CHAPTER 3
Anikas's POV
June 18, 2011 (Saturday)
Nagising ako ng 9:00 am, 30 minutes late sa usapan namin ni Denesse. I bet she understands naman eh.
Naligo ako kaagad, kumain tapos larga na. Pupunta ako sa bahay nila ngayon .
Ugali naming sabay nagrereview a day or so before CE. Never pang nag.fail ang review strategies namin dahil lagi kaming magclassmates.
Walking distance lang ang layo ng bahay nila sa amin, 3 streets away from our house.
Sa Rolling Meadows II Subdivision kami both nakatira. Ang galing nga dahil magkalapit lang kami ng bahay.
Private dito kaya safe maglakad nang mag-isa.
After 10 mins, nakarating na ako at nagdoorbell ako sa kanila. Si Tita Daisy, mommy niya, ang nagbukas ng gate for me.
"Good Morning Yan. Pasok ka!" Ganun pa rin ang mama niya, malambing at maganda.
"Good Morning din po, si Den, tita?" Den-den ang tawag sa kanya dito.
"Nasa kwarto niya, kanina ka pa nga hinihintay. Excited masyado."
Dumiretso na ako at umakyat sa stairs. Second door sa hallway ang kwarto niya.
*Knock! Knock!* kumatok ako.
"Pasok!!"
Pagkabukas ko ng pinto, nakita ko siya nakaharap sa PC, naglalaro ng PVZ.
[*Plants Vs. Zombies]
"Hoy, akala ko ba magrereview tayo? Eh naglalaro ka naman diyan?"
Umupo ako sa kama niyang pink ang bed sheet at Hello Kitty ang blanket. Pinause niya yung nilalaro niya at humarap sa akin. "Kanina pa kaya kita hinihintay. Tagal mo eh. Naglaro muna ako."
"Ako pa ang nasisi ngayon? By the way, gumawa ako ng reviewer. Nung summer ko pa yan ginawa. Ikaw naman ang gumamit."
Pinatay niya yung monitor at kumuha ng ilang libro, ballpen, at scratch papers.
"Ganito deal natin ah, tuturuan kita sa Geom at Trigo. Ako naman turuan mo sa Chem at Physics." sabi niya habang nakaturo sa akin.
"Deal!" tapos natawa lang kami pareho.
Mahina talaga ako sa Math. I really hate numbers. Ang fortunate ko na nga na ang BFF ko MATHalino eh. *laughs*
Mga 3 hours kaming nagreview. Tinawag kami ng mama niya para kumain ng lunch. Pagkatapos ay umakyat ulit kami.
"Nakakabusog. Ang sarap talagang magluto ni Tita," sabi ko habang hinihimas ang tyan ko.
Umupo si Denesse sa harap ng PC at binuksan yung monitor. Adik ang babaeng yan. Hindi nagpapatay ng PC. Napapagalitan na nga siya ng nanay niya eh.
"Gumamit ka muna ng net. Naaano ako eh... Take your time."
"Kadiri ka!" tapos tumawa lang siya at pumasok ng CR.
Kagaya nga ng sabi niya, nakigamit muna ako ng internet. Binuksan ko ang tumblr account ko dahil matagal na akong hindi nakakapag-update ng blog, as in matagal na.
Title: Goodluck sa CE sa Monday!!
Post: Shocks >.< Kinakabahan ako. CE namin sa Monday. Please be good to me. Last chance ko na 'to eh. Mapagbigyan naman sana ako this time.
BINABASA MO ANG
He's That Guy
Teen FictionThe bullied nerd meets her hard court heartthrob. For Anika, her lovestory is quite tragic. She was rejected long ago before she could actually confess her feelings. Although those words of rejection made her heart broke into pieces, she continued l...