Chapter 17

19 2 0
                                    

Sabay sabay kaming lumabas ng simbahan. Karga karga ko si Nicole dahil nakatulog ito sa akin.

"Carter lumibot muna kayo. Maglilibot din kami." Sabi ni Tita Coreen.

"Okay ma." Sagot ni Carter. Ngumiti si Tita at Tito sa amin at umalis na rin. Medyo mabigat si Nicole huh. Wala pa rin kasi sila Nikki hanggang ngayon. May pinuntahan ata.

'Ang gwapo ni kuya'

'Shems oo nga. Papicture tayo'

'May anak at asawa na ata'

'Keri lang'

'Pa picture tayo'

Narinig ko nanaman ang bulong bulongan kay Carter. Tinignan ko si Carter ngumiti ito sa akin at tinaas ang dalawang kamay. Inirapan ko lang siya.

"Kuya pwede papicture po?" Tanong ng mga teenagers. Gosh nasa simbahan sila for God sake.

"Sure" sambit ni Carter. at isa isa ng nagsilapitan ang mga dalaga sa kaniya. Ngumiti naman ito sa mga bawat picture.




"Babe I'll carry Nicole first." Sabi ni Carter sa akin. Tumango nalang ako at binigay si Nicole kay Carter.

'Geez he's so sweet'

'Ganda ni ate girl'

'Pang model si ate'

Napangiti naman ako sa mga sinabi nila. Nginitian ko ang mga nagpa picture kay Carter at agad din silang umalis. Thanks God.

"Wala e. Nag boyfriend ka ng gwapo" preskong sabi ni Carter sa akin. Nauna na akong maglakad. May mga lalaking kabataan akong nakasalubong

'Ikaw na mauna dude'

'Ganda niya'

'Ako na mauuna'

Lumapit sa akin ang mga lalaking nagbubulungan

"Pwede po magpa picture?" Tanong ng isang lalaki.

"No" sagot ni Carter. Nasa likod ko pala siya. Siya lang pwede? Ganon?

"Don't mind him. Who's first?" Tanong ko. Lumapit naman sakin ang nga ito. At sunod sunod na nagpa picture

'May asawa na pala dude'.

Asawa talaga? Lahat nalang. Hahaha pero kinikilig din ako at the same time.

"Wala eh. Nanligaw ka sa maganda" Nakangiti kong sabi. Sinamaan niya lang ako ng tingin

"Akin na si Nicole, Carter. Salamat guys." Lumapit si Nikki sa amin. Bati na rin sila. Para kasing bata tong si Carter e. Binigay niya naman si Nicole dito.

"Enjoy guys" sabi ni Nikki at umalis na rin. Naramdaman ko ang pagpalupot ng kamay ni Carter sa bewang ko. I just ignore it.

"Let's buy something" sabi ni Carter at hinila ako papunta sa mga hili hilerang nagtitinda mostly kasoy.

"Pasalubong mo kila Tita at Tito Reynold" sabi niya. Huminto kami sa isang tindahan. Hindi ako pamilyar dito dahil minsan lang ako pumunta dito. Kumuha siya ng mga suman at kakanin.

Saan nga ba Patungo?Where stories live. Discover now