"We will not fall apart..."
AVERY
An elf and a human. Nang tingnan ko si Zirrius, napansin ko ang seryosong mukha niya na malalim na nag-iisip. Lumingon siya sa 'kin na tila naramdaman niya ang nag-aalalang tingin ko sa kanya.
Kung ganu'n may pag-asa nga silang dalawa ni Liana. Nag-iwas siya ng tingin na parang napaso siya. Iniisip nga ba niya si Liana sa mga oras na ito? Siguro.
Tila may pumiga sa puso ko. Nakaramdam ako ng lungkot. It will kill me to see him on the arms of another girl. It will hurt and leave a scar in my heart forever.
Ipinasok na ni Kendrick ang kabayo niya sa katabing kulungan ni Aris.
"They will be here soon. They will escort Shin to the palace. Noong una, ayaw ni Shin na tulungan ang Hysteria dahil wala pa si Aivee. He's not even interested to help. This is a human's problem according to him. And his kingdom is also in dire state. His people are pushed into slavery. There are no elves left to help unless you succeed to redeem Elfania and the other kingdoms," paliwanag ni Kendrick sa 'min.
Umiling si Zirrius. "We hadn't succeed yet. The real fight is not in Elfania. It's in Alveria," saad niya. "I'm afraid only few elves can help us now." Makikita ang pag-igting ng mga panga niya. Natigilan naman si Kendrick at naguguluhang tumingin kay Zirrius.
"Sa Alveria?" wala sa sariling tanong niya. "Ano namang kinalaman ng Alveria sa problema ng Elfania?"
Bumuntong-hininga si Zirrius na tila naguguluhan at nahihirapan ding intindihin ang mga nangyayari. His eyes were distant. "Our real enemy is controlling Alveria. Hindi namin alam kung sino siya. Hindi ako sigurado kung siya si King Aulius. If he's not my uncle, then someone closer to him or someone we've never knew and saw before," he paused with his eyebrows almost meeting in the middle. "Or worst, he's someone amongst us," he said.
Natigilan ako sa sinabi niya. "That's... that can't be," halos nanginginig ang boses na saad ko.
"That's the worst case scenario," kibit-balikat na saad ni Zirrius. "Minsan, hindi masamang maging maingat. We can only trust few."
Kitang-kita naman ang pagkalito sa mukha ni Kendrick. "Ibig sabihin, iisa lang ang kalaban ng Elfania at Alveria? Pero bakit niya ginagawa ito? Ano'ng mapapala niya?"
Bumaling ang tingin ko kay Kendrick. "He wants all the power in this world," sagot ko sa kanya kaya napalingon siya sa 'kin. "He wants to steal everyone's magic. He steals some of my people's magic and they are suffering the decay. They're no longer immortal. They are dying. And we have no time to spare."
Napaawang ang labi ni Kendrick dahil sa narinig. "Kung ganu'n napakalakas niya? If you're not able to kill him before, what are we going to do now?"
"Hindi pa namin nakalaban si Seth," pagtatama ko sa kanya. "He used someone else to fight. He deceived us. Pero ngayon, tiyak na hinihintay na niya ang pagbabalik namin sa Alveria. He knew we are going after him."
BINABASA MO ANG
Heartbound
Fantasy[BOOK 2 OF SOULBOUND] Bumalik sina Avery at Zirrius sa Alveria, upang hanapin ang medalyong kinuha ni Seth at upang harapin na rin ang puno't dulo ng lahat ng ito. Kailangang iligtas ni Avery ang kanyang mga nasasakupan mula sa kamatayan, samantalan...