CHAPTER 16
Anika's POV
Pagtingin ko sa kaliwa ko, nandun si Jerick. Bigla-bigla na lang sumusulpot. Nakacap siya at black batman shirt. Sabay kaming naglakakad.
"Bakit mag-isa ka lang?"
"Masama na ba ngayon ang maglakad mag-isa?"
Napahinto siya bigla sa paglalakad.
"Oh, bakit?"
"Hindi mo ba nabalitaan? May kinidnap na babaeng 16 years old. Yung mga kidnapers... sakay ng black na van. Tapos dun yun.." tinuro niya yung next street gamit yung lips niya. "Pagkaliko natin sa street na yun, dun na.."
Tsanggala? TOTOO BA YUN? Lumapit ako sa kanya at nagtago sa likod niya.
"Mauna kang maglakad..."
"Bakit... natatakot ka?"
SHET! Pinakaayoko pa naman yung mga kidnapan na ganyan eh. HUHUH!! T____T Dapat pala di na ako umalis ng bahay.
Inalis niya yung cap niya at sinuot sa ulo ko. Tapos binatukan niya ako nang mahina.
"Sira.. Joke lang. Bilis mo naman maniwala. Tsaka Exclusive Village 'to.. Ano ka ba?" tapos tumawa siya nang malakas. "Kung nakita mo lang yung istura mo, matatawa ka rin eh. Hahaha.."
"Tsss.. Pakasama.. Tinakot mo ko dun."
Tapos nauna na akong maglakad sa kanya pabalik.
"Saan ka ba pupunta? Ihahatid na kita.."
Ako, ihahatid? *laughs* Ayos ah. Instant kasama.
"Babalik na ako sa bahay.. Sama ka?"
"Tara.. !! Tsaka gusto ko din makita yung kinukwento ni AJ na magandang bahay ninyo eh.."
Talaga?! Magandang bahay ko? Yiiee. Ano ba yan.. Kinukwento niya pala ako.
Habang naglalakad, nagkwentuhan muna kami.
"Anong balak ninyong gawin this Thursday?"
Tinanong ko siya pero sa itsura niya, mukhang wala siya alam sa special occassion sa Thursday.
"Thursday? Anong date ba yun?"
"July 20 po. Nakalimutan mo na?"
Gosh.. Bestfriend? Makakalimutan ang special day niya?
"AY WAG MONG SABIHING..." Salamat naman at nakuha na niya *sigh* "Birthday mo? HAHAH.! Advanve Happy Birthday !!"
Birthday ko?! WHAT?! Shet! It's not me! Your friend, AJ! Duh?!
Hamak na secret admirer lang ako pero ang bestfriend, makakalimutan ang birthday niya?! Pero bakit?
"ANO KA BA.. HINDI AKO.. Si.."
Napatigil ako dahil biglang nagring yung phone niya.
"Wait Anika.. Sagutin ko lang ah.. Ila-loudspeaker ko para marinig mo.. HAHAH!"
"Teka.. Hindi ba importante yan at ipaparinig mo pa sa 'kin?"
"Hindi ah.. Si AJ lang 'to. For sure... mangungulit lang siya.."
BINABASA MO ANG
He's That Guy
Teen FictionThe bullied nerd meets her hard court heartthrob. For Anika, her lovestory is quite tragic. She was rejected long ago before she could actually confess her feelings. Although those words of rejection made her heart broke into pieces, she continued l...