My Promise!

1K 38 33
                                    

Just like what I said, I will explain to you why is the title of this story "Gayle's Secrecy" when there is no sign of Gayle in this s.h.i.t.t.y. story!

Ganito po kasi 'yan, well, I have a friend and her name is Gayle (this is her second name but I call her that way because nobody calls her Gayle) anyhoo, and she's a legitimate TOMBOY. She's my first tomboy friend and she's very sweet girl and very deep thinker.

Kapag kasama ko siya, aminado naman ako, mas ultaw talaga ang ganda niya. Apat kami sa grupo pero aminado kami na siya talaga yung pinakamaganda kahit hindi siya maglagay ng light make up, magporma ng pambabae at magsuklay ng mahabang buhok. Lalaking lalaki na siya, actually nung first day nga ng school, akala ko talaga lalaki siya! Then nashookening ako kasi BABAE PALA SIYA! Anyhoo, ayun nga, she's very beautiful and flawless at may "ka-ching" pa yan kaya kumpleto na talaga.

Karamihan sa batch namin, talagang namumukhaan si Ara Galang sa kaniya. Knowing the fact kasi na volleyball player din si Gayle, chubby chubby din cheeks nya, same hairdu pa sila ni Ara at may braces din kasi si Gayle. So Ara Galang na Ara Galang talaga.

Syempre ako, as a true fan of Ara, hindi ko nakita kay Gayle si Ara kasi knowing Ara, saulo ko mukha niya, at hindi ko talaga makita kay Gayle yun. But you know, mga kalokalike lang naman hindi naman totally na mukhang twins sila.

Now, she became my best friend until one day I've found out na may boy best friend pala siya from her former school in Cavite.

His name is Piolo.

Ang believe me! Mala-Thomas Torres talaga!!!

Nakikita ko si Piolo kay Thomas kasi makulit. Gentleman. Tapos masarap kasama. Kapag tinitignan ko talaga si Piolo, Thomas na Thomas talaga!

Kinuwentuhan niya ako about sa boy best friend niya na 'to and nagkacrush ako sa best friend niyang yun pero syempre, LOWKEY lang ako. Napapansin ko na kapag lunch break namin, kachat n'ya talaga si Piolo! At kapag nahuhuli ko silang magkachat, KINIKILIG AKO.

Until sinabi nga niya na "Bal" yung tawagan nila kasi Kambal daw. Pinaliwanag niya kung bakit kambal. Kasi raw sobrang iisa lang daw takbo ng utak nila. Though super makulit si Piolo pero sobrang nagkakaintindihan daw sila. Tsaka tinatrato raw siyang babae ni Piolo. Kung titignan naman kasi talaga, si Piolo tinitignan pa rin niya na babae si Gayle kaya medyo gentleman pa rin naman daw sa kaniya AT mas boss si Gayle.

Kinukuwento niya saakin yung kapag nag-iinom sila hindi pwedeng hindi sila magkatabi sa kama pagkatapos. Kapag uuwi ng Cavite si Gayle kailangan may isang gabi na overnight sa bahay nila Piolo.

Ang nakakatawa dito, minsan, silang dalawa lang yung nag-iinom tapos silang dalawa lang din yung lasing, tapos silang dalawa lang din yung magkasama sa kama, TAPOS SILANG DALAWA LANG YUNG MAGKATABI SA KAMA, TAPOS NEVER DAW NAHULOG SI GAYLE KAY PIOLO!

Minsan nga nagsesend pa ng picture sa akin si Gayle nun kapag nasa Cavite sya, magkatabi sila sa kama ni Piolo! Minsan hangover sila pero magkatabi sa kama. Yun yung dahilan kung bakit talagang sinisigaw ko na sila ang ThomAra ng buhay ko. KASI LEGIT! Soooobrang bagay sila. Sobrang close pa!

Marami pa siyang nakuwento sa akin na sobrang nakakakilig pero saakin na lang yun HAHAHA.

Simula talaga nung pinakilala sa akin ni Gayle si Bal niya, sigaw na talaga ng puso ko na "KAYO NA LANG PLEASE?!"

Pero katulad ng sa ThomAra, may mga epal.

May girlfriends silang dalawa.

Si Gayle nung time na sinimulan ko 'tong Gayle's Secrecy may girlfriend siya NA MALA-BANG din!!! As in kaming mga friends niya, galit dun! Kasi maarte na AT pinaghihiwalay sa amin si Gayle. Parang it's between her and Gayle's friends. Kaya galit kami dun.

Gayle's SecrecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon