Chapter 5

19 5 0
                                    


Ramdam na randam ko ang sakit ng katawan ko. Dinilat ko ang mata ko at nakita ang puting kisame.

Sobrang sakit ng noo ko. Kumirot naman ulit ito at napangiwi ako.

"You're awake" Biglang sabi ng lalaki. Tinignan ko siya at nakita ko ang Mukha ni Carter. Naka pagpalit na ito ng damit

"Thank you" sagot ko. Alam kong siya ang nagdala sa akin dito. Sobrang bait niya masungit nga lang.

"No worries. What do you want?" Sagot nito.

"Tubig na lang." Sagot ko. Nauuhaw ako. Mula kanina wala pa akong kinakain. Binigay niya naman agad sa akin ang isang baso ng tubig at nagsalita muli.

"I will just call your doctor." Sabi niya at tumango naman ako at lumabas na siya. Ininom ko na ang tubig at tumingin sa kawalan. Naalala ko nanaman yung mga salitang sinabi samin ni Oliver.

Naiiyak ako dahil sa pwedeng mangyari sa akin, sa amin. Dahil sa akin nalagay ko nanaman sa kapahamakan ang isang tao. Si Carter.

"You're crying. How do you feel?" Biglang tanong ni Carter sa akin. Kaya dali dali kong pinunasan ang mga luha sa mukha ko. Sa likod niya ay ang isang doctor at nurse.

"Ok lang ako. Salamat" sagot ko. Nanghihina pa rin ako.

Lumapit sa akin si Carter at pumwesto malapit sa ulunan ko.
"You're friend is fine Mr. Montenegro. She just need to rest and to eat. Pwede na siyang ilabas mamayang hapon" sabi ng doctor. Tumango naman ako dahil buti nalang walang masamang nangyari sa akin.

"Thank you doc" sagot ni Carter. Tumango naman yung doctor.

"Okay. We have to go." Sagot ng doctor at lumabas na.

Nahihiya ako sobra kay Carter.

"Uhmm papapuntahin ko nalang si anna dito. Baka may pupuntahan ka pa. Sorry talaga." Sabi ko kay carter. Nakakahiya na kasi na magbantay pa siya dito.

"No need. I'll stay" sagot niya.

"Pero baka may meetings pa po kayo" sagot ko. Masyado na akong nakaka abala sa kanya

"I don't have any meetings for today. "Sagot niya.

"Sige po. Papadala ko nalang yung credit card ko kay Anna para makapagbayad na ng bill ko." Sagot ko. Nagugumtom na ako. ayoko sa lugar na to.

"I already pay it. Padating na yung pagkain natin. Wait for a while." Sagot nito. Binayaran niya na talaga?

"I'll pay you tomorrow. Super thank you." Sagot ko. May biglang kumatok at lumapit si Carter para buksan iyon. Di ko na narinig ang usapan nila dahil malayo ang pinto sa hospital bed.

"Here's the food. " sambit niya habang dala dala ang mga pagkain at binaba ito sa lamesa ng kwarto. Bumangon ako at akmang bababa ng pigilan niya ako.

"Stay there." Sabi niya at lumapit ito sa akin. Hinila niya yung lamesa na pang hospital. I don't know kung anong tawag dun

"You'll stay at my house" Nagulat ako sa sinabi niya. Me? Staying? At his house? Srsly?

"Hindi na kailangan. I can take care for myself " sagot ko dito. Ayoko tumira sa bahay niya dahil wala akong ipambabayad sa kanya.

"No. You're staying at my house and that's final. Nasa bahay na ang gamit mo" Sagot niya sakin. Aba! Kinuha niya pa talaga lahat ng gamit ko.

"Masyado na akong maraming utang sayo. Baka malubog ako at walang maipambayad sayo." Sabi ko. Sa sobrang yaman niya lahat kaya niya ipaagawa in instant.

"I didn't say na bayaran mo ko." Sagot niya. Di siya nagpapabayad kasi? Marami siyang pera. He's one of the very well known Businessman in the town.

Saan nga ba Patungo?Where stories live. Discover now