Chapter 28

930 70 28
                                    

Ara's POV

"Bakit ba ang tensyonado mo?"tanong ko kay Thomas habang hawak hawak ko ang kamay niya. Naglalakad kami dito sa isang mall na kung saan sinabi ni Prince kay Thomas na kitain siya.

Sinabi lang saakin ni Thomas na sumama daw ako, hindi na ako tumanggi pa kasi normally kapag lumabas kami ni Bal, isang turo ko lang binibili na niya, kaya magtututuro na lang ako ng pagkain.

Balik kay Bal, hindi ko alam kung anong naging usapan nila basta ang alam ko lang, after niyang sagutin ang tawag ni Ricci, naging tahimik siya at parang may iniisip. Prince was once Thomas' friend, siguro may pag-uusapan lang.

Pumunta kami sa isang resto at habang hawak hawak ang kamay ko ay tumingin tingin siya sa mga taong nandito.

"Good afternoon, Sir. Table for 2 po?"

SINO KANG BABAE KA?! BAKIT MO KINAKAUSAP ANG BABY KO?!

Kaagad akong mas tumabi kay Thomas at medyo niyapos ang braso niya.

"Umm, no. I'm with someone, I believe he's here already" sagot ni Bal.

"Ah, are you Mr.Torres?"

"Ahm, yeah"sagot ni Bal.

"Ah, this way Sir.  Mr.Rivero is over here"

Nauna yung babae sa paglalakad at sumunod na lang kami.

"Ang tagal niyo nang hindi nag-uusap ni Prince tapos parang isang linggo lang nakalilipas nung nagkita kayo, nagset kaagad ng meet up. Hanep ah"saad ko.

"Shhh, mukhang may sasabihing importante kasi"saad niya.

Hindi na lang ako nagsalita hanggang sa ihatid kami nung babae sa parang pinakadulo at sulok. May parang isang room, private room. Nandun sa nag-iisang table si Prince, halatang hinihintay lang kami. Konti lang naman ang tao dito at mas marami pang vacant seats doon sa medyo labas pero dito pa talaga? Ang private naman. Wala masyadong makakapansin na nandito kami sa pwesto na 'to.

Halata kay Prince na kinakabahan siya at namumutla. I wonder why.

Pumasok kami sa room na yun at naiwan kaming tatlo.

"Kanina ka pa?"tanong ni Thomas at nagfist bump sila. Medyo bineso naman ako ni Prince.

"It doesn't matter, order muna kayo. Baka 'di pa kayo kumakain"

"No"kaagad na sagot ni Bal "May gagawin pa kasi ako, siningit ko lang 'to, nagmamadali ako. Bakit ba bigla kang nakipagkita saakin?"

Umupo naman kaming tatlo at kaharap namin ni Thomas si Prince.

Bakit parang nararamdaman akong tensyon? Yung kamay ni Bal na hawak ko, nanlalamig at namamawis. Ano kayang problema? At bakit ako sinama ni Thomas dito?

Napalunok lang si Prince at huminto ng ilang segundo.

"Thom, I'm really happy to see you again. To talk to you again. I mean, we're friends, right?"

"Oo, kahit hindi naman na tayo nag-uusap. I can still consider you as one of mine, why?"sagot ni Thomas na ang tingin kay Prince ay yung para bang may hinuhuli siya.

"Tho-Thomas I don't know how to start a—"

"Please tell me what is this about?"kaagad na tanong ni Thomas.

Medyo pinisil ko ang kamay ni Thomas para maparating na pinapatake it down ko siya.

Bumuntong hininga si Prince at halata na pinagpapawisan siya at kinakabahan.

"What is this about, Prince?"

"About Ara"

Kaagad akong napatingin nang bigla kay Prince at ako naman ang parang kinabahan.

Gayle's SecrecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon