WALANG nagawa si Lenneth kun'di ang sumunod sa taong nanghila sa kanya palabas sa lugar na iyon. Sa higpit nang hawak ng kamay nito ay malamang na hindi siya makawala pa.
'Ano na naman kaya ang eksena nito at kinaladkad ako palayo?!' inis na wika niya sa kanyang sarili habang masama ang tingin sa lalaking mahigpit ang hawak sa kanyang kamay.
Nang makalayo sila sa Bar ay pabalya nitong binitiwan ang kamay niya. Nagpalitan sila ng masamang tingin at kulang na lang ay magpatayan sila sa sobrang talim ng tinginan nila sa isa't-isa.
"What the f*cking hell was that?! What are you f*cking doing, there?! Goddamnit, answer me, Lenneth!" nanggagalaiting bulyaw ni Ace sa mukha niya habang tinuturo ang Bar na nilasan nila.
Halos mabingi si Lenneth sa sobrang lakas ng boses ni Ace, ngunit hindi siya nagpatinag at nanatiling tikom ang bibig at walang emosyong nilabanan ang matatalim nitong tingin.
"Bakit hindi ka magsalita?! Tinatanong kita, anong ibig sabihin nang nakita ko?!" dumadagundong ang boses na tanong ulit ng binata sa kanya.
"Don't you dare f*cking touch me!" pasigaw na sabi niya at tinabig ang magkabilang kamay ng binata na nakahawak sa magkabila niyang balikat. "Ano bang dapat kong ipaliwanag sa 'yo? You saw me dancing, that's all!"
"Dancing?!" Napahilamos si Ace sa mukha at gigil na gigil na sinipa nang malakas ang kotseng nasa malapit sa kanila. "It's not dancing, Lenneth! You're flirting with that son of a bitch! Alam mo bang nagpipigil lang akong sugurin ng suntok ang gagong iyon?! I want to punch him hard until his last breath! You don't know how it affected on me! Seing all of them drooling all over your body makes me... Argh! F*ck!" Nawawala sa sariling sigaw ni Ace at ilang beses na sinipa at hinampas ang kawawang kotse.
"Sino ba naman kasing nagsabi sa 'yong panoorin mo ako? Kung hindi mo naman pala kaya ba't di ka na lang--"
Hindi naituloy ni Lenneth ang sasabihin dahil bigla na lang siyang hinila ni Ace at siniil ng mapusok na halik sa labi. Hindi agad siya nakahuma sa pagkabigla at hinayaang halikan siya ng binata ngunit nang maramdaman niya ang paghapdi ng mga labi ay malakas niya itong itinulak at ubod lakas na sinampal.
"How dare you!" galit na bulyaw niya sa binata. "I told you to do not touch me! What's your f*cking problem at bakit galit na galit ka?!"
"Hindi mo alam kung bakit ako galit na galit? Lenneth I saw you with my own two eyes, you're being intimate to that bastard!"
"He's my friend and what the hell do you care!" singhal niyang utas dito.
"I care because--"
"You care because what?" mabilis na putol niya sa sinasabi nito. "Because you still love me? Because you don't like me seeing being close to other guys like you always told me? Ow, come on, Ace! You're not my boyfriend anymore, and whatever I do it's all f*cking none of your business!"
Natameme si Ace sa sinabi ng dalaga wala siyang nagawa kundi ang ikuyom ang kanyang mga kamao at tingnan si Lenneth.
"Lenneth, I'm just concern about you, ayokong mabastos ka dahil sa ginagawa mo," saad ni Ace sa malumanay na pananalita.
"Well, I don't want your concern. So, leave before my boyfriend come," walang emosyong utas naman niya.
Natawa ng pagak si Ace at nagsalita. "Darating ang boyfriend mo? Well, I want to meet him and ask him personally kung ano ang ginawa niya sa'yo at naging ganyan ka na. Hindi ka naman ganito dati eh."
"Noon 'yun Ace," saad ni Lenneth na tumingin pa sa mukha ng binata. "Nung mga panahong pinaramdam mo sa 'kin kung gaano ako ka-importanteng tao. Nagbabago ang lahat, baka di mo alam," pabalang na dagdag pang sabi niya.
"Noon at ngayon wala pa ring nagbabago. Ikaw pa rin ang babaeng pinaka--"
"Letse! Pwede bang tantanan mo na 'ko? Simula kaninang umaga mo pa ako binu-bweset! Hindi na kita mahal at merong boyfriend na ako, masaya ako sa piling niya at hindi siya katulad mong gago at manloloko!" singhal ni Lenneth sa binata.
"Let me explain Lenneth, I still love you, I want you back please hear me out," wika ni Ace na hindi inintindi ang sinabi ng dalaga.
"How dare you! Ang kapal naman ng mukha mo, pagkatapos mo akong lokohin sa gitna ng maraming tao at sa mismong harapan ng pamilya ko na wala ni katiting na eksplinasyon sasabihin mo sa akin ngayon na mahal mo pa rin ako? Tan*ina mo! Pagkatapos mong ipamukha sa 'kin noon na hindi mo na ako mahal at may nahanap ka ng ibang mamahalin, eh haharap ka sa akin ngayon at sasabihing gusto mo akong bumalik sa 'yo? Sino ginagago mo? Sarili mo? Pakyu ka buong buhay mo!"
"Please, hayaan mong ipaliwanag ko ang lahat," malumanay ng saad ni Ace at mababakas ang sakit at pagdurusa sa gwapo nitong mukha.
"Ul*l! G*go kang talaga 'no? Hindi mo ba naiintindihan ang sinasabi ko ha? Ace tatlong taon na nang iwan mo 'ko. Tatlong taon na noong mangyaring ipahiya mo ako at ipagsigawang may mahal ka ng iba. Tatlong taon ng walang tayo at ngayon mo maiisipang magpaliwanag? Eh mas pakyu ka pa sa pakyu, ga*o ka!" Mapaklang tumawa si Lenneth dito habang dinuduro ito sa mukha.
Nawala ang epekto ng alak sa sobrang galit na nararamdaman niya ngayon. Kulang na lang ay bugbugin niya sa suntok at sipa ang kaharap na binata. Sa loob ng tatlong taon niyang pananahimik at pagiging kontento sa buhay na meron siya ngayon ay bigla itong magpapakita at sasabihing mahal pa siya nito at gustong makipagbalikan.
'Nakakag*go lang na hanggang ngayon iniisip niya rin na kaya niya pa akong paikutin!' galit na sigaw niya sa kanyang isip.
"Kaya nga nandito na ako para i-explain ang nangyari dati diba? I have to do it for your sake!"
"Enough, Ace, stop wasting your time begging to explain your side because it's useless! Sige nga, ikaw kaya ang lokohin ko ng harap-harapan at ipamukha sa 'yong madali ka lang palitan? Hindi mo alam kung gaano kasakit ang ginawa mo sa 'kin noon, you were my everything then, Ace. But it's fine, tama nga naman ang kasabihang first love, first heartbreak and I learned a lot from it. Kung hindi mo ginawa sa akin 'yun hindi ko makikilala ang boyfriend ko ngayon and he accepts me for who and what I am. So, stop bothering me and--"
"Lenneth, I love you, I always do,"putol ni Ace sa sinasabi ng dalaga. Halata sa boses nito ang sinseridad sa sinabi, ngunit ayaw itong paniwalaan ni Lenneth.
Isang beses na siyang nadala sa ganoong taktika nito at ayaw niya ng maulit pa.
"Pakshet ka naman talaga Ace 'no? Naririndi na ako riyan sa pinagsasabi mo. Mahalin mo na lang sarili mo dahil kahit kailan wala ng tayo at hindi na magiging tayo! Naiintindihan mo ba, Ace? Hindi na kita mahal at hinding-hindi na ako babalik sa 'yo! Tanggapin mo na lang at mag-move on, 'wag mo na akong guluhin," walang emosyong saad ni Lenneth sa binata.
Napapikit ng mariin si Ace at ayaw tanggapin ang paulit-ulit na pananakit ng dalaga sa kanya. Hindi niya ito masisi dahil sa katotohanang siya ang may mali at hindi ang dalaga. Kung kaya niya lang sanang ibalik ang panahon ay ginawa niya para maitama ang pagkakamaling hindi din naman niya ginusto.
Pagmulat niya ng mata niya ay napansin niyang papalayo na si Lenneth. Hindi na siya nag-abalang sundan ito at baka kung anong masasakit na salita na naman ang marinig niya.
'Lenneth, all I want is for you to listen and give me a chance to make it clear,' usal niya sa kanyang isipan.
May luhang sumungaw sa gilid ng magkabilang mata ni Ace nang makita niyang may humintong sasakyan sa tapat ni Lenneth at masayang sinalubong ng dalaga ang bagong dating.
Tuluyang naglandas ang mga luha niya at tinalikuran ang dalawang magkasintahan. Hindi niya kayang tingnan ang mga ito. Mas lalong hindi niya kayang tingnan si Lenneth na masaya sa piling ng ibang lalaki.
'I will not give up Lenneth. Kahit paulit-ulit mong ipamukha sa 'kin ang lahat ng ginawa ko hindi magbabago ang desisyon ko.'
BINABASA MO ANG
Her Only Desire: LOVE |R-18|
General FictionLenneth Morales, a happy-go-lucky secretary who can do everything that she wanted. She had a boyfriend and an affair with his Boss, but the thing is, they are just more like playing with each other. Hanggang foreplay lamang sila at hindi niya ito pi...