Chapter 18

1K 63 17
                                    

Thomas' POV

"KAMBAL?!"sigaw nila Mika.

"Yeah!"tuwang saad ko at lalo silang nagsigawan. Nagtatalon naman sila sa tuwa at medyo niyakap nila si Bal.

"Aaahhhh! Congraaaaats!"sigaw ni Mika sa tuwa at si Cienne ay todo tawa. Si Carol naman ay talon ng talon sa tuwa.

"Gosh! Two babies kaagad! Aaahhh!"sigaw ni Carol at patuloy ang pagsisigaw nila.

"Tumahimik nga kayo"saad ni Bal "Nakakarindi yang boses niyo"

"Kelan pa kayo nagpacheck up?"tanong ni Cienne.

"Kanina lang" sagot ko "Naipit kasi kami sa traffic kaya kumanan na lang kami sa may hospital. Nung nalaman namin yun, naexcite na lang talaga ako kaya pumunta kami rito para sabihin sa inyo"

"NAKS NAMAN ARAAA!"sigaw nanaman ni Mika at napatawa na lang ako. Halatang naririndi na kasi si Bal eh, hahahaha.

"Kambal kaagad! Jusko, ang daming naghahangad ng ganun oh!"dagdag pa niya.

"Aba malay ko bang mabilis ang sperm cells ni Thomas. Nakadalawa kaagad, penge nga"sagot ni Ara at kumuha siya nung kinakaing tinapay ni Cienne.

"May lahi ba kayong kambal?"tanong ni Cienne sa akin.

"Hindi ko nga sure eh. Hahaha! Sabi naman ni Doc, minsan naman daw swertehan lang talaga. Baka nagkasabay talaga yung dalawang sperm cells and maybe hindi dahil sa lahi"sagot ko.

"So sinuwerte lang talaga? Ahahahaha grabe! Ang swerte niyo!"tuwang saad ni Carol.

"Kapag meant to be kasi talaga, ang bait ni Lord eh haha!"pang aasar pa ni Mika. Lalo akong natawa.

"Meant to be amputah"bulong ni Ara at naparoll eyes. ANG ARTE NITO! Hahahahaha! Nabuntis lang naging mataray na, HAHAHAHA!

"Ano raw gender nila?"tanong ni Carol.

"Baka both boys daw"sagot ko "Pero yung isa di pa sure kasi hindi pa sobrang nadidevelop. May possibility na boy siya or girl"

"Sana babae tsaka lalaki, para kumpleto"saad ni Ye.

"Oo nga eh, parang mas maganda nga eh noh? Balance lang sa bahay"sagot ko.

Napatingin naman sila sa akin

"Anong sa bahay? Bakit? Magsasama na ba kayo sa iisang bahay?"tanong ni Cienne

Tiningnan ako nang masama ni Ara. Bakit ba ganito siya?! Ang taray taray.

"Kapag"sagot ko "Kapag nagsama sa bahay, balanse lang"

Napatango tango naman sila.

"Nasabi niyo na ba kina Tita?"tanong ni Carol.

"Sasabihin palang"sagot ko "Baka bukas na lang"

"Edi sabihin niyo na rin na nagsama na kayo ni Ara sa dorm mo"saad ni Cienne.

"Oo naman, sasabihin din namin"sagot ko.

"Pero excited na talaga ako!"saad ni Mika "Ilabas mo kaagad yang babies please? Ready na akong makita ang junakis ng ship ko!"

Napakunot noo na lang kami nang bahagya ni Ara. Shiniship parin kami? Parang timang 'to.

.

.

.

.

.

10 AM

"That's so cool!"tuwang saad ni Kuya at natawa na lang kami nang bahagya ni Bal.

Nakaupo kami ni Ara ngayon sa sofa at katapat namin sina Mama. Pansin ko naman na napangiti rin si Mama nung nalaman niyang kambal ang anak namin ni Bal. Hindi na kami nakapagpigil pa ni Bal kaya nagpatawag na lang ako ng lunch date with them at ito, magkakasama kami.

Gayle's SecrecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon