Chapter 19

1.1K 77 31
                                    

Ara's POV

Habang hawak ko ang tyan ko ay napasulyap ako kay Thomas. Tulala lang siya habang nagmamaneho. Alam ko malalim ang iniisip niya at pakiramdam ko nga, baka sumama pa ang loob niya. Alam kong seryoso siya kanina nung niyaya niya ako pero ang tanging sagot ko ay bugahan siya ng kinakain ko.

Ngayon, nagui-guilty na ako :(

Ang sama sama kong buntis 😔

"Bal"mahinang saad ko at hinawakan ang braso niya.

Napasulyap lang siya nang saglit at tumingin muli sa windshield.

"Bal, alam ko namang galit ka eh"saad ko.

Napangisi lang siya "Hindi ako galit"saad niya.

"Kilala kita"sagot ko "Bal, sorry na kung nabuga ko sa'yo yung donut at tubig galing sa bunganga ko"

Natawa lang naman siya nang bahagya.

"Hindi ko kayang magalit sa'yo"sagot naman niya.

"Bal, malungkot ka ba kasi na busted kita?"tanong ko.

Natawa lang naman siya "Anong nabusted? Ogag, alam ko naman ayaw mong magpakasal eh"

"Pero gusto mo?"

Napabuntong hininga lang siya "Bal, aaminin ko. Hindi ko rin naman gusto pero kailangan kong gustuhin 'to kasi ito ang gusto nina Papa. Ayaw niyang hindi tayo magsasama"

Nabuntong hininga rin naman ako at tumingin sa malayo.

"Hindi naman kasi sila yung nasa sitwasyon kaya ganyan sila kung makapagsalita eh"saad ko at tumingin sa bintana.

"Mga magulang sila eh, ganiyan talaga iisipin nila"sagot naman ni Thomas.

Bakit ba kasi kapag nabuntis kailangang magsama pa? Pwede namang parehas naming bubuhayin yung bata pero hindi kami kasal di ba?

Ang dami dami kayang mga artista na ganun.

"Bal, magpakasal na lang tayo para sa pangalan ng bata"saad ko "Pero huwag tayong magsama"

Thomas smirked "Baliw ka? Syempre, hindi papayag sina Mama diyan. Kapag nagpakasal tayo, sunod sunod na yan. Bibigyan nila tayo ng sariling bahay, sariling lupa at kilala ko si Papa, malamang magbibigay ng pera yun para sa negosyo"

"Haaay, Bal hindi pa nga ako handa. Tsaka alam mo namang hindi ko gustong ikasal diba? Lalo na... Lalo na sa isang lalaki"saad ko

"Saka na lang natin pag usapan, Bal"saad niya "Pagod pa kasi ako"

Napatungo na lang ako nang bahagya. Bakit ba ganito yung nararamdaman ko? Parang gusto ko na tuloy mawala na talaga 'tong bata.

Ayoko na kasing nagkakaroon ng problema. Kung ngayong paapat na buwan pa lang nagkakaganito na kami paano pa kaya sa mga susunod na buwan?

Ayoko na kasi talaga ng ganito.

Napatingin na lang ako sa bintana at pinigilan ko na lang ang maiyak.

Sana kasi matapos na lahat 'to.

Bukod sa nahihirapan akong bitbitin 'to, naaawa rin ako sa kaibigan ko. Alam ko kapag nailabas ko pa 'to lalong mahihirapan si Bal nito.

Mas magiging komplikado ang lahat eh.

Bumuntong hininga ulit ako at napasulyap kay Bal.

Tulala ulit siya at seryoso.

"Bal, itigil mo nga muna 'tong sasakyan"utos ko.

"H-Ha? Bakit?"pagtataka niya.

"Basta itigil mo lang"sagot ko at medyo napapiyok ako. Siguro'y palabas na rin ang luha ko.

Gayle's SecrecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon