He's That Guy Chapter 13

48 1 0
                                    

CHAPTER 13

Jerick's POV

July 13, 2011 (Wednesday)

Mukhang nagiging close na si Anika at ang kaibigan niya kila Alice, Charina at Mio. 

Hindi ko na pagtatakhan pa yun dahil una ko pa lang siyang makilala nung dinala ko siya sa bahay ko, pakiramdam ko may kakaiba sa kanya eh. Yung pakiramdam na kaya niyang makuha yung loob ng isang tao.

Magaan ang pakiramdam ko sa kanya at kahit silang tatlong babae pa ang tanungin, ganun din ang sinabi nila sa akin.

Madalas na silang nakakasama sa amin nila Lance tuwing kumakain. Pero ngayong araw, sila Alice ulit ang kasama nila.

Kasama ko magdamag si AJ dahil sa basketball practice.

Gymnasium

5:00 pm

"Dre, nagsorry ka na ba?" 

Magkasama kami ni AJ sa locker room para magpalit ng uniform.

"Magsorry saan?"

"Nung Friday? Yung bolang binato mo?"

"Ah.. Yon.."

Tapos hindi na siya ulit nagsalita pa.

Nitong mga nakaraang araw, lagi siyang tahimik. Simula nung Friday. Ewan ko ba kung bakit tinotopak na naman siya.

Sa practice game namin nung biyernes, hindi niya ako pinapansin.Ni hindi niya pinapasa yung bola sa akin. Sinosolo niya yung laro. Alam ko na yung mga kilos na yun eh. May problema na naman ang mokong.

Dun pa lang, feeling ko may sama na naman ng loob 'to sa akin. Ano bang ginawa ko? 

Hindi ko na muna tinanong dahil alam kong mauuwi lang yun sa pag-aaway namin. Nagkunwari na lang akong wala akong alam.

Mataas din kasi ang pride ng isang 'to eh. Ayaw niyang nagpapatalo sa mga argumento. 

"Hindi naman ba... Si Anika.... Nasaktan?"

"Medyo nahilo lang naman daw siya. Pero ayos naman na daw."

"Talaga.."

"Bakit mo ba kasi ginawa 'yun hah? Ano bang ginawa niya sa'yo? Parang nung bago ako dumating, ayos naman ka'yo ah.."

"WALA.! Kalimutan mo na 'yun.."

"Tignan mo 'to..."

"OO NA! Alam ko na! Mali ako! Sige na.. "

BINGO! Napaamin ko din siya nang hindi kami nag-aaway. ^_^ *laughs*

"Hindi ko alam kung bakit ako nagreact ng ganun.. Ewan ko ba kung bakit nag-asal bata ako sa harap niya. Alam ko namang mali ako eh.. Kaso.. kaso.."

"Kaso ayaw mong magsorry?"

Tumango lang siya.

"Magmumukha lang akong natalo kapag nagsorry ako eh."

See? Ang taas ng pride. Ewan ko nga kung bakit natitiis ko yung ugali niyang yan eh.

Ako na lang ang laging nagpapasensiya sa kanya. Yun nga siguro ang ibig sabihin ng 'kaibigan'. Kaya nga ako nandito eh.

"Anong gusto mong gawin ngayon?"

"Gusto ko siyang kausapin.. Kaso mukha namang galit.."

"Halata nga. Alam mo bang mabibingi na ako sa sobrang katahimikan niyong dalawa? Nagsasawa na akong si Alice ang laging kausap. Hindi naman kasi kayo makausap nang maayos. Kung ikaw natutulog, si Anika nakatingin sa bintana... Ay teka.. Nasubukan mo na bang kausapin?"

"Hindi pa.. GALIT NGA! Konyatin kita eh. Di makaintindi..!"

"Tara.. Punta tayo sa bahay.!"

He's That GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon