KRIZTEL
"Kriztel, ha, umaasenso si Alex! Yellow tulips pa talaga ang pinadala sa'yo! Sosyal," mahabang bungad sa akin ni Jem habang papasok ako sa department namin.
Yellow tulips! Nahulaan ni Alex ang favorite flower ko? Ang galing naman n'ya! O baka nabanggit ko na sa kanya?
Dumiretso ako sa lamesa ko at nakita ko nga ang isang bouquet ng yellow tulips. Napangiti ako. Ang ganda! Ang tingkad ng pagka-yellow ng mga bulaklak.
"Ay! Ang ngiti ... abot tenga!" pang-aasar ni Jem. Sinundan pala n'ya ako.
"Iba na talaga ang inspired!" dagdag pa n'ya bago s'ya dumiretso sa table n'ya.
Kinuha ko agad ang maliit na envelope na nakadikit sa bouquet.
Pero bigla akong nagulat nang mabasa ko ang nasa loob noon
To: Kriztel Castro
Finally ... after three long years, I know what KC stands for.
Walang nakalagay kung kanino galing pero alam na alam kong hindi galing kay Alex ang mga iyon. Anong ibig sabihin nito? Anong ibig sabihin ng mga bulaklak na ito?
Hindi ba s'ya masaya kasama ni Nikki? Bakit kailangan n'yang lumapit uli sa akin. Ngayon pa kung kailan nakapag desisyon nang ihinto ang kahibangan ko sa kanya.
---
"Ang yaman naman ng karibal ko ... tulips pa talaga ha," nagulat ako sa boses ni Alex sa likuran ko. Inaayos ang mga tulips sa isang vase. Pang apat na araw ko nang nakakatanggap ng mga bulaklak na iyon.
Noong pangalawang araw ito ang nasa tarheta
Kriztel ... nice name. Better than what I've thought it was.
'Yung pangatlong bouquet ito ang mensahe
Yellow tulips ... reminds me so much of those sunrises.
At itong pang apat
I want to watch another sunrise with you, KC.
Sa huling mensahe n'ya ako pinaka-kinabahan. Mali ito. May asawa s'yang tao. Ang bait pa ni Ms. Nikki. Pero pag bumabalik sa alaala ko ang mga sunrise na pinanood naming magkasama, parang gusto ko ring maulit muli iyon.
"Hey! Krizzy! Mukhang mahirap na kalaban ang karibal ko sa'yo ha! Napapatulala ka." putol ni Alex sa pag mumuni muni ko.
"Ha? Naku ... wala ito ... 'wag mong isipin ito." iyon ang nasabi ko na pagpangiti kay Alex.
"Buti naman at hindi ka pala nadadala sa mga bulaklak lang," sabi n'ya.
Napangiti lang ako.
"Oh, s'ya nag pala. Andito ako kasi magpapaalam ako. I'm going to Cebu. Utos ni Sir Mark."
"Ay, kailan?" Alam kong may kailangan kaming kausaping supplier ng mangoes sa Cebu. Si Alex pala ang inutusan ni Sir Mark.
BINABASA MO ANG
An Affair to Remember
RomanceHere I am waiting, I'll have to leave soon Why am I, holding on? We knew this day would come, we knew it all along How did it, come so fast? This is our last night but it's late And I'm trying not to sleep Cause I know, when I wake, I will hav...
