He's That Guy Chapter 14

60 1 2
                                    

CHAPTER 14

AJ'S POV

Tignan mo t'ong mokong na 'to. Seryoso yung pinag-uusapan namin tapos biglang mag-aayang pumunta sa bahay nila. 

Ano na naman ba gagawin namin?

Madalas kaming maghang-out sa bahay ko, minsan naman sa kanila. Kaming barkada ang tinutukoy ko. Ako, si Alice, si Charina, si Lance, si Mio at siya. Pero madalas, kaming dalawa lang ang naghahang-out dahil busy yung tatlo sa school activities nila. Si Charina may modeling, si Mio may School Paper works tapos si Lance naman may Math Club.

Si Alice naman, ayaw na ayaw niyang sumama sa aming dalawa kasi ino. OP naman daw namin siya at di siya nakakarelate sa pinag-uusapan namin. Which is true naman. *laughs*. Puro kasi basketball napagkukwentuhan namin eh.

Kaya ang ending, kaming dalawa na lang. Ang madalas naman naming ginagawa ay basketball sa court na malapit sa kanila. Kung hindi naman, magbilliard.

Simula nung umalis si Tita, ngayon na lang ulit niya ako niyayang pumunta sa bahay nila. 

Pumasok kami sa Game Room nila.

"Si Anika?"

I'm talking about her little sister. Magkapangalan nga sila ni Nerd eh.

"Wala, kasama ni Tita Rose sa Tagaytay..."

"Eh di mag-isa ka lang dito? Kailan pa?"

"Last week pa."

Tapos lumabas na siya ng Game Room.

"Dito ka lang, magpapaluto ako ng food. Anong gusto mo?"

"Kahit ano.. "

Tapos sinara na niya yung pinto. 

Matagal na kaming magkaibigan nitong si Jerick. Pareho pa nga kaming AJ eh. Tapos yung mga surnames namin, Milano and Madriaga, magkalapit pa. Parehong M. Kaya nga madalas kapag alphabetically arranged ang seating plan, magkatabi kami lagi. 

Since Prep, kilala ko na 'yan. Magkaibigan ang mga parents namin. Pareho kaming pinaattend sa same school dahil alam daw nilang magiging business partners kami paglaki. Grabe nga mga parents namin. Ni hindi nga namin iniisip yun eh. 

Magkakababata kaming tatlo ni Alice. Parang Ate na nga ang turing naman sa kanya kahit same age lang kaming tatlo. Mas mature kasi siyang mag-isip sa amin ni Jerick eh. Kapag kailangan namin ng payo, siya lang ang nilalapitan namin lagi. 

Away bati kami ni Jerick kung minsan. Madalas, ako ang nagsisimula. Aminado naman ako eh. Mas topakin ako kaysa sa kanya. 

We have a lot of things in common.

We both play basketball, pero mas magaling siya. Pareho din kaming 'gwapings' *laugh* Heartthrob, I mean. Pero mas lamang na ako dun sa kanya. *LAUGHS*

Kahit nga pati sa babaeng mamahalin.... Pareho din kami ng taste.

At dahil sa pareho kami nang gusto, hindi maiwasang.... NAGMAHAL KAMI NG IISANG BABAE.

Si Madelene Jane Garcia. First year kami nun nang una namin siyang mameet. Naging close kami sa kanya dahil seatmates kaming tatlo. Kahit si Alice and Charina, kilala si Maddie.

Yun nga lang, iba ang pakiramdam ni Alice sa kanya. Hindi ganun kapalagay ang loob ni Alice kay Maddie. Kahit naman ineexplain namin ni Jerick sa kanya na mabait naman si Maddie, ayaw niyang maniwala at binalaan niya pa kaming baka makapagcause ng malaking away si Maddie sa aming dalawa.

He's That GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon