Heart 27: Stay Behind

18.8K 1K 283
                                    

"We will finish what the enemy had started..."

AVERY

Meeting Lianna again is so nauseating for me. Pero ngayon, naglalakad na kami ni Zirrius sa lugar ng tagpuan. Hindi na sumama sina Damon at ang iba pa. We need more information, more allies so they have to meet other people. At kahit mahirap para sa 'kin na makita si Lianna, gagawin ko para sa Elfania, para sa mga nasasakupan ko. Kahit nagdududa pa rin ako sa kanilang dalawa ni Leo, kailangan namin silang harapin at pakinggan. At least give them the benefit of the doubt, right?

Zirrius glances at me. "Ayos ka lang?" tanong niya. Tumango ako at matipid na ngumiti. We are both wearing cloaks and careful while walking in the deep part of the forest. Lianna and Leo are hiding from the eyes of the king for some reasons we want to know. Sa gitna ng kagubatan, napansin namin ang isang maliit na kubo. I bet this is it. The place where they are staying.

We are both on guard. Pinagmasdan namin ang paligid at natiyak namin na kami lang ang tao.Bago pa kami makatungtong sa hagdan ng kubo, lumabas na si Leo na halatang nag-aabang sa'min. Napansin ko ang pagod na asul niyang mga mata. He's not the arrogant prince I used to know. He's different now. He lost some weight. He's wearing a simple shirt and ragged jeans. Medyo magulo rin ang buhok niya.

Leo's eyes lit up when he saw Zirrius. Nang tingnan ko ang ekspresiyon ni Zirrius, halatang nagulat din siya sa itsura ni Leo ngayon. Tila naninibago siya.

"Hindi ko akalaing pauunlakan mong makipagkita sa 'min," bungad ni Leo. Pati ang tono ng pagsasalita niya ay mababa na. Wala ng pagmamalaki sa tinig niya.

"Gusto kong malaman ang sasabihin mo," seryosong sabi ni Zirrius nang makahuma. Tumingin si Zirrius kay Leo na tila wala lang sa kanya ang nakikita niya. Napalingon kami sa babaeng lumabas ng kubo. I see the relief on Liana's face as her gaze turns to Zirrius. Halatang masaya siyang makita si Zirrius. Matipid siyang ngumiti kay Zirrius na tila walang ibang tao sa paligid. Lihim akong napaismid.

"We should get down to business now," singit ko. Saka lang napansin ng dalawa ang presensiya ko nang marinig nila ang tinig ko. Sabay pang natuon ang atensiyon ng dalawa sa 'kin.

Kumunot ang noo ni Leo. "Sino siya?" tanong niya.

"Siya ang kasama mo noong isang araw, 'di ba?" tanong naman ni Lianna. Hindi ibinigay ni Zirrius ang pangalan ko kay Lianna kaya hindi niya alam ang itatawag sa 'kin.

Nakatingin sa 'kin si Zirrius. I think it's safer if he will not give my name. I'm the one who can activate the spell for the magic circle once it is completed, right? I am the sacrifice Seth needs. "She's a friend," sagot ni Zirrius. "A-Alice."

At kung malalaman ni Seth na nandito ako sa lugar na ito, tiyak na hindi siya magdadalawang isip na ipahanap ako.

"Nakilala ko siya habang naglalakbay pabalik dito," dagdag ni Zirrius. Mukhang hindi na naman mahalaga kay Leo kung sino man ako kaya pinatuloy na lang niya kami sa loob ng maliit na kubo.

Walang gamit sa loob kaya nanatili kaming nakatayo. Sumandal ako sa dingding at humalukipkip. Si Zirrius naman ay tumayo malapit sa bintana.

"Ano'ng nangyari? Bakit ka umalis sa palasyo? Ano'ng nangyari sa hari?" diretsong tanong ni Zirrius.

Malungkot na tumingin si Leo sa malayo. "Nagbago na siya. Noong umalis ka, pagkatapos ng pagtitipon, nagbago ang lahat. Umalis ang mga namumuno sa ibang kaharian pero sinusunod na nila lahat ng sinasabi ni King Aulius. Pati ang pagtatayo ng mga tore at pagbuo sa magic circle na makikita natin ngayon sa bawat kaharian. Pagkatapos maitayo lahat ng tore, he started to stay on one room. On that room where he was chanting spells. I sneaked in and he found me. His eyes were blank as he stared at me, as if he didn't recognize me at all. He's another person. I just know he's not himself. I ran away when he tried to kill me. Isinama ko si Lianna at umalis sa Alveria. We wandered on other kingdoms and hide."

HeartboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon