Three Years After

544 9 2
                                        

KRIZTEL

Para akong tanga. No ... tanga talaga ako! Eto na naman ako, nakatitig sa screensaver ng desktop ko. Ito ang nag iisang picture na meron sya. Ang liit lang nya sa larawang ito. Hindi naman talaga sya ang kinukuhanan ko dito. Iyong mga windmills talaga ang gusto kong kuhanan, kaya lumayo ako para makuha yung mga naglalakihang windmills. Na extra lang sya. Halos hindi nga makita ang mukha nya eh. Kahit na hindi makita nag mukha nya dito, hinding hindi ko pa rin makalimutan ang mukha. Memorize ko na ata ang mukha nya eh.

Tatlong taon. Tatlong taon na ang nakalilipas pero hindi ko pa rin sya makalimutan. Yung ngiti nya. Yung tawa nyang nakakaloko. Yung mga opinyon nyang pang isip bata. Yung itsura nya pag natatalo ko sya sa debate namin. Ilang araw ko lang sya nakasama pero noong panahong kasama ko sya, doon lang ako naging ako talaga. Sa harap lang nya ko naipapakita ang totoong ako. Hindi ko alam kung anong meron sya.

Hindi ko mawari ang sama ng loob ko nang malaman ko na ikakasal na pala sya. Ang tanga ko. Ang tanga ko lang. Pero ano nga ba ang karapatan ko? Wala naman syang ginawa? Wala rin namang syang sinabi. Sinamahan lang naman nya ako sa buong bakasyon ko. Ako lang naman iyong nag-assume na may something sa amin. Pero sobrang sakit lang dahil umasa ako. Umasa ako na may pwedeng mangyari sa amin pagkatapos ng bakasyon na iyon.

Desidido na ako noon na 'wag na siyang pansinin pagkatapos kong malaman na may naghihintay pala sa kanya dito sa Maynila. Pero makulit talaga sya. Bumalik sya at ipinakita uli nya iyong ugali nyang nagustuhan ko noong unang gabi palang kaming magkakilala.

One thing led to another. Something happened na hindi ko naman masasabing talagang pagkakamali. It was a mistake -- yes -- but I would never regret that mistake. Natakot ako. Hindi para sa sarili ko pero para sa mga taong pwedeng masaktan sa naging desisyon ko.

Pero hindi ko napigilan ang sarili ko. Sabi ko, minsan lang naman. Sandali lang naman. Sarili ko naman ang iisipin ko. Kahit sandali lang, hindi ko muna inisip kung anong possibleng mangyari pagkatapos ng desisyon ko. 

"Hold me. Just one last time. Please wait until I fall asleep. Then leave. I'm not good at goodbyes, you know. I just want to remember this with out the goodbyes." Iyan ang sinabi ko sa kanya bago ako nakatulog. Pinaalis ko sya, pero umasa ako na hindi sya aalis. Umaasa ako na ako ang pipiliin nya.  Alam kong malayong mangyari iyon, pero bago ako nakatulog, umasa ako na hindi nya ako iiwan.

Pero nagising ako na wala na sya sa tabi ko. Alam ko na. Tanggap ko na. It was just an affair. I was just a vacation fling. Isa nalang syang maganda ngunit mapait na alaala.

Pero bakit kahit tatlong taon na ang nakalilipas, hindi pa rin ako makalet go. Ilang beses ko na bang sinubok na palitan ang background at screensaver ng desktop ko dito sa office? Ilang beses ko na bang binura at pinalitan ang background sa phone at sa tablet ko? Pero lagi akong merong back up file ng larawan at laging bumabalik ang larawang iyon kasabay ng pagbalik ng lahat ng alala ng bakasyong iyon.

"Hoy! Kriz!" putol ni Jem sa pag muni muni ko, "inubos mo na naman ang buong lunch break mo sa katititig mo sa picture na 'yan. HIndi lalabas ang munting lalaking 'yan dyan." Tumawa pa nang malakas ang loka loka.

Inirapan ko lang sya.

"Sama ka mamaya ha," sabi ni Jem, medyo sumeryoso ang mukha nya.

An Affair to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon