Chapter 10

2.5K 47 2
                                    

Ahhh! I still can't get over what happened. Nakakahiya. Sheet of paper! Omyghad. Di ko kinaya.

"Hija, that guy is very nice and a gentleman! But I found him cold, at the first place." Simula ni mommy habang kumakain kami ng breakfast.

Ugh. Please, Ma. Stop!

"Mi..."

Tumawa siya, "I know, I know."

Kumain na lang ulit kami ng tahimik.

"I'll call you, when to get ready. May dinner tayo with Delton's Family." Sabi ni mommy habang nag reready para sa trabaho.

"Got it." Simple kong sabi.

Mom kissed me goodbye, and I went upstairs to read.

Pag kahiga ko sa kama biglang may kumatok.

"Pasok po!" Sigaw ko at nag basa ulit.

"Hey, Ania!" Sabi ni Delton na ikinagulat ko.

Umupo siya sa edge ng kama at ngumiti sakin.

"What brings you here? Mamaya pa ang dinner ah?" Tanong ko.

Tumawa siya, "May di ka naman sinasabi sakin, kaya ako pumunta dito. You didn't tell me na Lance carried you bridal style yesterday."

Oh my god. Kelan ba matatapos tong usapan na toh?

Inikutan ko na lang siya ng mata.

"Crush mo noh?" Asar niya.

"No." Simpleng sagot ko at binaling ang atensyon sa libro na binabasa ko.

"Ay, haha. Ayaw aminin!!!" Asar niya.

"Delton, stop it, para kang babae na mag react." Pag tataray ko para tumigil.

Tumawa siya at nilapitan ako.

"Meron ka ba? Sungit." Tumawa ulit siya.

Pinalo ko sakaniya yung libro at napatigil siya sa pagtawa.

Tumawa ulit siya.

"Meron siya. Kaya pala! Kaya pala binuhat ka ni Lance. Kala ko nakahanap na iyon eh. Pero sakin ka dapat, diba diba?" Sinasangga sangga niya yung balikat ko.

"Wag mo ko gaganyanin, ngayon, Delton! Kuhaan mo na lang ako ng Ice cream or something sweet. Best friend mo naman ako diba? Sige na kuhain mo na gusto ko. Nagugutom na ko." Binigyan ko na lang ulit ng atensyon ang libro.

"Hindi mo na kailangan sabihin. Meron akong dala oh?" Winagayway niya yung plastic bag.

Binigay niya sakin at kumuha na ko ng chocolate.

Yum!

"Tataba ka niyan." Komento niya ng pang apat ko na ng chocolate bar.

Uminom ako ng 2 basong tubig, bago bumaling sakaniya.

"I don't care." Kumain ulit ako.

"Wow, for the first time, a girl, told someone, she doesn't care of getting fat. Wow." Pumalakpak siya.

"Congrats. You achieved what you want." bore kong sabi.

Niyakap niya ko sa gilid. Ang clingy!

"Masanay ka na, if I'm being clingy. You're lucky that I'm clingy to you. Maiinggit ang mga babae sayo." Cool niyang sabi.

"Woow! Big word, Delton. " pinabayaan ko na lang siya na nakayakap sakin.

Parang bata na ayaw pakawalan ang laruan. Psh.

Humiwalay siya sa yakap, at pinaglaruan ang buhok ko. More of braiding my hair, this guy can braid.

"Delton." Tawag ko.

"Ania?" Halatang nag coconcentrate sa pag braid.

"Aminin mo nga, lalake ka ba talaga?" Tanong ko na ikinatawa niya.

"Obviously."

"Ba't parang alam mo-"

"Alam ko lahat ng kakailanganin ng mga babae? I've been into many flings, I was a bad boy, a heart breaker, remember? Kaya alam ko na lahat." Sabi niya.

Nawala ako sa mood, lalo. What he said made me sad, hurt, confused.

So yung ginagawa niya sakin. Wala lang, ganun?

Masyado ka kasi nag eexpect, Azalea. Stop it.

"Wag mo tatanggalin ah?"

Paalala niya ng napakaraming beses, pati sa paglabas niya ng bahay yun yung sinabi niya.

Ang ganda ng pagkabraid niya. I really love it.

Para talagang babae.

When I Laid My Eyes On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon