CHAPTER 10
AJ'S POV
July 8, 2011 (Friday)
Gymnasium
P.E. Class namin today at Basketball One-on-One ang lesson.
Walang kahirap-hirap. Advantage sa akin ang pagiging varsity. Kaso, hindi ako ang pinakamagaling sa Smashers, lahat naman kami eh. Pero imba si Jerick. Siya ang Ace Player ng team. Bagay na bagay sa pangalan niya, Ace. *laughs*
Two-time MVP ang mokong eh. Samantalagang ako, isang beses pa lang.
Pinapila yung girls at isa-isa silang pinagshoot. As expected, konti lang yung nakapagshoot ng bola sa ring.
Lamang yung mga matatangkad gaya ni Charina. Si Mio, Alice at Denesse, nakapagshoot naman nang maayos.
Turn na ni Anika ngayon. Kinakabahan ba 'to lagi? Nanginginig na naman yung mga braso at binti niya eh. Hindi ka naman lalamunin ng ring kapag hindi mo naishoot yan. Adik.
I bet hindi niya mashoshoot yun. Ang liit ba naman ng mga biyas eh. Ano bang height niya? Mga 5'0" lang ata siya eh. Hanggang balikat ko lang kaya ýan, eh 5'9" ako.
"Ms. Cruz, again.."
See? I told you hindi niya mashoshoot. *evil laugh*
Paano ba naman kasi, nakapikit !! Tapos yung bola hindi man lang umabot sa ring. Sira talaga.
Paano siya ngayon niyan?
Practical Test namin ang makapagshoot three times next Friday.
Nagshoot ulit siya pero hindi na naman pumasok. Kinuha ko yung bola at lumapit sa kanya.
"Mukhang may makakazero sa Practical Test next Friday ah?"
Tinignan niya lang ako nang masama tapos nag-grin.
"Nakakainis, porke matangkad ka lang eh." sabi niya sa sarili niya nang mahina.
Lumapit pa ako lalo sa kanya. "Oo nga. Ang liit mo kasi. Tignan mo nga, hanggang balikat lang kita.." tapos mineasure ko yung height niya gamit yung kamay ko na pinantay ko sa balikat ko.
"EWAN KO SA'YO!! Tsss... pakayabang!!!" tapos umalis na siya.
Nahahawa na siya sa bestfriend niya, yung Denesse. Lagi kong naririnig na ginagamit nila yung "tss" eh.. Ahas ba sila?
Naaaliw ako kapag naaasar si Anika. Ewan ko ba, pero simula nung first day niya sa 4-A, nag-iba yung impression ko sa kanya. Para bang... para bang nakalimutan ko yung nangyari noon..
Hindi ko maintindihan pero parang nag-iba yung pakiramdam ko. Bigla akong nakonsensya sa ginawa ko dati. Bigla kong naisip... sana pala hindi ko na lang siya sinaktan noon...
HAAAY!!! Ano ba!! Kung anu-ano na naman naiisip ko.
Kagaya nga nang sabi ko, nag-eenjoy ako kapag nababadtrip siya. Mukha kasi siyang bata kapag nagagalit eh.. kapag inaasar ko siya.
Sa classroom, ang tahimik niyan lagi. Ni hindi ko nga makitang gumalaw. Laging tipid yung mga kilos niya.
Kapag tatawagin ko naman, laging kabado kapag haharapin sa akin. Hindi naman ako nangangain ah.
Ang ganito kagwapo kinakatakutan? Well.. siguro sa ibang guys na insecure.. dapat ngang katakutan ang ganito kagwapo.. *laughs*
Pero bakit parang takot siya sa 'kin? Dahil ba dun sa sinabi ko nung first year?
BINABASA MO ANG
He's That Guy
Teen FictionThe bullied nerd meets her hard court heartthrob. For Anika, her lovestory is quite tragic. She was rejected long ago before she could actually confess her feelings. Although those words of rejection made her heart broke into pieces, she continued l...