"Tita pasalubong po namin" binigay ni Carter ang isang plastik na may laman na.
kakanin at iba pa. Gaya ng sabi ko. Akin lang ang suman kaya akin lang talaga."Salamat Carter." Inabot ni mommy ang plastik na iyon at inilagay sa mesa.
"Kumain ka muna dito Carter" sabat ni Daddy. Ngumiti si Carter at nagsalita muli
"Gusto ko man po pero may gagawin pa po ako e" sabi ni Carter. Alam kong totoo ang mga iyon dahil ako ang secretary niya.
"Sige sa susunod nalang." Sabi ni Daddy. Tumango naman si Carter dito.
"Kailangan ko na pong umalis. Salamat po" pagpapa alam ni Carter sa mga magulang ko.
"Sige ingat ka. Anak hatid mo na si Carter sa labas" tumango ako at naglakad kami palabas ng bahay.
"Thank you for being with me for two days" sambit ni Carter ng makarating kami sa tapat ng gate.
"Salamat din. O sige na. Ingat ka. Bye" sabi ko. Tumango siya at lumapit sa akin. Hinalikan niya ako sa labi. Mabilis lang iyon kasing bilis ng tibok ng puso ko ngayon.
"Damoves ka pa. Ingat ka" natatawa kong sabi. Tumango naman siya at pumasok na sa kanyang kotse. Monday nanaman bukas may pasok nanaman ako.
Pumasok na ako ng bahay ng makitang nakalayo na ang kotse ni Carter. Sinara ko na rin ang gate.
Umakyat ako sa taas at pumunta sa kwarto ko. Ang saya ng weekends ko. Binuksan ko ang facebook ko dahil nagtatampo na nga si Carter dahil hindi ko pa daw siya ina accept hanggang ngayon. Nakita ko naman agad ang pangalan niya sa friend request inaccept ko naman ito agad. I just found myself already stalking him.
Nakita ko ang pagpalit niya ng profile picture gaya ng sinabi niya sa akin kanina.
Carter Montenegro- Got home. I miss you already.
Ang cheesy ng caption niya sa profile picture niya. Ang daming nag like. He's famous huh.
Comments
Kent Andres: Montenegro is not a GAY anymore.
John Flores: Fvck dude. Ganda niyan huh.
Marami pang comments. Nag comment ako ng ' ❤ '
******
"Mam delivery for you" nakita ko ang isang lalaking naka uniform at may dalang bulaklak .
"Paki sign nalang po" sabi ng delivery man. Nag sign naman ako at kinuha ang bulaklak. Nakita ko naman agad ang isang letter
Good morning babe. lunch later.
-CarterM.
Napangiti naman ako. Ang sweet niya pala talaga. Nilagay ko ang bulaklak sa lamesa ko. Kinuha ko ang phone ko at nag type ng message para kay Carter.
To: Carter Sungit
Thanks I appreciate it.
Isinend ko naman agad ito kay Carter at nagulat ako ng mabilis itong nagreply.
From: Carter Sungit
Hope u like it. Lunch later huh
To: Carter Sungit
Sure. Bye.
Reply ko kay Carter. Hindi na ito muling nag reply. I know na busy siya.
ВИ ЧИТАЄТЕ
Saan nga ba Patungo?
General FictionEveryone in this Earth has the rights to be happy Lahat tayo may naka tadhanang tao na makakasama natin sa ating buhay. In this world full of manloloko I'm really sure meron pang lalaki na seryoso. Hindi man ninyo nararamdaman pero meron at meron pa...