SAMANTALA, pasado alas sais na ng gabi ay nasa opisina pa rin si Kenneth. Sinusubsob niya ang sarili sa trabaho upang kalimutan si Lenneth, hindi na nagiging maganda ang nangyayari sa kanya dahil may't-maya ang pag-envade ng dalaga sa kanyang isipan.Dumagdag pa ang hindi pagsagot nito sa mga texts at tawag niya. Gusto niyang marinig ulit ang boses nito at makita ang maamo nitong mukha ngunit sadyang matigas ang dalaga at ayaw siyang kausapin nito.
'I need to go back to the Philippines. I want to see her so bad, I missed her!' Napatigil siya sa ginagawang pagbabasa dahil sa sinabi ng kanyang isip.
Hindi niya magawang tutulan ang sinasabi ng sariling utak dahil iyon naman talaga ang totoo. Natigil ang pagmumuni-muni niya nang tumunog ang kanyang telepono.Dagli niya itong sinagot at binati ito sa masiglang boses. "Hey dude, what's up? Kumusta ang kompanya?"
"Hey bro, may konting ididiscuss lang sana ako about doon sa Pangasinan Project. Kulang kasi ang reports na ibinigay ng mga staff at ikaw ang itinuturo kung bakit nagkaganoon. Hindi ko naman pwedeng approv-an iyon ng hindi muna tinitiyak na okay ang lahat," ani Ace.
Natawa si Kenneth at biniro ang pinsan. "Chill bro, baka bigla ka na lang tumanda niyan at mawalan na ng tuluyang pag-asa kay Lenneth."
Katahimikan ang sumagot sa birong iyon ni Kenneth. Bigla siyang kinutuban sa biglang pananahimik nito at may parte sa kanya ang natutuwa sa balitang iyon.
Nakarinig siya ng malalim na buntong-hininga sa kabilang linya. Wala sa sariling napangiti siya dahil ibig sabihin lang niyon ay hindi ito nagtagumpay sa balak nitong pakikipaglapit ulit kay Lenneth.
"She's really mad at me. Kahit anong gawin kung panunuyo at pagsusumamong pakinggan ako ay hindi niya talaga ako pinagbibigyan," ani Ace na may bahid ng sakit ang boses.
Natahimik si Kenneth sa sinabi nito, naguguluhan siya sa kanyang totoong nararamdaman. May parteng malungkot siya dahil sa kabiguan ng pinsan niya at may parteng nagdidiwang naman dahil sa kabiguan nito.
'Am I really crazy? Seriously, what's happening to me?'
"Dude, sa tagal niyong magkasama sa iisang opisina hindi mo pa rin nasabi sa kanya ang totoo? Just tell her the truth, ikaw na rin nagsabing kilala mo ang ugali niya kaya kahit magmatigas pa si Lenneth papakinggan ka pa rin niyan sa oras na magsabi ka na ng totoo." *Just give up Ace! Wala ng nararamdaman pa sa 'yo si Lenneth*
"She's avoiding me and always treat me like a total stranger. Kapag kaming dalawa lang napakalamig ng pakikitungo niya sa 'kin and when we're in the meeting she acted so profesional na para bang boss-secretary lang ang namamagitan sa amin. Nahihirapan na ako sa totoo lang," litanya ni Ace.
*Silly boy, malamang na aakto siya ng ganyan. Sa laki ba naman ng kagaguhan mong ginawa kahit ako ganun din gagawin ko* "So ano, susuko ka na gano'n? Akala ko ba gagawin mo ang lahat mapa-sa 'yo lang ulit siya? Nasa'n na ang determinadong Ace na kausap ko dati?"
Gustong matawa ni Kenneth sa nangyayari sa kanya ngayon. Iba ang sinasabi ng bibig niya sa sinasabi ng utak niya. Nababaliw na ba talaga siya?
"Thanks Bro, tama ka kailangan ko pang tibayan at tatagan ang loob ko. Hindi ako pwedeng sumuko ngayon, she needs to know everything and by hook or by crook pipilitin ko siyang pakinggan ako," nabubuhayang usal niya sa pinsan.
"Yeah, that's the spirit!" *Will you just give it up already! No matter what you do hindi ka niya papakinggan because she will be mine, by hook, or by crook! *
Natigilan si Kenneth sa sinabi ng kanyang utak. Ganoon na ba talaga siya kapursigidong makuha ang dalaga?
Ilang sandali siyang nanahimik at nahulog sa malalim na pag-iisip. Wala na sa kabilang linya si Ace, ang huling sinabi nito ay ang pangakong pag-uwi niya ay ipapakilala na niya ito bilang babaeng pakakasalan niya.
'Lenneth, Lenneth, Lenneth. Ano bang meron ka na kinababaliwan ka ng lahat ng kalalakihan?''tanong niya sa isipan kasabay na paghugot ng malalim na buntong hininga.
Bumukas ang pinto ng kanyang opisina at pumasok ang kanyang sekretarya na may mapang-akit na ngiting nakaplaster sa mukha nitong balot na balot sa make-up.
"It's getting late Sir, you don't want to go home, yet?" malanding tanong ng kanyang sekretarya at sinadyang itukod ang dalawang kamay sa mesa.
'Tsk! Tsk! Tsk! Bitches are always everywhere.' Lihim na napailing si Kenneth sa ginagawang pang-aakit nito sa kanya.
'Maybe I just need to go all out again, baka sakaling makalimutan ko na si Lenneth. Maybe it's just lust that I feel for Lenneth' pangungumbinsi niya sa sarili.Nangalumbaba si Kenneth sa harapan ng sekretarya niya at malisyosong tinignan ang malulusog nitong dibdib. "I'm a bit of tired, I can't go home yet, I need to relax would you accompany me?" Tanong niyang sumilay ang pilyong ngiti sa mga labi.
Lumuwang ang ngiti ng kanyang sekretarya at umikot para makaupo sa harapan niya. "I would love to, Sire."
Tinawid ng kanyang secretary ang ilang dangkal na pagitan nila. Pagkapikit ng mga mata ni Kenneth ay si Lenneth ang rumihesrto sa isip niya, bigla siyang napamulat at walang alinlangang itinulak ang babaeng nasa kandungan niya.
Dahil sa gulat ay napasalampak ang babae at malutong na minura ang binata.
"I'm sorry, I didn't mean to--" hindi natapos ni Kenneth ang sinasabi dahil biglang sumigaw ng malutong na mura ang babae.
Inalalayan niya itong tumayo ngunit tinabig lang nito ang kamay niya at galit na galit na bumangon mag-isa. "Tomorrow I will file a resignation letter, I'm 'outta her, jerk!" pasinghal nitong usal kay Kenneth.
Iika-ika itong lumabas ng opisina ng binata at bago tuluyang lumabas ay tinapunan siya nito ng matalim na tingin.
Napasabunot si Kenneth sa buhok niya at pagkatapos ay parang baliw na ginulo iyon. Gusto niyang sumigaw ng malakas at magbasag, hindi niya alam kung bakit ganito ang nangyayari sa kanya.
"For Goddamn sake, Lenneth, please get out of my mind! You're driving me crazy!" sigaw niya sa kawalan.
Bakit nga ba nagkakaganito siyang bigla? They don't share any love affairs! They'd never do it too, kung may namagitan man sa kanila ay 'yun ang ilang beses nilang 'paglalaro' and that's it! Why in the hell did he feel so miserable right now and longing for Lenneth?!
'I need to find the answer as soon as possible. Baka kapag pinatagal ko pa ito, mabaliw na ako sa kakaisip kung bakit ganito ang nararamdaman ko.'
Isang desisyon ang nabuo sa isip ng binata at walang makakapigil sa desisyon niyang iyon.
He may be confused right now but the feeling of missing her is killing him more than anything.
BINABASA MO ANG
Her Only Desire: LOVE |R-18|
General FictionLenneth Morales, a happy-go-lucky secretary who can do everything that she wanted. She had a boyfriend and an affair with his Boss, but the thing is, they are just more like playing with each other. Hanggang foreplay lamang sila at hindi niya ito pi...