Chapter 6

1.7K 75 22
                                    

Ara's POV
8 AM

Bumangon ako ng kama ko at naramdaman ko ang lamig sa paligid. Kinuha ko na lang ang jacket ko at sinuot ito.

"Ahahahahaha! Weh?! Ahahahahaha!"

Napakunot noo ako ng marinig ko ang pagtawa ni Thomas mula sa sala. Is he here already?

Lumabas ako ng kwarto at bumaba.

"Uy! Good Morning Kambal"nakangiting bati n'ya.

"Anong good morning?! Tawa ka ng tawa ng malakas dito na tipong magigising mo ako sa mahimbing kong pagtulog tapos uy good morning kambal pa isasalubong mo?! Ang bastos mo ah! Alam mo bang natutulog ako?! Ha?!"nakanoot noong tanong ko "Ang ganda ganda ng tulog ko tapos gigisingin mo ko sa tawa mo? Bwisit, akala mo ba ganu--"

"GOOD MORNING TO YOU TOO KAMBAL!"sigaw ni Mika na dahilan ng pagtigil ko. Napatingin ako sa kanya.

"Jusko Ara, yun lang naman ang gustong marinig ng kaibigan mo. Pagdadamot mo pa?"tanong ni Mika

Napailing na lang ako at irap "Ano bang kailangan mo?"

Napangiti lang ng konti si Thomas "Wala, may dala kasi akong breakfast sa'yo"

"Ano?"tanong ko.

Kinuha nya yung plastic na nasa lamesa "Ito oh, donuts"

DONUTS??!! Aahhh!

Kagad akong napangiti at tumakbo papunta sa kanya. Kinuha ko kagad yung plastic at kumuha ng donut. Shems, my fav!

"PG talaga"saad ni Cienne habang nagwawalis.

"Ano ba?! Ang sarap kaya ng donut"saad ko "Di ba Bal?"

Tumingin ako kay Thomas at napatigil ako. Nakatitig sya sakin habang nakanoot noo. Na para bang may iniisip tungkol sakin.

"Uy! Bal"pang gigising ko sa kanya.

"Ha? Ah, oh?"

"Bakit ka tulala dyan?"tanong ko.

"Ah, wala. Sige kain ka muna. Say, gusto mo mag gala tayo mamaya?"

"Saan punta?"tanong ko habang kumakain muli ng donut.

"Anywhere you want. Nagyaya si Kuya sakin kagabi, gusto nyang igala si Nathan. So sabi ko naman, isasama na kita"nakangiting sagot nya.

"Nyie! Ayoko"kagad na sagot ko "Baka maruin ko nanaman"

Napatawa lang s'ya "Sus, okay lang! Kasama naman na si Nathan kaya hassle. Isasama pa kita and di mas lalong hassle. At least it's a tie"

"Tsk! Naman eh"inis na saad ko kasabay ng pagsuntok ko sa kanya.

"Ahahaha, aray. Ano? Sama ka?"

Sasama ba ko?

.

.

.

.

.

.

.

.

Thomas' POV
10 AM

"Ang cute cute cute cute namaaan"rinig na rinig dito sa kotse ni Kuya ang paglalaro ni Ara kay Nathan. Nasa backseat sila at ako naman ay katabi ko si Kuya.

Rinig ang pagtawa ni Baby Nathan sa paglalaro nila kaya medyo natatawa na rin ako kasi ang cute tumawa ng baby na 'to.

"Kuya, ano nga pala balak mo dyan kay Nathan?"tanong ko habang busy yung dalawa sa likod.

Gayle's SecrecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon