang pulso nito.

Nginitian niya lang ang Doktor at pinagmasdan itong hinihimas ang tiyan niya. Ito ang pangatlong beses niyang pagpapacheck up dito at sa tuwing nandito siya ay hindi niya maiwasang maging emosyonal. Hindi biro ang pinagdaanan niya sa mga nakalipas na buwan, sobrang nasaktan siya sa ginawang panloloko ni Ace kaya naman nahulog siya sa matinding depression, mabuti na lamang at may isang taong tumulong sa kanya at nanatili sa tabi niya.

Her Only Desire: LOVE |R-18|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon