"You're scared that you can't protect the ones you love..."
AVERY
Marahang tapik sa mukha ang gumising sa 'kin. "Avery, kailangan na nating umalis ngayon. Though it's still dawn," mahinang wika ni Damon. "They found a healer."
Pupungas-pungas ang mga mata ko. Wala sa sariling bumangon ako. Inaantok pa ako pero naiintindihan ko kung bakit kailangan naming umalis nang maaga. Shin is sick and we can't also stay in just one place inside this kingdom. "Is everything set?"
"Yes. Iiwanan namin kayo sa manggagamot habang umiikot kami sa Sumeria. Maiiwan si Kendrick at Ayen upang bantayan kayong dalawa," paliwanag ni Damon.
"Hindi ba mapapahamak si Zirrius kung magmamanman siya sa Sumeria? His face is already known," nag-aalangang sabi ko.
"I will be fine," singit ni Zirrius. "I can hide my face perfectly well."
"He needs information. He will try to figure out Seth's true face. I will find the book we need. If it's possible, we will also check if there is a way to enter the castle," sabi naman ni Damon. Gusto ko ring tumulong sa ginagawa nila. Gusto ko ring ikutin ang Sumeria at humanap ng paraan para matigil na ang kasamaan ni Seth.
"Sige. Ipapaubaya ko na sa inyo ang impormasyong kailangan natin pero mag-iingat sana kayo," mabigat na wika ko. Tumayo na ako at inalalayan ako ni Damon.
"Huwag kang mag-alala. Makakakita ka rin," mahinang wika ni Damon. "Shin is getting even worse. We can't delay the cure."
Marahan akong tumango. Gumuhit ang pag-aalala sa mukha ko.
"Shin's temperature is dropping beyond normal. Akala ko nawala na ang lagnat niya pero hindi pala," nag-aalalang sabi ni Ayen. Napansin ko ang panginginig ng tinig niya. She couldn't contain her worries.
"We must go now," mariing wika ko.
Nagmamadali kami habang tinutunton ang daan patungo sa bahay ng manggagamot.
"According to the Sumerians, it's now illegal to heal someone using magic. Ipinagbabawal na ito. Pero may kakilala silang maaaring tumulong sa 'tin. Hindi na siya nakatira sa pangunahing lungsod ng Sumeria. He's now living in the country side. We also need to be careful. Hindi pa natin sigurado kung papayag siya. Buhay ang kabayaran kapag nahuli ang sinumang gumagamit ng mahika," paliwanag ni Zirrius.
"Hindi tayo susuko hangga't hindi natin siya napapapayag," mariing sabi ko.
Naramdaman ko na ang init ng araw sa balat ko makalipas ang tatlong oras. Unti-unti ng sumisikat ang araw. Nasa dulong bahagi ng Sumeria ang manggagamot na hinahanap namin, ayon kay Ayen. Nagtanong-tanong na rin kami kung saan ang tamang daan patungo sa tirahan ng manggagamot.
"Ang bahay, sa bandang dulo," turo ng isang matandang napagtanungan namin. Ang baryong ito ay malayo sa mata ng mga kawal at ng palasyo. Sa tingin ko, hindi masyadong mahalaga para sa Sumeria ang maliit na baryong ito.
BINABASA MO ANG
Heartbound
Fantasy[BOOK 2 OF SOULBOUND] Bumalik sina Avery at Zirrius sa Alveria, upang hanapin ang medalyong kinuha ni Seth at upang harapin na rin ang puno't dulo ng lahat ng ito. Kailangang iligtas ni Avery ang kanyang mga nasasakupan mula sa kamatayan, samantalan...