CHAPTER 6
Denesse's POV
Shockss!! First part ng test, dumugo ang ilong ko. Ang hirap ng English part lalo na yung Science. Sa Math lang ata ako bumawi eh. *laughs* Yari na ako neto.
Kung ako nahirapan, mukhang si Yannah hindi. Nung tinitignan ko siya habang nagtetest, ang relax ng mukha niya at parang walang kahira-hirap yung exam. Iba nga talaga ang nagagawa ng may inspirasyon, oo.
Nagpaiwan si Anika sa room dahil magrereview pa daw siya para sa last three parts, Filipino, Computer Proficiency at Arts and Culture.
Ako na lang ang bumili ng pagkain naming dalawa. Pumunta akong cafeteria at nasorpresa ako sa nakita ko...
"Shocks.. Si AJ yun ah.?!" sabi ko nang mahina habang hinahawi yung bangs ko.
Mula sa pinto, kitang-kita ang front tables sa Second Level.
Nakita ko dun si AJ, may kasamang babae. Maikli lang ang buhok, bobcut ang hairstyle. Maputi din siya at.. maganda......SOBRANG GANDA. Kung may Female Version lang ng heartthrob na si AJ, siya na yun.
May something kaya sa kanila ni AJ? Grabe.. Bakit parang super close yata nila?
Paanong hindi ko masasabing super close eh, naka-link pa ng arms yung babae kay AJ.
Kaya tignan mo 'tong mga babae dito, umuungol na naman. Kala mo naman kung sinong namatayan. Para talaga silang mga baliw.
But come to think of it. Ang tahimik lang ni AJ this past three years. Walang napapabalitang girlfriend niya though marami siyang suitors at SECRET ADMIRERS. Yeah, si Yannah ang tinutukoy ko dun.
Sa dinami-dami nila, wala man lang siyang napili sa mga 'yun. Is it because.....
He secretly loves someone all this time?
At siguro ang maswerteng babae yun, ay walang iba kung hindi ang girl na katabi niya ngayon?
Mukha kasi siyang masaya eh. Tumatawa pa nga. Ang kulit nga nilang tignan both. Kung 'di ko lang BFF si Yannah, masasabi kong bagay sila sa isa't isa. Ang cute nila tignan eh. ^_^
Mukha ding close sila sa isa't isa. I wonder who that girl is. I'm freaking curious. -___-
Ano ba 'tong mga iniisip ko. Nakalimutan ko na atang ULTIMATE CRUSH ni Anika ang lalaking yun. I'm supposed to be angry with what I saw pero inaadmire ko pa ang cuteness nila
Yeah, taksil akong friend. Sige na. Sorry Yannah. *laughs*
Nasobrahan na ata ako nang kakatitig sa kanilang dalawa. Nakalimutan ko nang may bibilhin nga pala ako.
"Denesse, bakit ang tagal mo?"
Maglalakad na sana ako nang parang narinig ko ang boses ni Yannah. Tumalikod ako para iconfirm.
OH MY! Hindi parang.. SIYA NGA!!
Shocks, paano to? 'Di niya dapat makita si AJ with that GIRL!
Hinila ko ang kamay ni Yannah palabas ng cafeteria. "Tara na! Di pala ako nagugutom... Review na tayo.. Aha.. haha.. hahaha.."
"Teka, bakit nagmamadali ka? Eh nagugutom na ako eh. Samahan mo kong bumili."
Pagkakalas niya sa pagkakahawak ko, napatingin siya sa may second level.... YARI !!
"Yannah.. Halika na.!!"
I tried to stop her but it's too late. She already saw it.... What's worse is that she keeps staring at them. Yannah.! Stop it. Please don't hurt yourself.
BINABASA MO ANG
He's That Guy
Teen FictionThe bullied nerd meets her hard court heartthrob. For Anika, her lovestory is quite tragic. She was rejected long ago before she could actually confess her feelings. Although those words of rejection made her heart broke into pieces, she continued l...