CHAPTER 2
Denesse's POV
Whoah? Is that for real?
Napanganga ako dun ah. Hindi ko alam ang mararamdaman kung tatabihan ka ni famous hardcourt heartthrob AJ Milano. Ang hirap yata maniwala. Lalo na sa status namin ni Yannah sa school, TOTAL LOSERS.
Speechless kami pareho. Shock eh. Nakatitig lang kami sa isa't-isa. Nag-uusap sa tingin..
Kahit ata yung ibang mga tao shock din nung tumabi siya sa amin. Natahimik sila bigla. Ang awkward nga lang ng feeling dahil pinagbubulungan kami at pinagtitinginan.
Nung dumating yung friend ni AJ, sumama na siya dun. Si Yannah naman, ayun. What do you expect? Tuwang-tuwa.
"Shocks Denesse! Nananaginip ba ako?" Ay, ayaw mo pang mangyari yan sa totoong buhay?
"Sira, hindi.!"
"Sigurado ka ba? Sampalin mo nga ako? Baka panaginip na naman 'to eh." Okay, your wish is my command. Sinampal ko. Ay, napalakas ata? *laughs*
"ARAY KO NAMAN!. Sakit ah"
"Ayaw pa kasing maniwala eh. Ayun oh, tignan mo!" Kinuha ko yung Choco Bar na naiwan ni AJ kakamadali. "Eto oh. Patunay. Naiwan niya."
"AKIN NA!" sabay hablot niya sa akin.
"Sayong-sayo na. Aanhin ko naman yan? Masaya ka na?"
"Mmm.. hmm.." sabi nya habang tumatango. "Sobrang saya." ^_^
Sobra talaga siyang kinikilig. Pati nga ako niyuyugyog na niya dahil di makapagpigil. Pinagbibigyan ko na lang. Kailangan eh. Ngayon ko na lang kasi ulit siya nakitang masaya. Palagi na lang kasi siyang napagtitripan dito.
Ayaw din naman niyang ipagtanggol ko siya dahil ayaw niyang pagtripan din nila ako. Mahirap na daw kung kaming dalawa ang pagkaisahan. Kaming dalawa na nga lang ang magkaramay eh. Napakabuti talaga ni Yannah. Ewan ko ba kung bakit hindi nila makita 'yun.
Bumalik na kami ni Yannah ng classroom pagkarinig ng bell. Sa 4-O muna kami pansamantala. At may nakakainis na explanation kami diyan.
[*Section numbers are presented through letters. 4-O; 4-4th year and O- section 15]
Dalawa kami ni Yannah sa mga last enrolles ngayong school year. Paano ba naman kasi, napagtripan na naman siya nung mga mean girls na yun. Ang sinabi nilang enrollment date kay Yannah ay yung last day ng mismong enrollment. One week kasi yun eh. Eto namang kaibigan ko, napaniwala nila.
Ako din kasi mismo, hindi alam ang exact dates kaya akala ko tama si Yannah. Wala talaga silang puso.
Pero napakabuti talaga ng Diyos dahil temporary lang yun. Sa school namin, nagbibigay ng CE o Comprehensive Examination every year per year level, third week after classes resume.
Ibinibase dito ang section ng bawat students. Para naman may fair chance ang bawat isa na mapunta sa deserve niyang section, right?
At hinding hindi deserve ni Yannah sa last section noh.
Ang coverage ng test ay ang curicculum the year before and a preview of the year after. Bali pang third year lessons ang test naming mga 4th year.
Sa lahat ng tests, alam kong ito ang pinakapaghahandaan ni Yannah.
Anika's POV
June 17, 2011 (Friday)
Orientation ng CE namin ngayong araw sa Auditorium. Pinatawag ang lahat ng 4th year at pinaupo by section. So as expected, sa pinakalikod kami. Malabong makita ko si AJ dahil sa pinakaharap ang klase niya.
Inexplain lang sa amin ang gagawin para sa CE sa Monday. Excited? Not really. Nervous though. Pinaghandaan ko ang CE ngayong year eh. Summer pa lang, nagrereview na ako.
Consistent "A" student si AJ. School genius nga di ba? First year pa lang, pinangarap ko nang maging classmate niyan.
[*A = Section 1]
Kaso hindi masyadong maganda ang result ng CE ko nun eh. First year : 1-D , Second year: 2-C, Third year: 3-B. Nasasayangan talaga ako last year dahil one-point na lang at di pa umabot ang score ko sa cut-off ng 3-A.
Kaya nga ngayon, seryoso na ako. This is my last chance. I'll make the best out of it. Kahit rejected na ako, sinusubukan ko pa rin. Malay mo may ibang mangyari. Baka magbago ang ihip ng hangin...
Kahit pa sinabi kong.....kakalimutan ko na siya.
BINABASA MO ANG
He's That Guy
Teen FictionThe bullied nerd meets her hard court heartthrob. For Anika, her lovestory is quite tragic. She was rejected long ago before she could actually confess her feelings. Although those words of rejection made her heart broke into pieces, she continued l...