Chapter 9

1.1K 63 25
                                    

"Ahem! Ahem!"

Nagising ako sa katotohanan ng basagin ni Kuya ang pagkatulala ko. Napatingin ako sa kanila. Tinitignan nila ako na may pagtataka.

"Umm"

Teka, mali yata yung nasabi ko. Tang ina, ano ba kasing katangahan yung gumimbal saakin?!

"Tara po, kain na tayo"pagyaya ko at mabilis na tumalikod.

Narinig ko naman ang pagsunod nila sa akin.

"Wow, ang dami namang hinanda"tuwang saad ni Tita ng makita nya ang nakalagay sa lamesa.

"Hay naku, si Thomas kasi ayaw ng bitin ang pagkain" sagot ni Mama "Oh s'ya tara. Kumain na tayo"

Pagkaupo ko ay napansin kong tatabi saakin si Kuya bitbit si Nathan.

"Axel, huwag ka d'yan" saad ni Mama "Si Ara ang katabi ni Thomas, okay?"

DAFUCK! Napangisi na lang si Kuya saakin at umupo s'ya sa harap ni Ara. Katabi n'ya si Nathan at sina Tita at Kuya Djun.

Tumabi na sa akin si Ara na halatang nakasimangot. Wala sa mood. Jusko, huwag lang talaga syang magtaray ngayon.

Sabay sabay kaming nagdasal at magsimulang kumain.

"Try mo po ito Tita, masarap yan"saad ko at iniabot ang Fillet na ginawa ko.

"Hmm, Ara. Ano nga palang plano mo pagkagraduate mo?"

Napatingin naman ako kay Ara ng tanungin sya ni Mama ng ganun. Ano nga bang plano nya eh magkaka anak na siya? At ang tunay na tanong, makakagraduate ba talaga s'ya? Ayayay.

"Umm, clothing po. Papatayo po ako ng business"sagot ni Ara.

"Oh, same as Thomas. Mag collab kaya kayo"saad ni Mama.

Pinaglakihan ko ng bahagya ng mata si Mama "Ma, resto yung saakin. Paano kami magco-collab?"

"Hindi naman sa mismong business. I mean, magkaibigan naman kayo. Maging mag business partner na lang kayo para tagumpay ng isa, tagumpay niyong dalawa"sagot ni Mama.

"Ah tama ka d'yan. Hindi naman siguro kayo maglolokohan nyan. Mahirap na pag iba pa ang ginawang partner noh? Puwede pang maloko, mabuti na kapag kayong dalawa kasi sigurado kayo sa isa't isa"dagdag pa ni Tita.

The hell.

Tumingin saming dalawa si Tita at Mama.

Napalunok na lang ako.

"Umm, sige po"sagot ko.

*Bogsh*

"AHMP!!"

Napapigil ako ng sigaw ng biglang may tumapak sa paa ko. Si Ara!! Araaaaay!!!

"Oh, anak? Okay ka lang?"tanong ni Mama na napatigil sa pagkain.

Ngumiti ako ng bahagya at tumango tango. Pero sa loob loob ko, hindi! Tangina!

"I will just g-aww- will just get the juice"pagpapa alam ko at agad na tumayo. Paika ika akong pumunta ng kusina at pagkapunta ko sa kusina ay hinawakan ko na ang paa ko at pinigilan kong sumigaw sa sakit. Nabigla na lang ako kasi sumunod si Ara saakin.

"Ano ka ba? Bakit ka um-oo? Sa tingin mo? Makakagawa pa tayo ng business sa lagay nating 'to?"mataray na tanong nya. Kahit pasigaw na sya ay sinisigurado naming hindi kami maririnig.

At kita mo nga naman, Sya pa itong galit?! Sya na nga itong nanakit! Anak ng tofu!

"Pwede namang um-oo na lang hangga't hindi pa nila alam hindi ba? Ang sakit kaya nung ginawa mo"pagrereklamo ko.

Gayle's SecrecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon