"O-oo" sagot ko.
"Babe this is Nikki Avedra my sister. Nicole's mother." Ngumiti ako. Hindi ko pa rin lubos maisip na kapatid ni Carter ang pinagseselosan kong si Nikki. Who's not? Eh sobrang nakaka selos naman talaga. Kaya lang hindi pala dapat kasi kapatid niya yun. Gosh nakakahiya pag nalaman niya yun.
"Hi Xyller you're so simple yet so pretty." Bati niya sa akin. Napangiti ako. She's kind.
"Let's eat napagod si Xyller sa byahe" sabi ni Carter at kumuha ng kanin at nilagyan ako.
"Ako na" sabi ko at akmang pipigilan ko siya ng kamay ko ng hawakan niya iyon at pinatong sa lap niya.
Agad ko naman itong binawi at yumuko. Sh!t puro kilig naman. Namula nanaman ang pisngi ko.
"Tito Tita Xyller is blushing." Sambit ni Nicole. Geez nakita niya yun."Shh. Nahihiya si tita Xyller mo" sagot ni Carter.
"Nako iha wag kang mahiya. You're one of the family now." Sagot ng mommy ni Carter. Inangat ko ang ulo ko at nginitian ang mommy niya.
"Sige po Mam" sambit ko.
"Tita Coreen or Mom is much better" sabi ni tita. Coreen pala ang pangalan niya.
"Sige po Tita" sagot ko.
"Iha paki abot naman yung kanin" sambit ng Daddy niya.
"Eto po" saad ko ng ibinigay ko dito ang bowl ng kanin.
"Call me Dad or tito Nicolo." Saad nung daddy niya.
Gosh hindi ko akalain na ganito kabait ang pamilya ni Carter. Kakain na sana akong muli ng biglang nagsalita si Nikki.
"Sis. Can we talk later please" sabi ni Nikki. Sasagot na sana ako pero si Carter ang naunang sumagot.
"No Nikki" madiin na sabi ni Carter. Tinignan ko siya ng masama.
"Sure why not?" Naka ngiti kong sabi. Kinurot ko ang hita ni Carter dahil ang arte niya.
"Okay okay fine. Pero sandali lang uuwi pa kami" sagot ni Carter. Nakita ko ang pagsilay ng mga ngiti ni Nikki.
"Gosh. Am I really seeing this? Under ka ni Xyller bro?" Sambit ni Nikki ng may nakakalokong ngiti. Under ko ba? Hindi naman.
"Shut up" iritadong sabi ni Carter.
"Teka Apo uuwi pa kayo? Delikado na. Dito nalang kayo matulog sa kwarto mo Carter" sagot ng lola niya. Kami? Ni Carter? Matutulog sa isang kwarto? Geez .
"But-" pinutol ng lolo niya ang sasabihin ni Carter.
"No buts Carter. Baka hindi ko na makita ang apo sa tuhod ko sayo" Sambit ng lolo niya. Apo agad? Ako lang naman ang in love sa kanya e.
"Okay." Sagot ni Carter. Biglang may tumawag sa phone ni Carter at agad na tinignan kung sino.
"Your Mom. I'll answer this first." Sabi ni Carter. My mom? Close na agad sila? Shingshangahung Tumayo si Carter at umalis para sagutin ang tawag
"Iha paano kayo nagka kilala ni Carter?" Tanong sa akin ni Tita Coreen
"A-ah naglalakad po akong mag isa nung gabing yun then he offered me a ride then i refuse it po. Then naglakad ako then may nakita po akong lasing na palapit sa akin. Then alam ko po na sinusundan parin ako ni Carter so yun po i grab his offer." Pag kwento ko dito. naalala ko nanaman ang gabi na yun.
"Not that romantic pero sweet. Then paano kayo nagkita muli?" Sambit ni Tita Coreen. Masyado talaga siyang interesado sa relasyon namin ni Carter
"Nag apply po ako sa company niyo to be his secretary. Gusto ko pong maging independent ng mag apply ako sa kompanya pero ngayon po nasa bahay na po ako ng family namin." Nakita ko ang pagtango tango ni Tita ang tito.
"I see. Pero may na kwento sa akin si Nicole. That you and carter try to make a baby pero nahuli kayo ni Nicole" Patuloy na sabi ni Nikki. Ghad making a baby? Saan nakuha ni Nicole yun?
"When I was living on tito's house. On the kitchen. When i cried so loud" singit ni Nicole. Bigla naman akong nahiya shems. I'm sure pulang pula na ang mukha ko.
"Is that true apo?" Tanong ng lola niya sa akin. Dahil sa akin ito naka tingin. Sasagot na sana ako pero may ibang sumagot.
"We're just kissing that time." Nilingon ko si Carter na palapit sa akin. Narinig niya yun?
"You're not going again to my house Nicole. " sabi ni Carter at umupo sa tabi ko. Nakita ko ang pagtayo ni Nicole sa upuan niya at lumapit sa akin.
"Tita he's mad again" sambit ni Nicole habang hawak ang braso ko. Tinignan ko si Carter.
"Sungit mo." Sambit ko at inirapan ito.
"Tita look oh. He's eyes we're getting big na" sumbong ni Nicole sa akin.
"hindi na natin love si Tito ikaw nalang love ni tita" sagot ko kay Nicole. Tumalon talon naman ito at niyakap ng mahigpit ang braso ko.
"You're welcome anytime to my house Nicole. Tito loves you so much." Iritadong sabi ni Carter. Seloso.
"I told you wag mo ko pag selosin" sabi ni Carter sa akin. Oo nga pala. Seloso siya. Bumalik na sa kanyang upuan si Nicole.
"Sorry" sambit ko kay Carter.
"Tita Can I sleep with you?" Tanong sa akin ni Nicole.
"You're being spoiled again Nicole. No. Tito and tita needs privacy." Sagot ni Nikki. Buti naman. What? Gusto ko talagang masolo si Carter. Landi ko.
"Yan ang pinaka magandang ginawa mo for me Nikki. Thanks God." Sambit ni carter. Tumawa naman silang lahat
"Che. Gusto ko na ng pamangkin sayo." Sambit ni Nikki. Biglang nag init ang mukha ko. Wengya pinu push talaga nila si Carter na magka anak na.
"Soon. Right babe?" Tanong sa akin ni Carter. Nasamid naman ako sa sinabi niya. Iniabot sa akin ni Carter ang baso ng tubig. Nang medyo ayos na ako ay tumango nalang ako. Tapos na rin naman ang Dinner namin. Nagkwe kwentuhan nalang kami.
"I think that's all for this night. We have to sleep. Goodnight specially to you Xyller apo." Pagpapa alam sa amin ng lola ni Carter. Lumapit ito sa amin at hinalikan kami.
"Kami din Goodnight guys. Have a romantic night to the both of you Xyller and Carter." sambit ni Tita Coreen. Namula ang pisngi ko .
"We will." Sagot ni Carter.
"Son be good" sabi ng daddy niya.
"I will dad" tumango naman ang parents ni Carter at umalis na.
Aayusin ko na sana ang mga pinagkainan ng pigilan ako ni Nikki
"Sis let the maids do that" tumango nalang ako at binitawan ang mga hawak ko.
"Let's go to my room" sabi ni Nikki at hinila ako.
"Saan mo dadalhin yan?" Tanong ni Carter ng makita niyang akay ako ni Nikki.
"My room" sabi ni Nikki.
"I'm warning you Nikki" sabi ni Carter. Umirap nalang si Nikki at naglakad na papunta sa kwarto niya
"Look i don't like you" sabi ni Nikki ng isarado niya ang pinto ng kwarto niya.
She don't like me. His Sister don't like me.
******
Hoorayy!
I'm not perfect so bear with me.
ВИ ЧИТАЄТЕ
Saan nga ba Patungo?
General FictionEveryone in this Earth has the rights to be happy Lahat tayo may naka tadhanang tao na makakasama natin sa ating buhay. In this world full of manloloko I'm really sure meron pang lalaki na seryoso. Hindi man ninyo nararamdaman pero meron at meron pa...