Moving On

281 14 5
                                        

ATTR Readers, Thanks for patiently waiting

MWAHUGS! 

Cy

_____________

KRIZTEL

 "Krizzy, I'll pick you up around 9:30 tomorrow. See you," sabi ni Alex nang dumaan s'ya sa table ko.

Kasunod n'ya si Jem na abot tenga ang ngiti, "Iba na 'yan ha! Nakakailang labas na kayo together ha!"

Noong nag-decide akong mag-move on, 'sakto namang nag imbita si Alex. Noong una lunch out lang. Tapos sumunod, dinner naman. Ngayon napagkasunduan naming manuod ng sine at mag lunch after. Okay naman pala si Alex, eh. Masaya rin s'yang kausap. Madami rin kaming mga gusto na magkapareho. Sa tingin ko, tama lang naman na kalimutan ko na ang short affair ko three years ago. Masaya na si Adam. Mukhang stable na ang pamilya n'ya. Ako lang 'etong na-stuck sa past. Ako lang 'etong natengga sa kaiisip na posible pang magkaroon ng Adam-KC kung mag krus pa uli ang landas namin. 

"Hoy, natulala ka d'yan. Iniimagine mo na ang mangyayari bukas, ano? Naku, sabi na nga ba. May meaning ang mga pang aasar at pagpapacute ni Alex sa'yo dati!" Winawagayway pa ni Jem amg mga kamay n'ya.

Sana nga. Sana nga may patutunguhan din ito. Pero basta hindi ako masyadong umaasa. Bahala na. Ang importante i-enjoy ko naman na ang buhay ko.

Okay naman ang palabas. Hindi talaga ako mahilig manood ng sine pero pwede na. Pwede nang pagtyagahan. Mas gusto ko talaga ang mga libro o mga tv series. Noong nasa kalagitnaan na kami ng palabas, hinawakan ni Alex ang kamay ko. Nagulat ako pero hindi ko mabawi ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya. Tinignan din n'ya ako pabalik at nahihiyang ngumiti. Hindi n'ya binitawan ang kamay ko at hindi ko alam kung bakit wala rin naman akong lakas na alisin ang kamay ko.

Noong nakaraang labas namin ni Alex ay naging perfect gentleman s'ya. Inaalalayan n'ya ako kung kelangan pero hindi s'ya nangahas na samantalahin ang mga paghawak o pag alalay n'ya sa akin.

Pero bakit ko nga ba hindi matanggal ang kamay ko. May gusto na rin ba ako sa kanya? O away ko lang s'yang mapahiya? 

Marami ang nagsabing good catch na raw si Alex. Gwapo, matangkad, may magandang posisyon sa kompanya at s'ya rin ang napupusuhan na pumalit sa pwesto ni Sir Mark natulog ang promotion nito. Sa ugali ni Mark, wala ring mairereklamo. Magaling itong  makisama sa lahat ng tao sa department at sa buong company. 

Natitiyak ko, madaming babae sa trabaho ang gustong pumalit sa pwesto ko ngayon. Sa katunayan, matagal na akong inaaya nito na lumabas. Noong kalilipat n'ya sa department namin noong nakaraang taon, nag-umpisa na s'yang magparinig pero hindi ko pinapansin. Nitong mga nahuling linngo lang uli s'ya nag imbita na pinaunlakan ko naman. 

KOmportable naman ang pakiramdam ko habang hawak n'ya ang kamay ko. Hindi naman ako nababastusan. Pero -- hindi ko alam ... hindi ba dapat -- Kinikilig ako? Or dapat na eexcite ako? Ewan pero iyong hawak n'ya sa kamay ko ay parang hawak lang ni Mama sa akin o ni Des o ng iba ko pang mga kaibigan. Ganito ba ako kamanhid? 

Sa kaiisip ko hindi ko namalayan na umilaw na ang sinehan ang nagscoscroll na ang credits ng pelikula. HIndi ko man lang naintindihan ang ending. 

Biglang pinisil ng marahan ni Alex ang kamay ko. "Halika na?" tanong n'ya.

Tumango lang ako.

Inalalayan n'ya ako patayo. Hinawakan n'ya uli ang kamay ko at ngumiti. Nakakatuwa s'ya. Sa trabaho namin, nakikita mong meron syang authority. Likas sa kanya ang pagiging leader. Pero ngayon, ewan ko pero para s'yang bata.

Hinila na n'ya ako palabas. "Saan mo gustong kumain?" basag n'ya sa katahimikan.

"Kahit ano ...  umm ... pasta?" sagot ko.

Tumawa s'ya, "Pasta girl! 'Lika may alam akong masarap na pasta resto."

Magkahawak kamay kaming naglalakad papunta sa sinabi n'yan kainan. Lihim kong dinadalagin na sana s'ya na nga. Sana s'ya na iyong taong tutulong sa akin na makalimutan si Adam. S'ya na ang taong kasama ko sa pag momove on ko. Natatawa ako sa sarili ko. Alam ko namang walang kaso ang naging ugnayan namin ni Adam. Hindi ko alam kong bakit tatlong taon ang pinalipas ko.

Malapit na kami sa resto nang biglang may nakasalubong kaming isang napakapamilyar na tao. Isang taong matagal ko nang pinangarap na makasalubong ng ganito. Napatitig ako sa kanya. Napatitig din s'ya sa akin. Gulat na gulat s'ya. HIndi ko alam kung bakit pero bigla akong bumitaw sa kamay ni Alex.  

"KC," s'ya ang unang nagsalita. Nakahawak s'ya ng malaking paper bag na may tatak na Baby Gap. Malamang para ito sa anak n'ya.

BIglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat maging reaksyon ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin.

"Oh, Hi ... Mr. Arcilla," Iyan ang nasabi ko. Mukhang nagulat s'ya dahil alam ko ang apelyido n'ya.

Ako muli ang nagsalita, "Alex, si Mr. Keon Arcilla, s'ya iyong President ng A&A. S'ya yung laging kameeting ni Sir Mark. Si Alex po, sa purchasing department ng SweetTreats"   

"Ah ... yes ... SweetTreats," mukhang nakabawi s'ya sa pagkagulat n'ya.

"Nice to meet you, Mr. Arcilla," sabi ni Alex sabay lahad ng kamay n'ya.

Tinanggap naman ni Adam agad ang kamay nito, "Keon nalang ... wala naman tayo sa mga business meetings at tsaka kumpanya n'yo ang kliyente namin ... dapat ako ang tumatawag ng Ma'am at Sir sa inyo."

"Tama nga po ang sabi ni Sir Mark, Okay po kayo kausap," sabi naman ni Alex. Hindi ko alam kung bakit pa sila naguusap ng ganito. Gusto ko nang umalis sa kinatatayuan namin. Pinagpapawisan ako. Ang  bilis ng tibok ng puso ko. Alex ... tara na. Tahimik kong daing. Gusto ko nang hilain si Alex dahil bigla ba namang nagkaroon sila ng ibang topic ni Adam. 

"Naku, mukhang naiinip na si KC ... KC right?" tinitigan pa n'ya ako. Ang pinakita pa n'ya ang ngiti n'ya na isang dahilan kung bakit hindi ko s'ya makalimutan.

"Kriztel po ..." nasabi ko nang mahina.

"See you around, Kriztel ... Alex," wika n'ya sabay tango. Ini-stress pa n'ya ang pangalan ko.

An Affair to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon