Chapter 20

1.3K 73 47
                                    

Ara's POV

"The exact equilibrium of the product will be the.."

Nagising na lang ako sa parang isang pagrerecite na boses dito sa tabi ko. Nakakaramdam pa ako na parang may gumagalaw sa may tyan ko.

Pakiramdam ko ay napakabigat ng ulo ko at pagod na pagod ako.

Ano bang nangyari sa akin?

Unti unti kong minulat ang mata ko at nakita ko si Bal. Nagbabasa o nagsasaulo siya ng notes niya sa notebook niya habang hinihimas niya ang tyan ko. Nakaupo siya sa upuan katabi ng kama ko.

Kelan pa 'to nag-aral?! At kelan pa 'to nag-aral na hinahaplos ang tyan ko?

Nababaliw na ba ang Bal ko?

"Situation process"bulong ni Bal at medyo tumunghay. Muli akong pumikit. Baka mahuli akong tinitignan siya eh.

Nagpeak ako gamit ang kanang mata ko at nakita ko siyang seryoso lang. Aba, mukhang seryoso sa pag aaral ah.

"Situation process"bulong ulit niya na mukhang may sinasaulo.

"Haaaaay, naku"paghikab niya at napaub-ob siya sa kama ko.

Pagod na yata mag-aral si Bal.

Muli siyang napatunghay at muli rin akong pumikit nang bahagya.

"Kambal, bigyan niyo ko ng lakas"saad niya at mas hinimas niya ang tiyan ko.

Nagtaka naman ako at tumayo siya sabay nilapat ang tainga niya sa tyan ko.

"Mga anak, bigyan niyo ko ng lakas"paghiling niya na sa wari ko'y wala na talagang makausap kaya nagkakaganito.

Nakakatakot! Baliw na yata si Thomas 😂

Muli siyang tumayo at hinawakan ang tyan ko. Nabigla naman ako nung kunwari, nanginginig siya.

Tangina may kuryente ba tyan ko?!

At nung tumigil siya sa pagkukunwaring nakuryente ay ngumiti siya.

"Naks naman, Kambal. Galing ah"saad niya "Dami ko na ulit lakas oh. 101% Stamina"

Deputa! Stamina talaga?! Ano 'to video game? Hahahahahaha!

Natawa mag-isa si Thomas at umupo muli sabay hinalikan ang tyan ko sabay ngumiti.

"Salamat Kambal, binigyan niyo nanaman ng lakas si Daddy mag-aral"

Hindi ko alam pero parang natuwa ako don sa sinabi niya.

Ngayon ko lang nakita ng ganito si Bal. Yung pagod na pagod yung mukha niya pero ngumingiti siya ng totoo. Ngayon ko lang talaga nakikita 'to.

Parang gusto na niyang magpahinga pero alam niyang nandito ang inspirasyon niya kaya patuloy pa rin siya sa pag-aaral. This is really something new of him.

Nagpatuloy ulit siya sa pag-aaral habang nakaupo sa tabi ng kama ko at hinihimas ang tiyan ko.

Habang sumisilip ako sa kaniya ay pasimple akong napaluha.

Pakiramdam ko kasi ang tanga tanga ko na. Siya nga, nag-aaral habang pilit niya akong inaalagaan at binabantayan, hindi sumusuko. Tapos ako, magpapalaki lang ng bata sa tiyan, di ko pa magawa.

Ang unfair ko.

Talagang ang hina hina ko. Nakakahiya kay Bal yung mga sinabi ko.

Talagang Tatay na Tatay si Bal ngayon. Mahal na mahal niya yung Kambal sa sinapupunan ko at wala na siyang balak sukuan 'to. Ibang klase talaga siya.

Gayle's SecrecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon