Chapter 29

957 55 8
                                    

"Anong gagawin mo?"umiiyak na tanong ko.

Nakatingin lang ako sa kaniya habang nagmamaneho siya at pansin ko na pigil na pigil ang pag-iyak niya.

"Bal, saan tayo pupunta? Please itigil mo muna tayo, kinakabahan na ako"saad ko pero hindi pa rin siya tumitingin sa akin at matulin pa rin ang pagpapatakbo niya ng kotse.

Ilang Segundo ang hinintay ko pero hindi siya tumigil.

"BAL!"sigaw ko.

"Hahanapin ko yung gagong 'yun!"

"TAMA NA!"sagot ko "Please! Stop! Tumigil na tayo. Umuwi na tayo!"pag-iyak ko lang pero hindi siya

nakikinig sa akin.

"Thomas, umuwi na tayo"saad ko at medyo napatungo sabay nagpunas ng luha.

Hindi ko alam pero parang mas inaalala ko pa si Thomas kesa sa akin. Siya yung iniisip ko.

Paano na si Bal?

Paano na kami?

Kung ano ano na lang yung pumapasok sa isip ko.

Paano nagawa saakin ni Gabby yun?

Bakit ako?

Bakit ako ang nakaranas nito?

Bakit?

Habang patuloy ang pagluha ko ay hindi ko na namalayan na tumigil na kami sa isang tabi.

Napatingin ako kay Bal at nakita ko siyang nakatitig lang sa manobela.

"Bal"bulong ko.

Tiningnan niya ako at hindi ko na napigilan at mas napaluha ako.

"Take me home"saad ko "Please? Take me home"

"You are home"sagot niya at hinawakan ang kamay ko.

Napailing naman ako "Thomas, plese? Take me home"

Napailing naman siya.

"Ara, you will not leave me" saad niya "Sa akin ka pa rin"

Hinawakan ko naman ang pisngi niya.

"Mali na kung aakuhin mo yung kasalanan"saad ko "It was not your fault. It was Gabby"

"Aakuhin ko, Ara"saad niya at tinitigan ang mga mata ko "Kasi mahal kita"

Umiling muli ako.

"Ako na lang, Ara"saad niya "Akin ka, ako ang bahala sa'yo at sa mga anak natin"

"Pero hindi mo anak 'to"

"Ara"

Hinawakan niya ang kamay ko na nasa pisngi niya.

"Please Thomas,"bulong ko "Iuwi mo na ako. Hindi mo na kailangang panghawakan pa ako. Please? Iuwi mo na ako"

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Thomas' POV

"Huwag niyo pong kalimutang bigyan ng gatas si Ara sa gabi. Medyo humihina na rin po kasi likod niya dahil daw po sa bigat ng tiyan niya"saad ko kay Tita Betchay habang naglalakad kami palabas ng gate ng bahay nila.

"Oo, kami na bahala ni Djun diyan kay Ara"saad naman ni Tita.

Kahit maga pa ang mga mata namin ni Ara, sinunod ko yung gusto niya.  Inuwi ko siya rito sa Pampanga, bitbit lahat ng gamit niya.

Gayle's SecrecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon