"No one can beat this calm..."
AVERY
Agad kaming nakapasok sa palasyo mula sa underground tunnel bago mag-umaga. Pero sa makipot na daan, naaamoy ko ang mga taong nakakulong sa bawat kulungang nadadaanan namin. I could smell blood and unwashed wounds, even decaying bodies. I'm not yet in my elf form, I don't have my extreme senses but the smell is already sickening. Mabuti na lang walang kawal na nagbabantay sa lugar.
Nakabibinging katahimikan. Nasa unahan ko lang si Zirrius habang maingat kaming nagmamasid sa paligid. Nasa likod kaming bahagi ng palasyo kung saan makikita ang hagdan pataas. Agad kaming umakyat sa hagdan patungo sa silid ni Haring Sean. I could hear some explosions outside the castle. Mukhang nagsisimula na sina Damon at Savanna. I saw an owl flying around the castle when I looked outside the window. Ang mga kasamahan naman nina Roj ay kumilos na rin upang lituhin ang ilang kawal. Nagmamadali ang mga kilos ng bawat kawal habang ang iba naman ay nakikipaglaban na.
Nagmamadali ang mga yabag namin. Nasa tapat na kami ng silid ni Haring Sean. Seryosong tingin ang ipinukol sa 'kin ni Zirrius at tumango. Marahan din akong tumango. Kumatok siya sa pinto at bumukas ang pinto. Salubong ang kilay ni Haring Sean habang nagdududang nakatingin sa 'min. Zirrius pushed him inside the room. I locked the door. Agad na kinuha ni Haring Sean ang espada na nakapatong sa mesa sa tabi ng malaking kama.
"Sino kayo?" mariing tanong niya. Itinapat niya ang espada kay Zirrius. Hawak naman ni Zirrius ang sariling espada at handa na itong bunutin anumang oras. Ibinaba ko naman ang hood na nakatakip sa mukha ko. "Ikaw 'yon. Ang babae sa pagtitipon," saad niya.
"Huwag kang matakot. Nandito kami upang palayain ka," seryosong sabi ko. "We will free you from your bind. You're under Seth's magic."
Mas lalong nagsalubong ang mga kilay niya. "Ano'ng ibig mong sabihin? Sino si Seth?" naguguluhang tanong niya. Nawala ang atensiyon niya sa 'min nang marinig ang malakas na pagsabog mula sa labas. Natigilan din kami nang marinig ang malalakas na katok sa pinto.
"Mahal na hari! Nilulusob tayo ng mga rebelde!" malakas na sigaw ng kawal. "Mahal na hari? Mahal na hari!" Nang walang marinig na sagot ay mas lalong lumakas ang pagkatok ng kawal. I could sense their panic.
Mariin kong ikinuyom ang kamao ko. Hindi maaaring magambala ang gagawin kong ritwal. Naglakad si Haring Sean patungo sa bintana at tinanaw ang nangyayari sa labas. He look displeased.
He turned to us with glaring eyes. "You dare disrupt our peaceful kingdom!" Naririnig ko ang mabibilis na yabag ng mga kawal sa labas ng pinto. They are looking for a way to break the door. They want to see their king as soon as possible. "You have to guts to corner me in my own territory. Don't you know who I am?" mariing tanong niya.
"You have to come back to your senses. We need your help to stop the completion of the magic circle. Ginagamit ka lang ni Seth," giit ni Zirrius.
"Hindi ko alam ang sinasabi ninyo. Sa tingin ninyo, makakalabas pa kayo nang buhay sa palasyo ko?"
"We will. We will all live," nakangising sambit ko. Nagtama ang mga mata namin ni Zirrius at tumango. Zirrius attacked King Sean. Using his sword, he tried to cut him on the side, but he's also trying his best to not give him a fatal blow. If only he can pin him down, it would be enough for me to proceed with the ritual. Sinasalag ng hari ang bawat pag-atake ni Zirrius. They're having an intense sword fight.
I used some spells to move the table and bed inside. Ihinarang ko ang mga ito sa pinto upang hindi kami magambala ng mga kawal. I made a chair flew on the King's direction that made him duck and unguarded. Zirrius used that chance to kick him and the King fell down. He scrambled to his feet but I sent a dagger flying that almost hit his face, a warning. Nanigas siya sa posisyon. He seethed. Mula sa mga kamay niya, lumabas ang nagniningas na apoy na unti-unting gumagapang sa sahig. It was carpeted so the fire easily crawled towards us.
BINABASA MO ANG
Heartbound
Fantasy[BOOK 2 OF SOULBOUND] Bumalik sina Avery at Zirrius sa Alveria, upang hanapin ang medalyong kinuha ni Seth at upang harapin na rin ang puno't dulo ng lahat ng ito. Kailangang iligtas ni Avery ang kanyang mga nasasakupan mula sa kamatayan, samantalan...