Chapter 23

1.5K 104 28
                                    

Thomas' POV

Napatulala ako at natuod sa sinabi ni Ara. Parang nanigas ang mga binti ko at hindi ko siya nagawang sundan. Nakita kong umiyak ulit si Bal at wala man lang akong magawa.

Hihingi ba ako ng tawad?

Kung tutuusin kasalanan naman niya talaga, pinagbibintangan niya ako sa wala at nagagalit siya sa hindi mahalagang bagay. Nadala lang naman ako. Pero bakit pakiramdam ko kailangan ko siyang suyuin?

Nalilito na ako.

Magkaibigan pa ba kami?

Bakit pakiramdam ko nag iiba na ang mga bagay bagay sa amin?

Ano bang nangyayari sa amin ni Ara? Ano nga ba ang meron sa amin?

Napahawak ako sa sintido ko at bumuntong hininga. Kailangan kong maging matatag. Kailangan ko siyang kausapin.

Lalaki man ako, kailangan ko pa ring babaan ang pride ko. Si Ara 'to eh. Walang ibang mas hahalaga sa akin ngayon kundi si Ara.

Kahit kabado at wala sa wisyo ay naglakad ako papunta sa kwarto at laking bigla ko sa nakita ko. Nag iimpake siya.

"Bal"bulong ko pero hindi siya tumigil sa ginagawa niya. Patuloy siyang nag iimpake na sa wari ko nga ay patapos na. Halos napupuno na niya yung bag niya.

"Bal, mag usap muna tayo"saad ko pero sinarhan na niya yung bag niya at sinakbit sa balikat niya.

Humarap siya sa direksyon ko na nakatingin sa baba at dire diretso lang siya palabas.

Ngunit bago siya makalabas ay hinawakan ko ang braso niya.

"Isa"mahina ngunit matapang na saad niya.

"Kapag umabot ng tatlo, anong gagawin mo?"kaagad na sagot ko.

Napatingin siya sa akin. Nakita ko ang luha sa mga pisngi niya at mabilis na bumigat ang puso ko. Para bang yung katapangan at katigasan ko ay nawala nung makita kong umiiyak siya. Nanlumo ako nung makita ko siyang nasasaktan at ang dahilan ay ako.

"Mag usap muna tayo"saad ko.

"Dalawa"

"Anong gagawin mo kapag umabot ng tatlo?"tanong ko.

"Aaminin ko yung totoo"

"Na ano?"

"Na gusto kong lumayo"

"Lumayo saan? Sa responsibilidad natin?"

"Sa'yo!"

Napatigil naman ako pero hindi ko inalis ang hawak ko sa braso niya.

"Thomas, gusto kong mabuhay yung mga bata at handa akong gawin lahat para mabuhay sila pero ayokong kasama ka"sagot niya.

Pinigilan ko ang sarili kong maluha sa harap niya.

"Bakit?"bulong ko.

"Kasi kaibigan kita"sagot niya.

Naging mabigat ang paghinga ko.

"At ang magkaibigan, ayaw na makita ang isa't isa na nahihirapan. Na nasasaktan"saad niya "At kung patuloy tayong maninirahan na magkasama, mahihirapan lang tayo"

"Ara, ano bang masamang mahirapan?"tanong ko "Lahat ng bagay mahirap. Walang bagay na madali, Ara. Kasi lahat dapat aralin at turuan"

Napatigil naman siya.

"Kapag umalis ka, masasaktan ako"pag amin ko "Kasi kapag nawala ka kasama ang mga anak natin, masasaktan ako. Kaya mas gugustuhin kong mahirapan, kaysa masaktan. Mas gugustuhin kong mapagod, kaysa mawala ka"

Gayle's SecrecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon