Heart 29: Elf

14.5K 1K 172
                                    

"Believe in me. Believe in us..."

AVERY

Hindi ako sigurado kung ilang araw na akong nakakulong sa lugar na ito. Sa tuwing tinatanong ko ang kawal, hindi siya sumasagot. Mukhang ang tanging naririnig lang niya ay ang mga utos ni Seth. Maybe he's under an enchantment.

Binibilang ko na lang kung ilang beses siyang nagdadala ng pagkain para sa 'kin. Sampung beses na akong kumakain sa lugar na ito. Ibig sabihin, lumipas na ang apat na araw. Siguro kung isasama ko na rin ang isa pang araw na wala akong malay ay magiging limang araw na akong nakakulong sa lugar na ito.

Hindi na ako mapalagay sa nangyayari sa labas.

Naalerto ako nang makarinig ako ng mas maraming yabag sa loob ng dungeon. Napasinghap ako nang makita ang bulto ng tatlong pamilyar na tao. Si Zirrius, Leo at Lianna na may kadena sa mga paa at kamay. Nagulat ako pero mas nagulat ako na makita sina Leo at Lianna rito. That means they didn't plan this, right? Kung ganoon, biktima rin sila.

"Zirrius..." tawag ko sa pangalan niya na puno ng pag-aalala.

Napalingon siya sa kinaroroonan ko. Relief washes over his face. He's glad to see that I'm alive. I want to run to him but I can't. I want to touch his face but I'm in this helpless state.

I see the bruises in his face - the cuts on his eyebrows and lips. Napansin ko rin ang natuyong dugo sa kanyang damit, leeg at braso. Did they torture him? Maybe. I don't know but that's the only thing I can think of.

Ipinasok ng kawal sina Zirrius at Leo sa seldang katapat ko. Si Lianna naman ay kasama ko sa kulungan. Matapos na ikandado ng kawal ang aming mga kulungan ay umalis na siya.

I focus my gaze on Zirrius. Halatang nanghihina siya. Nakasandal siya sa pader at nakapikit ang mga mata. He doesn't even have the energy to greet me. Though, there's no time for greetings in this kind of situation.

Lianna sobbed beside me. "Dapat hindi na tayo bumalik sa lugar na ito."

I rolled my eyes but didn't say anything.

Gusto kong malaman kung bakit nandito rin si Leo. "What happened? Paano ka nahuli, Leo?" tanong ko.

Napailing si Leo. His expression grim. "I sneaked inside the King's throne room and bedroom, looking for the medallion, but he caught me," sagot ni Leo. Bumunot siya nang malalim na hininga. "Hindi nakinig ang aking ama nang sabihin ko na gusto ko lang siyang makausap. Mukhang ayaw na niyang magtiwala kahit kanino. He's being paranoid and accused me that I'm after the medallion. He sent me to where Lianna and Zirrius is. We witnessed how Zirrius was tortured. I plead to my father to stop this nonsense, to stop hurting Zirrius and... he sent us here."

Nagsalubong ang mga kilay ko. "I thought you hate Zirrius."

Umiling si Leo. "That was before these things happened. But maybe you're right that I hate him. But even if I hate him, I don't want to see him suffer, in front of my eyes. After all we're still cousins, of same blood."

Gusto ko sanang sabihin kay Leo na hindi sila totoong magkadugo. Ngunit kapag ibinunyag ko ang totoo, malalaman nila na walang karapatan si Zirrius na umupo sa trono ng Alveria. At mas may karapatan si Leo na maging hari ng lugar na ito. Siya ang totoong tagapagmana ng trono kung tutuusin.

Bumaling ako kay Lianna na nakikinig na sa usapan namin. "Answer me. Do you know who stabbed me in the back?" I still can't remember what happened but maybe Lianna saw who it was.

Napaawang ang labi ni Lianna. "A.. a guard," she stammered. Hindi ko alam kung dala lang ng trauma ang takot sa mga mata niya.

Marahang tumango ako. "I looked back but I can't remember the face which is odd. I suspect my memories were tampered with false ones."

HeartboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon