Chapter 31

1.7K 38 7
                                    

Napasigaw na lang ako, "Azalea! Ano na nangyayare sa'yo?!" Sinabunutan ko sarili ko.

Ano nanaman 'tong nararamdaman ko. What the hell?!

Napahiga na lang ako sa kama at napatingin sa ceiling fan na umiikot.

"Huh parang siya, pinaikot lang ako." Natawa ako sa sinabi ko.

Umiling na lang ako at napaupo. 6 pm na pala.

Tumayo na ko at dumiretso sa bathroom para mag tooth brush. Wala akong gana para mag dinner. Andiyan kasi siya.

After nun, I went straight to my bed.

Set my alarm for tomorrow and I'm off to sleep.

Nagising na ko sa alarm, school nanaman.

Tumayo na ko at dumiretso sa CR.

Did my daily routine, wore my uniform, grabbed my phone same with my bag and went downstairs.

Tahimik lang ako habang kumakain habang sila nag iingay.

Pag tapos ko kumain nag tooth brush na ulit ako nag intay na lang sa van habang makatapos sila.

Umidlip muna ako.

"Zea, andito na tayo, gising." Gising sakin ni Nathan.

Kinusot ko mata ko, at bumaba na.

Nag punta ulit ako sa locker, pero may nakita akong note.

Binuksan ko iyon.

"I hope you'll have a bright day, beautiful!" -

Napangiti naman ako.

Ang sweet.

Pero.... Sino nag bigay nito?

Pinost ko na lang sa locker ko at sinarado na yun.

Habang nag lalakad ako papuntang classroom namin, ang daming napapangiti sakin.

I simply smiled back.

Pag pasok ko sa classroom, bigla silang napatahimik.

Pero ngumiti naman kaagad sila saakin at nag ingay na

Umupo na ko sa upuan ko at natulog muna. I feel so weak. And I don't know why.

"Zea, okay ka lang?" Sanggi sakin ni Lance.

Tumingin naman ako sakaniya at tumango.

Natulog muna ako, hanggang sa nag ring yung bell.

Inayos ko na yung gamit ko for the subject.

Habang nag ddiscuss yung teacher, nahihilo na ko.

Bigla na lang may nag fflash na images of something so weird.

Binalewala ko na yun. Tumingin na lang ako sa baba

I survived. Yes. Recess na!

Lumabas na kaagad ako at nag tungo sa clinic.

"Yes po?" Ngumiti sakin yung nurse.

I just smiled and sat at the seat.

"Ang putla mo, let me check your temperature." Biglang tumayo at kinuha yung thermometer

"39.9.... Ang taas ng lagnat mo. Buti di ka nag hallucinate?" Alala niyang tanong habang nireready yung fever patch.

"I did." Mahina kong sabi.

When I Laid My Eyes On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon