He's That Guy Chapter 8

70 2 0
                                    

CHAPTER 8

Anika's POV

Thank God at pumasok si Denesse. !!!

Akala ko iiwan niya ako ngayong first day namin sa 4-A. 

Inexplain naman niya na she went overseas this weekend at 'di na siya nakatawag pa. Sinamahan niya ang parents niya sa Australia dahil nagkaproblema ang business nila dun. Ka-sosyo nila ang isang family friend sa milk production in Australia. 

From a wealthy family din ang bestfriend ko eh. 

Nakahabol pa si Denesse sa flag ceremony. Nasa likod ko siya sa pila ng mga girls sa 4-A. 

Pagkatapos ng recitals, ipinakilala ang class advisers ng bawat section. Si Ms. Adlene Gomez ang homeroom adviser namin.

Sa Main Building, 2nd floor, first room sa kaliwa ang classroom namin. Pagkatapos ay inayos ni Ms. Gomez ang seating arrangement.

Sa 4th row ako, 5th column. Sa may left side ako ng classroom. Katabi ko sa kaliwa ko yung bintana, tapos sa kanan ko naman si AJ, Ace Jericho. Thank God st siya dahil kung yung isang AJ ang itatabi sa akin, I DON'T KNOW KUNG MAKAKAPAGCONCENTRATE AKO THE ENTIRE SCHOOL YEAR.

Si Denesse naman, sa harapan ko siya. Katabi niya sa kanan niya si Venice.

Yeah. Tama nga kayo ng iniisip. Isa siya dun sa mga mean girls. Pero matalino siya ah. And I think she's nice naman. Compared dun sa dalawa, London and Paris, tahimik lang siya kapag binubully na ako nung dalawa. 

Vacant pa rin ang seats sa likod ko at ni AJ.

"Mr. Milano, saan ba kita ilalagay?"

OMG. Si AJ na. Please. For Christ's sake. Wag po sa likod ko. Ang awkward 'nun pag nagkataon. Just please not on the back seat.

 "Hmmm.. Ah! Doon ka na lang sa back seat, sa likod ni...."

SA LIKOD NA LANG NI AJ.!

"Sa likod ni Mr. Madriaga."

Bingo! Ayos ah. Prayers heard. Thank you my Lord.  Napabuntong-hininga ako dun. Nakita ni AJ na katabi ko yung ginawa ko at napatawa siya. What's so funny?

"Bakit? Ayaw mo bang diyan sa likod mo maupo si Andrei?" 

Tumawa lang ako nang pilit. "Aha..hahaha..hahaha.." Masyadong halata. My gosh, di ko man lang inartehan pa."Hindi.. Hindi naman sa ganun.. kasi..."

Napatigil ako sa sasabihin ko dahil huminto si AJ crush sa harap namin ni AJ. Do you get it? I bet not. Basta sila na yun.. *laughs* Bakit naman kasi same name pa sila eh?

Tinitigan niya lang ako, ni AJ crush, nang matagal, for like one minute without even talking tapos umupo na siya. He's so weird. 

"Yannah!" tinatawag ako ni Denesse nang pabulong.

"Bakit?" so I answered in my softest voice too. 

"Nakikita mo ba yung last girl sa harap, yung naka-bobcut?"

"Oo, bakit?"

"Siya yun...Yung babae..." 

"Siya ang alin?"

"Yung sa cafeteria, kasama ni AJ," then she linked her arms.. Parang may iniimitate siya.

Oh yes.! I remember na. That girl from the cafeteria with AJ on her side, linking arms...

He's That GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon