CHAPTER 7
Anika's POV
June 24, 2011 (Friday)
School Lounge (Breaktime)
Hoooo.. Moment of truth. This is it.
Inilalabas ang CE result, 4 days after ng test. So ngayon ang araw na ýun.
Haayyy. Ayoko nang umasa pang makakapasa ako o kakayanin kong mareach ang cut-off score ng 4-A. Lalo na sa ginawa ko nung Monday? Nako. Di ako nakapagconcentrate sa last three parts ng test. Ang sakit kasi ng nakita ko nung... Ah! Nevermind. Ayoko nang isipin pa ýun.
Titignan ko ba ang result o hindi? Wag na lang kaya?
Huhuhu. T____T Ayokong makita..
Nasaan na naman ba kasi si Denesse? Naman oh.
Paikot-ikot lang ako sa lounge kakahintay sa kanya.
Kakaikot ko, hindi sinasadyang mabungo ko ang mga mean girls.. este.. Purple Chiqs kuno. 'Di ko kasi tinitignan dinadaanan ko eh.
Hayyy.. Humanda ka na Yannah! Siguradong 'di nila palalampasin yung ginawa mo.
Pero imbes na magngitngit sila sa galit, sabay-sabay lang nila akong inisnaban. Tapos umalis na. WTF? Are they serious? Ýun na yun?
"Nakakainis!! Hindi to pwede.!! AHHH! Why on earth naman at si Anika pa?" narinig kong sinabi yun ni London mula sa malayo.
Teka, ano bang sinasabi niya? Di ko mainitindihan.
Tsaka isa pa, ang mga tao dito, pinagtitinginan na naman ako. Yeah, wala nang bago dun, pero iba ang mga titig nila this time. Kung pagtinginan nila ako dati, may halo pang pangungutya at pagtawa. Pero bakit kakaiba ata ngayon?
Mayroon ba akong hindi alam?
Ang creepy ah. Ano na naman bang ginawa ko?
Naglakad ako palabas ng lounge papuntang main building. Sa hallway ng first floor, nandun nakapost sa pinakamalaking bulletin board ng school yung result ng CE. Nandun na rin ang final sections na papasukan namin starting Monday.
Hindi ko na tinangkang lumapit pa dahil dahil sobrang dami pa rin ng tao.
Ang weird lang dahil ang mga nakakasalubong kong tao na galing dun, tinitignan ako na parang may something. Ano na naman ba?
Hindi na ako lumapit at bumalik sa lounge. Umupo ako sa bench at nilabas ang phone ko.
5 new messages at 2 missed calls all from Denesse? Inopen ko yung isa niyang message.
From : Dengoloids (+63949******* )
Sorry Yan. Emergency. Pinapauwi ako ni Mama. Nagpaalam na ako sa Guidance para iexplain sa next teachers natin. Bye. Mwaah. :-* Ingat ka dyan. Ah, nga pala. Congrats.!
Emergency? Ano kayang nangyari? 'Wag naman sanang masama.
Anyways, parang may 'di ako nagets sa text niya. Binasa ko ulit.
"Ah, nga pala. Congrats!" Hey, what's that for?!
I tried to call her but she's not picking up. Busy yung phone.
Nagring na yung bell kaya bumalik na ako ng room.
Wala na rin namang pinagawa si Mr. Lacson, ang current homeroom adviser ko sa 4-O. Pinagligpit niya lang kami at pinaayos ang mga gamit namin sa cabinet dahil magbabago na nga ang classrooms namin, effective this Monday.
BINABASA MO ANG
He's That Guy
Teen FictionThe bullied nerd meets her hard court heartthrob. For Anika, her lovestory is quite tragic. She was rejected long ago before she could actually confess her feelings. Although those words of rejection made her heart broke into pieces, she continued l...