Chapter 10

1.2K 54 24
                                    

Ara's POV

"So totoo nga?!"tanong ni Mama habang nakaupo kaming dalawa rito ni Thomas sa sofa sa sala ng bahay nila. Pakiramdam ko nahulihan ako ng drugs sa dorm tapos na oplan tokhang ako eh! Tang ina, galit na galit sila saamin. Itong si Tita pabalik balik ang lakad habang itong si Tito sobra kung makatitig saamin. Kulang na lang i-electro magnetic na n'ya kami ni Thomas. Si Mama naman, sinapian ni Miriam Defensor Santiago! Sunod sunod ang salita!

"Totoo nga Ma, buntis nga po"

"Anak ka ng Tatay mo! Ito na nga ba sinasabi ko eh!"

Napatakip na lang ako ng mukha habang medyo naiinis. Letche kasi ni Mika eh! S'YA PA'NG NASA MALAYO ANG NAKAPAGSABI! Anak ng tofu!

"Hindi ba't sinabi ko sa'yo mag aral ka muna ng mabuti bago ka lumandi! At kayo pa talaga ni Thomas ang nakabuo! Ano na lang sasabihan ng mga Tiyahin mong nasa ibang bansa! Sasabihin nila nagpabaya nanaman ako! Ano nanaman itong kalokohan na to! Jusko naman!"

"Thomas! You told me I can trust in you! You will not be like your Kuya. Pero ano 'to? Birthday na birthday mo aaminin mong nabuntis mo si Ara? Ang sabi mo tatapusin mo pag aaral mo! Look what have you done! Hindi ka na nagbago! You're always surprising me with this!"

Itong si Mama at Tita nag rarap na. Daig pa si Salbakuta o Gloc-9.

Napataas ang hintuturo ni Thomas "Umm, wait lang po"saad ni Thomas "Pwede po bang pabawasan yung exclamation point?"

"HINDI!"

Napapikit na lang ako ng sabay sumagot si Mama at Tita. Galit talaga sila. Ngayon ko lang nakita na ganto sila kagalit saakin.

"Dad, paano 'to?" saad ni Tita "Napagaya na rin si Thomas kay Axel"

Napailing lang si Tito "Paano ba nangyari 'to? Sorry ah pero akala ko ba kambal lang kayo kasi alam n'yo namang hindi pumapatol si Ara sa lalaki"

"Papa aksidente po. Lasing po kami"sagot ni Bal.

"Bakit kayo naglasing?"tanong ni Tito.

"Naghiwalay po kami ni Arra"

"So? Is alcohol the answer?"

"No"

"Will it bring her back?"

"No"

"Then why'd you do that?"tanong ni Tito na napapansin kong disappointed na talaga "Just to make this clear, kung lasing kayo at ang dahilan ng pag iinom n'yo ay dahil ng problema mo Thomas, edi parang kasalanan mo kung bakit may nangyari sa inyo ni Ara. Nasabit mo lang s'ya sa problema mo at ngayon, parehas tuloy kayong nagsa-suffer sa ginawa mo"

Napatungo na lang si Thomas at halatang nagpipigil ng luha.

"Anak I'm very disappointed. You are way different than your brother but with this, you just proved that both of you are just the same"saad ni Tito at napaiyak na nga si Kambal. At dahil magkatabi naman kami ay hinawakan ko ang likod n'ya at pinatahan.

"Very hastener"saad ni Tito "Very"

Tumungo na lang si Thomas at umiyak na ng umiyak. Kahit papano nararamdaman ko naman sya. Alam ko kasi kung ano yung mga pangarap nya, simula kasi nung nagka Nathan na si Kuya Axel parang sa kan'ya na tinuon nina Tito yung tiwala nila at yung pangarap nila para sa anak nila. Gusto nila matagumpay na maging propesyunal ang anak nila pero dahil nga nagkasabit kay Kuya Axel, tinapon lahat kay Thomas yun. Lahat ng expectations at pangarap ng mga magulang nya gusto nyong mabigay yun kaso mukhang nasira na nga dahil sa maagang pagbubuntis ko.

"Am I not a Father for the both of you? Am I not enough?"tanong ni Tito na medyo naiiyak na rin. Napatungo na lang din ako katulad ni Thomas habang hawak ang likod n'ya.

Gayle's SecrecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon