Chapter 16: Cruel Mistress

63 8 2
                                    

SEBASTIAN's POV

     "Thessa wants to quit. After what happened, ayaw nya na daw mapabilang sa grupo natin. She said that you're a bias leader dahil kinampihan mo pa ang asawa mo samantalang hindi mo naman alam ang nangyari."  Napadiin ang hawak ko shot glass pagatapos kong marining ang sinabi ni Aicko.

"Bias?" Tss. Baka hindi nila alam kung anong nangyari sa'min ni Hera pagkatapos ng gabing 'yon. Kung ano-ano pang masasakit na salita ang nasabi ko sa kanya and now Thessa's telling me that I'm a bias? Tsk.

"Let her leave. We don't need norrow minded individuals in Stateless."

"Boss!!" We all look at the entrance when Mauricia entered in a hiss. "Boss! Si Ms.Hera po! Nakita ko syang walang malay sa CR! Nagpatulong akong idala sya sa clinic at--"

"What?!" I didn't let her finish her words at nagmadali na akong pumunta sa clinic kung saan sinabi nyang kinaroroonan ni Hera. Tsk! Gaano ba ka-careless ang babaeng 'yon at kung hindi sya napapa-away, napapahamak naman sya?! Mas gugustuhin ko pa yatang mag-alaga ng bata kesa ng babaeng may sapak sa utak.

Sinalubong ako ng school nurse pagdating ko sa clinic at nagsimula niya akong sermonan.

"Hijo, you should consult a real doctor. Hindi ordinaryong asthma lang meron ang pasyente. Hindi kaya ng mga equipments dito ang sakit na'yon.."

"Asthma?"

"Oo, hijo. At wag nyong masyadong papagurin ang pasyente. Pinagod nya siguro ng husto ang sarili nya kaya nawalan sya ng malay sa restroom. Maswerte sya at may nakakita agad sa kaniya. Pero kung mas tumagal-tagal pa sya sa lugar na 'yon, baka mas grabe pa ang nangyare.."

"Salamat po." The nurse left after that conversation. Damn. Ilang linggo na kaming magkasama ni Hera pero ngayon ko lang nalaman na may malala syang asthma. I thought everytime na hinihingal sya ay inaatake lang sya ng simpleng hika. I never thought that she has this kind of illness. Hera's already up when I entered the mini room inside the clinic. Nakatayo ako sa kanan habang sa kaliwa naman sya nakatingin. Nice.

"Ano bang pinaggagawa mo sa sarili mo?" I asked. But she didn't manage to look at me. Bumaba lang sya sa kama at inayos na ang mga gamit nya.

"Hera."

"Hindi lang ako nakainom ng gamot ko."

"Hindi 'yan ang sinabi ng nurse. Pinagod mo daw ang sarili mo at--"

"Ano bang pake mo?! Will you please stop acting like you care?! Ayos na ako kaya't tigilan mo na ang pag-arte mong parang nag-aalala ka talaga sa'kin. If I know, baka nga magkasabwat pa kayo ni Georgina para gawin sa'kin 'to eh!!"

"Ano?" Nangunot ang noo ko sa huling mga salitang sinabi nya. Anong kinalaman ni George dito?

"Wala. Uuwi na'ko!" Inirapan nya lang ako at nagsimula na syang maglakad. Tsk. Ang tigas talaga ng ulo ng taong 'to.

"Hera! Anong ginawa ni Georgina?!" Mabilis ko syang sinundan at sinabayan sa paglalakad.

"Pwede ba wag ka ngang maraming tinatanong?!" I stop on walking at pinanood ko nalang sya habang papalayo.
Anong kinalaman ni Georgina dito?



HERA's POV

     Okay na ako. Nakakainis talaga ang Georgina na 'yon! Napaka foul play niya. Buti nalang at may nakakita sa akin do'n sa restroom. Pero ang tanong.. sino kaya?

"Hey Hera.. anong iniisip mo?" Natigil ako sa maganda kong imagination nang biglang dumating si peste. We're here in our veranda. I'm sittin here on my throne while the pest is in his favorite spot. Sa wall.

Battle Of The Fames (COMPLETED WITH MAJOR EDITINGS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon