Meeting Her -- Up Close

512 17 17
                                        

KRIZTEL

Naiinis ako. Ang agang nag-ring ng phone ko. Nagulat ako nang makita kong si sir Mark pala ang tumatawag.

"Hello, Sir Mark, bakit po?" tanong ko, humikab pa ako, hindi ko man lang natakpan ang mouthpiece.

"I'm sorry to wake you up, Kriztel. I just need to tell you something before boarding the plane," paumanhin n'ya.

Napaupo naman ako nang diretso. Anong ibig n'yang sabihing board a plane? Saan s'ya pupunta? "Ah, sir, where are you going?" tanong ko.

"Oh, I was assigned to do something urgent in Singapore. I'd stay there for a few weeks. Kayo na muna ni Alex ang bahala sa department, ha. I think both of you can take care of the department very well." paliwanag ni sir.

"Okay, sir."

"Oh, and one more thing, Kriztel ... the contract with A&A Foods Corp. is still not finalized. I was supposed to have a meeting with them today but ..."

"What are you trying to say, sir?" putol ko sa sinasabi n'ya.

"Since you're the one who helped me prepare the terms in the contract, I think you should take over that deal. Anyway, halos okay naman na iyon eh at hindi naman ganoon kahirap kausap ang president ng company. I told Jem to inform their company that you'll attend the meeting instead of me." dire-diretso n'yang sabi.

"Eh, sir. Kaya ko ba? Hindi ba pwedeng si Alex nalang?" kinakabahan kong sabi kay Sir Mark.

"Kriztel, mas alam mo iyon than Alex. Sa ibang deals, mas alam ni Alex pero iyong sa A&A, sa iyo 'yun. Confidence, Kriztel. You have all that. Bakit bigla ka namang natakot?"

"Eh, kasi sir ... first time ko lang to do have meeting with other companies."

"Then, it's about time you really try it. Hindi iyong lagi ka nalang taga prepare lang ng papers and documents. And besides, what's there to be afraid of? We are their clients after all. We're the ones purchasing their products ... I really have to go, Kriztel. We'll talk about how your meeting went through tomorrow. I'll call you first thing tomorrow," nagmamadaling sabi ni Sir Mark.

Hay naku! Napasubo na ako. Pero eto namang experience ang kailangan ko. Darating ang araw na gugustuhin ko ring tumaas ang posisyon ko sa kompanya. Noong kolehiyo ako, malakas naman talaga ang loob ko. Ewan ko ba kung anong nangyari sa akin at medyo nag lie low ako sa pagigiging makapal ang mukha.

I had to wear something nice. Ewan ko kung bakit. Simpleng meeting lang naman iyon. 'Tsaka final signing na iyon ng contracts. Nakailang meetings na rin si Sir Mark sa kompanya.

"Jem, anong oras 'yung meeting with A&A?" tanong ko.

"10 am. Eto na iyong documents. Nice ... out of the office ka ngayon ha. Irampa mo ang beauty mo sa kabilang kompanya ha. Baka nandoon ang hinintay mong Mr. Right. Ayaw mo kasi sa mga lalaki dito, eh." Tumatawa tawa pang sabi ni Jem.

"Ano ka ba. Parang pupunta lang naman ako doon para ipapirma ito eh. Walang panahon para gumawa ng kahit ano."

"KJ ka talaga kahit kailan. Sana nga ako nalang ang inutusan ni Sir Mark eh. Balita ko gwapo iyong boss doon," kumindat pa si Jem sa akin. Loka loka talaga ito.

"Hay naku. Tawagan mo nalang ako kung ready na 'yung driver na maghahatid sa akin sa office ng A&A ha," sinabi ko nalang para matapos na ang usapan namin.

"Miss, Good morning. I'm Kriztel Castro of SweetTreats, Inc. I'm supposed to have a meeting with Mr. Arcilla," pakilala ko sa receptionist. 

An Affair to RememberMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon