Chapter 13

8 2 0
                                    

"Alis na kami My." Paalam ko kay Mommy dahil andito na ang sundo ko. Si Carter.

"Sige. Carter take care of Xyller" Sagot ni Mommy. Tumango at ngumiti naman si Carter at hinapit ang bewang ko palapit sakanya.

"I will tita. We have to go na po." Tumango si Mommy at nagsimula na kaming maglakad at sumakay sa kotse niya. Hapon palang naman pero aalis na kami. Baka kasi ma traffic kami.

Ini start na ni Carter ang makina ng kotse at pinaandar na ito. I'm still shy. Nahihiya pa rin ako sa pag amin kong 'I'm in love with him' masyadong mabilis.

I'm just wearing an off shoulder mint green dress and a white converse shoes. Si Carter ang pumili ng dress ko ngayon. Naalala ko nanaman ang nangyari nung isang araw sa mall .

"This one?" Lumabas ako ng fitting room habang suot ang isang dress na kita ng konti ang cleavage ko.

"NO" madiin niyang sagot. Umiirap akong tumalikod at pumasok ulit sa fitting room at nagbihis muli ng ibang damit

"This?" Tanong ko ng lumabas ako habang suot naman ang isang puting dress na backless.

"No again."sagot niyang muli. Tumayo siya sa pagkakaupo niya sa sofa sa tapat ng fitting room at lumapit sa isang corner ng boutique na may mga dress. Kumuha siya ng isang dress dun at iniabot sakin

"Try that." pairap ko namang inabot iyon at padabog na pumasok sa fitting room. I look my reflection on the whole body mirror. I think this one would be perfect. Lumabas ako ng fitting room at humarap sa kanya with cross arms.

"Perfect." Saad niya.

"Ano eto nalang. Pagod na ako" sagot ko. Pagod na talaga ako. Ang daming nangyari ngayong araw.

"Hey! Nervous?" Nagbalik sa realidad ang pag iisip ko ng biglang nagtanong si Carter sa akin.

"Oo. Baka di nila ako magustuhan" Umayos ako ng upo sa front seat at huminga ng malalim. This won't be easy.

"That's wrong" sagot niya habang seryosong nakatuon ang atensyon sa pagmamaneho.

"Anong that's wrong?" Tanong ko.

"That's wrong na hindi ka nila magugustuhan. Mas excited ka pa nilang makita kesa sakin." Sagot niya. Natawa naman ako at tinignan niya ako bahagya ng masamang tingin.

"What's funny?"Tanong niya . Huminto ang sasakyan dahil naka Red light.

"Seloso ka pala." Natatawa kong sabi. Tinignan lang niya ako at muling pinaandar ang sasakyan.

"Yap. Kaya wag mo ko pagseselosin." Saad niya. Natahimik ako sa sinabi niya. Biglang tumahimik sa loob ng sasakyan. Awkward.

Ipipikit ko nalang sana ang mga mata ko ng biglang may tumawag sa phone ni Carter.

Saan nga ba Patungo?Where stories live. Discover now