Chapter 3

1.8K 59 4
                                    

Nakatitig lang ako kay Thomas habang nakaupo sya sa sahig at nakasandal sa pader. Tulala pero umiiyak sya.

"Ito na kape oh"bulong ni Carol at inabot sakin ang pinatimpla kong kape para kay Thomas.

"Lapag mo muna dyan, pakalmahin muna natin si Kambal"saad ko at sinunod naman ni Carol yun. Muli akong napatingin kay Thomas at hindi na lang ako nagsalita.

Alam ko naman kasi talaga kung gaano kamahal ni Thomas si Krisette eh. Alam ko kung gano nya pinapahalagahan ang girlfriend nya pero alam ko rin naman sa sarili kong gago talaga tong si Thomas. Alam kong this day would come. Alam kong mapapagod rin si Krisette sa pag iintindi sa kanya lalo na't laging na kay Bal ang problema.

Ang kulit kasi nito eh. Sabi ng tigil tigilan na yung pangloloko nya kay Arra. Mabait at totoong babae si Krisette kaya di ko rin maintindihan kung bakit ginugulo ni Thomas ang relasyon nila.

"Tang ina"bulong ni Thomas sabay inumpog umpog ang ulo sa pader. Tsk, ito nanaman sya.

Tumabi ako sa kanya at nilagay ko ang kanang kamay ko sa likod ng ulo nya. Para kung iuumpog naman nya ang sarili nya ang kamay ko ang masasaktan.

"Hindi ko kaya to"bulong nya at patuloy syang umiyak.

"Eh wala na tayong magagawa"sagot ko "Nagdesisyon na si Krisette. Pagbigyan na natin sya kasi sya ang may karapatang gawin to"

"Pero Bal mahal ko sya"saad nya at napatingin sakin.

"Alam ko at panigurado alam rin to ni Arra"

"Oh alam pala nya! Eh bakit nya ako iniw-"

"Ginawa nya to para palayain ninyo ang isa't isa"kagad na sagot ko "Mahirap maging Tan.G.A Bal. At alam kong pagod nang maging ganon si Krisette"

"Eh pano na kami?"tanong nya

"Kami? Gago, gumising ka na. Wala ng kayo"

"Bal hindi, ipaglalaban ko sya"

"Bobo! Anong gusto mo? Maging kayo parin ni Krisette habang bitbit at nuhat buhat mo yung mag ina mo"

Napakunot noo sya na para bang napaisip rin sya.

"Thomas hayaan mo na lang si Krisette please?"tanong ko "Maawa ka naman dun sa girlfriend mo. Hindi yan pinanganak ng Nanay nya para pag mukhain mong tanga"

"May paraan pa"saad nya "I will let her prove that I'm not the Father of that child. Kahit alam kong ako naman talaga"

"Oh ano? Magsisinungaling ka?"tanong ko "Pagmumukhain mo paring tanga?"

"Ayss!"napatingin sya sa ibang direksyon at halatang nainis.

"Hayaan mo na si Krisette, Thomas please? Hayaan mo na lang maging masaya sya. If you really love her, let her go"

Napatingin sya sakin ng masama pero pinagtaasan ko sya mg isang kilay.

"Ano? Lalaban ka pa?"pagtataray ko

.

.

.

.

.

.

8 PM

"Oh, shot mo na Ye"saad ni Carol.

Ito, napainom tuloy kaming apat. Dinadamayan lang namin si Thomas. Alam kong he have had enough alcohols pero wala eh, kailangan naming damayan to.

Uminom si Yeye ng alak at kagad na binigay kay Carol yung shot glass.

"Ang daya naman. Ang dami nung sakin"reklamo ni Yeye.

Gayle's SecrecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon